Chapter 11

50 0 0
                                    

"kinuha ni Selena ang Kwintas na binigay ko para kay Oddete para iligtas siya sa kanya" napatingin ako kay Merlin nang nagsalita ito. Nakaupo kami sa sahig ng kwarto ko at napagpasya naming dito kaming mag-usap.

"Hindi ko pa Alam Kung papaano Niya natanggal iyon dahil may nilagay akong spell na Hindi pwedeng hawakan iyon ni Selena"

"Baka inutusan Niya si Oddete" Sabi ni Lucas.

"Basta.. tandaan mo Lance, kahit anong mangyari.. wag kang susuko, kailangan namin ang tulong mo, kahit anong gawin Niya sayo, wag na wag Lang mawawala SA tabi Niya" seryosong Sabi ni Merlin. Tumango ako bilang sagot.

"Makakaasa Kang Hindi ko iiwanan si Oddete, dahil.. Mahal na Mahal ko siya"

------

Napatingin ako sa likod ni Oddete. Nakaupo siya sa harapan ko habang nakikinig siya sa teacher namin na si Mam Vasquez.. buti nalang at Hindi Niya ito pinagtripan.

Pero, nagulat ako nang biglang tumayo ito Kaya napatigil sa pag-lelecture si Mam Vasquez.

"Yes? Ms. Santiago? May kailangan ka?" Malditang tanong ni Mam.

"You're lecture is awful" seryosong Sabi nito. Nanlaki ang mga Mata ni Mam Vasquez dahil sa sinabi ni Oddete at Kita ko sa mga Mata niya Ang galit. Pipigilan ko na sana siya pero, dire-diretsong naglakad si Mam Zasquez kay Oddete at walang sabing sinampal siya NG malakas.

"Ms. Santiago! Para sabihin ko sayo, nag-graduate ako SA banchelor of-"

"I don't care" seryosong Sabi ni Oddete. Na-shock si Mam dahil SA sinabi Niya at akmang sasampalin Niya ulit si Oddete nang tumayo na ako at hinawakan Ang kamay Niya.

"Mam, Child abuse na Ang ginagawa ninyo" Sabi ko SA kanya. Mabilis na inalis Niya ang kamay Niya at tinignan niya ng masama si Oddete.

"GET OUT! NOW! AYOKONG MAKIKITA YANG PAGMUMUKHA MO!" Sigaw ni Mam Vasquez sabay turo sa pintuan. Napa-'tsk' si Oddete at naglakad papunta sa pintuan at binuksan iyon at lumabas at binalibag Ang pagkakasara.

"Umupo ka na, Rivas" utos sakin ni Mam Vasquez. Umupo ako at napalingon SA mga kaklase ko nang makita Ang pagka-dissapoint sa mga Mata nila. Napayuko ako at kinuyom ang kamao ko.

"Ganyan Ang nangyayari ngayon sa mga Bata, matitigas Ang ulo.. walang displina sa mga nakakatanda, sinasagot na. Aba, kung nasa 90's Lang kayo may hawak na kayong makakapal na libro habang naka-squat. Alam nyo, Sayang Lang Ang pinapaaral sa inyo ng magulang ninyo Kung Hindi rin kayo aayos, biruin ninyo.. nagpapakahirap ang mga magulang ninyo na kumakayod tapos ano? Hindi nyo pa aayusin Ang buhay ninyo.. mararanasan nyo ring magtanda at magtrabaho, Sabi nga nila.. nasa huli ang pagsisisi Kaya kayo, ayusin nyo na Ang buhay ninyo.. wag kayong gagaya kay Oddete na sinasagot na ang mga nakakatanda.. nagtataka nga ako Kung bakit siya nagkaganyan" Sabi ni Mam Vasquez at umiling-iling.. pumunta siya sa lamesa Niya at kinuha Niya ang libro at binuklat.

"Page 256, sagutan ninyo sa yellow pad"

----

Third Person's POV

Pumunta sa rooftop si Oddete para makapagpahangin. Sumasabay sa ihip ng hangin ang buhok niya. Napatingin siya sa baba at nakita Niya Ang mga estudyante na nagsisitawanan na parang may sonabing nakakatawa Ang kasama Niya. Niyakap Niya Ang kanyang sarili at napatingin sa langit at napapikit.

"Sa rooftop na ito, nangyari ang ikinatakot ko.. ang mawala sa piling mo"

"Stella!" Napatingin si Stella Kay Matteo. Hingal na hingal ito at nag-aalalang tinignan si Stella.

 365 Days With You: PBTP1392  PANGALAWA (COMPLETED✔)Where stories live. Discover now