Chapter 27

12 0 0
                                    

"akala ko ba sinira ng Mahal na Diyosa ang Bola mong krystal? Bakit parang ayan ang orihinal?" Tanong sa kanya ni Lucas. Ngumiti si Merlin at tumingin sa kanya.

"Dahil ang sinira ng mahal na dyosa ay replika lamang at ito, ang orihinal" saad niya at inangat ito. "Pero wag kang mag-alala, hindi malalaman ng mahal na diyosa na replika lang iyon"
Dagdag pa niya at ngumiti.

Tinaas niya ang kanyang bolang krystal at may malaking bilog na pahabang lumabas. Sinoot ni Merlin ang kanyang Coat at pumasok na ruon.

"Siya nga pala, matatagalan ako. May titignan lang ako... At may kukuhain akong malaking bagay" saad ni Merlin at pumasok na ito sa malaking bilog at nawala na ito ng bula.

"Lucas, ngayong hindi ka na maalala ni Karina, ano na ang gagawin mo ngayon?" Tanong ni Miya sa kanya. Di na nagtaka si Lucas na alam ito ni Miya dahil may kakahayan siyang makatingin sa future katulad ni Merlin.

"Alam kong plano mong hanapin ang asawa mo ngunit, wag mo ng ipagpatuloy pa. Kapag nahanap mo ang asawa mo at nalaman ng ikatataas lalo na ang Mahal na Dyosa, mapapatay ka nila at damay narin si Merlin.. sa ngayon, Mag-pokus muna kayo kung paano ninyo maipaglalapit ang dalawa, si Lance at si Oddete."

"Alam ko" sabi ni Lucas at hinaplos ang kanilang wedding ring. Napatingin si Miya sa dinaanan nierlin papunta sa past.

"Alam mo, ramdam ko parin na galit pa si Merlin kay Karina dahil sa ginawa niya sayo. Kung ako ang nasa posisyon mo, hihiwalayin ko na siya pero, napaka-tapang mo Lucas. Pinagtanggol mo parin ang asawa mo at minahal mo parin siya kahit na ganun ang ginawa niya sayo" saad ni Miya pero tumahimik lang si Lucas at hindi nagsalita.

"Magpapahangin lang ako sa labas" saad ni Lucas at naglakad palabad ng bahay ni Miya. Bumuntong hininga si Miya at tumingin siya kay Lucas na palabas na ng bahay.

"Ang swerte mo sa kanya, Karina"

----

Sa kwarto ni Lancelot kung saan nakatago ang babasaging rosas. Pumasok ang dalawa na sina Micca at Lola.

{Ang pagbasa po ng Lola ay LOWLA.. arte ng accent}

"Eto na ang babasaging rosas..." Saad ni Micca a ngumisi ito.

Binasag ni Lola ang lalagyanan ng babasaging rosas at kukuhain na sana ito ni Micca nang nagulat siya dahil naputol ang dalawa niyang kamay. Napahiyaw siya sa sakit at napatingin siya sa taong nakatayo sa harapan nila.

"Bawal yan kapatid" mapang-asar na sabi ni Merlin sa kanilang dalawa habang hawak ang babasaging rosas at naglaho na siya ng parang bula.

Napaiyak si Micca habang tinitignan ang kanyang kamay na naputol at napatingin siya kay Lola.

"ANO PANG TINATAYO MO DYAN! PAGALINGIN MO KO!" Naiiritang sigaw ni Micca sa kanya. Pinagaling ni Lola ang dalawang kamay ni Micca at nagkaroon siya ng bagong kamay.

"MAGBABAYAD KA MERLIN!!"

----

ONE MONTH LATER.....
ODDETE'S POV

Isang buwan na ang nakalipas nuong namatay ang aking magulang pati narin ang mga kapatid ko.

Nakatayo ako ngayon sa puntod ng aking mga pamilya hawak ang boquet of white roses.

"Mommy, Daddy... Kamusta na kayo dyan? Masaya ba kayo ngayon sa langit? Kamusta na ba dyan sina ate at kuya?" Saad ko at pinipigilang lumuha.

"Mom, Dad... Miss ko na kayo, lalo na ang niluluto mo dati ma na Afritada, lagi mo akong nilulutuan nun kapag alam mo na malungkot ako at kapag gusto ko ng Afitada mo" sabi ko at pinunasan ang aking luha na hindi ko na mapigilan pa.

 365 Days With You: PBTP1392  PANGALAWA (COMPLETED✔)Onde histórias criam vida. Descubra agora