KBNT 31

4.8K 124 21
                                    

I Need You
written by: Azhblack

KABANATA 31
Birthday

Lady Nicole Mangilit Point of View

Dalawang linggo na ang lumipas nang gulatin kami ni Shaira sa ipinakilala niya sa tropa.

Noon ko lang din napagtanto na ako nalang pala ang hindi nakaka-alam na hindi talaga sila magjowa.

Ipinakilala niya lang sa amin si Red that time as her boyfriend, after non wala na. Hindi man lang niya nai-kwento kung paano sila nagka-kilala ni Red.

Sa makalawa naman ang alis ni Liam patungo sa Austria. Dahil hindi naman daw talaga kailangan na magtagal sa Austria naki-usap siya na a week before the wedding nalang siya pumunta doon.

Hanggang ngayon ay pinipilit niya parin akong sumama sa kaniya nang maipakilala na niya ako sa mga magulang niya.

But I still don't want to meet his parents. Because I know in this days, kapag umamin ako sa kaniya na buntis ako ay iiwanan na niya ako.

Yes, hindi pa alam ni Liam na buntis ako. Kapag uwi nalang niya galing sa kasal atchaka ko sasabihin sa kaniya na buntis ako.

Hindi pa rin ako nakapag pa check up since nalaman naming buntis ako. Hindi ako makachempo dahil laging nasa tabi ko si Liam.

Pero kahit na hindi ako nakakapag pacheck up andyaan ang marupok para bigyan ako ng mga do and don't tungkol sa pagbubuntis.

At dahil nga sa makalawa na siya aalis sinusulit na niya na makasama ako. Lagi niyang sinasabi na mamimiss niya ako kapag umalis na siya. Of course mamimiss ko din siya, pero hindi ko sinasabi sa kaniya iyon dahil baka hindi siya umalis.

Mula rin ng malaman namin buntis ako ay hindi na ako nakipagtalik muli kay Liam, kahit na sinabi sa akin ng marupok na ayos lang naakipagtalik. Hindi ko kayang ibuwis ang buhay ng anak ko para sa kaligayahan ng katawan naming dalawa.

"My Lady, napakalalim na naman ng iniisip mo?" nagulat ako sa biglang pagtawag sa akin ni Liam.

Nandito kami ngayon sa office ko sa resto. Gusto niyang pumunta kami sa Laguna ngayon pero hindi ko pinagbigyan dahil baka mapagod lang siya.

"Na-ah, nag-iisip lang ako ng pwedeng bagong putahe. Malapit na rin kasi ang anniversary ng resto kaya dapat ay magkaroon ng bagong putahe sa menu." pag-sisinungaling ko.

Pero totoo iyon, totoo na malapit na ang anniversary ng resto, pero matagal na akong nakapili ng bagong ihahain sa mga costumers.

"What if maglagay kayo ng more dessert?" suggestion ni Liam. "Iyon ang kulang sa inyo eh, napaka konti ng pagpipiliang desserts." dagdag niya pa.

Hindi ko na pinag-isipan pa noon ang pagdagdag ng dessert dito. Hindi ako mahilig sa sweets kaya wala gaanong sweets dito sa resto ko.

"Hindi ako mahilig sa sweets, Liam. Hindi ako gaanong marumong sa paggawa ng mga iyon." naka-ngiwing ani ko.

"Then I'll teach you how." aniya at hinila nalang ako bigla.

"Oh." gulat na ani ko.

In just a few minutes nasa kitchen na kami ng resto ko. Gulat na gulat pa ang mukha ng mga chefs na nandito.

"Oh?" gulat na ani Gisel, nakaturo pa ito saamin. "Anong ginagawa niyo dito? Bawal yan dito." tinuro niya si Liam.

"Who told you? Asawa ako ng may ari kaya pwede ako dito." taas noong ani Liam kay Gisel.

"Oh pake ko naman kung asawa ka niya, ako ang boss dito sa kusina. At inuutusan ko kayang lumabas ngayon. Ayaw kong makakita ng mag jowa sa kusina ko." irotadong ani Gisel habang pilit kaming itinataboy ni Liam.

I NEED YOUWhere stories live. Discover now