Chapter 23

33 0 0
                                    

THIRD PERSON'S POV

"Merlin, please. Buhayin mo si Avira" nagmamakaawang Sabi ni Lance. Pero, Hindi maalis ni Merlin ang tingin niya sa isang building na malapit sa kanila.

"She's here" seryosong bulong ni Merlin. Nagtaka si Lancelot dahil SA sinabi ni Merlin.

"Who?"

"The girl that i saw in the Future" seryosong Sabi ni Merlin at tumingin kay Lance.

"Pero sa ngayon, Hindi muna natin yan aasikasuhin, you want Avira to Live again right? Then..." Napatigil sa pagsasalita si Merlin at pinitik Ang kanyang daliri at nagulat ang lahat nang Wala na sila sa Rooftop.

"NASAAN TAYO!?" Sigaw na Sabi ni Denise. Napatayo si Oddete at tinignan ang paligid.

Ang pader ay gawa sa ginto at wala kang makikitang gamit maliban sa malaking orasan na sa harap nila.

Napatingin si Oddete kay Guin at namangha sa kanyang itsura.

Kulay ginto Ang kanyang buhok at mahaba Ang kanyang dress at kulay puti ito. May malaki siyang pakpak at may hawak siyang kulay asul na bilog.

At nasa gilid Niya si Sven o mas kilala bilang Lucas, ang Diyos ng Yelo. Kulay puti Ang kanyang buhok, Ang kanyang mga Mata ay kulay Caribbean at Ang kanyang kasuotan ay kulay asul.

"A-ANONG NANGYAYARI!?—"

"sleep" Sabi ni Merlin sa kanila. Seryoso ang mukha niya at nakatingin siya sa kanila.

Magtatanong na sana si Oddete kung nasaang lupalop sila nang biglang nakaramdam siya ng antok. Bumibigat ang kanyang talukap sa Mata at bumagsak silang lahat sa sahig kasama na si Lancelot.

Ang naiwan Lang ay sina Merlin, Karina, Lucas at Ang Apprentice ni Merlin.

Napatingin si Merlin kay Karina at nagtanong. "Bakit Hindi tumalab sayo?" Nagtatakang tanong ni Merlin kay Karina.

"Di porket kinuha ng Mahal na Dyosa Ang kapangyarihan ko, tatalab na sakin ang Mahika mo. Dyosa parin ako, Merlin" seryosong Sabi ni Karina kay Merlin bumuntong hininga si Merlin at umiling-iling.

"Di parin nagbabago yang pagiging maldita mo, Karina" saad ni Merlin.

Tinaas ni Merlin Ang kanyang bolang kristal at umangat Ang katawan ni Avira at pumunta ito kay Merlin. Huminto ito sa harap ni Merlin at may kinuha si Merlin sa kanyang Bolang Kristal na isang karayom.

"Anong gagawin mo sa karayom?" Tanong ni Lucas sa kanya.

"Itutusok sayo. Joke Lang, hindi ito ordinaryong Karayom. Kaya netong higupin ang lason sa katawan mo" paliwanag ni Merlin at tinusok Ang karayom sa likod ni Avira Kung nasaan Nandun ang Balang may bahid na lason.

Ang karayom ay naging kulay violet at nang natapos na ay kinuha ni Merlin ang karayom, gamit ang kanyang Mahika, Ang karayom ay naging pino na parang buhangin.

Pumunta ang apprentice SA kanya na may dalang maliit na mangkok na gawa sa ginto. Nilagay ni Merlin ang karayom na naging pino na at hinugasan Ang kanyang kamay.

Kinuha ni Merlin ang bala sa likod ni Avira. Pagkatapos, gamit ang kanyang Mahika ay tinahi Niya iyon then, she removed the mark.

"Tapos na.. kailangan ko nalang is burahin Ang ala-ala nila. Buburahin ko Lang Ang nangyari kanina"

————

ODETTE'S POV

napahawak ako sa aking ulo nang biglang sumakit iyon. Napabangon ako SA aking higaan at kinapa ang lamesa na nasa tabi ng aking higaan at ininom ang tubig na nasa baso.

 365 Days With You: PBTP1392  PANGALAWA (COMPLETED✔)Where stories live. Discover now