KBNT 8

5.5K 207 23
                                    

I Need You
written by: Azhblack

KABANATA 8
Laptop

Lady Nicole Mangilit's Point of View.

Isang buwan matapos ang nangyari sa Resto ko hindi pa rin sinabi sa akin ni Shaira kung saan ko makikita yung bahay nung Liam!

Pero ayos lang din dahil isang linggo lang din ako nag stay sa Austria at bumalik na ako sa Australia. Then three or four days dumating na din si mama at sinabi na bumalik na ako sa Pilipinas.

Napaka gastos! Hindi ko man lang nahiram yung eroplano ni Shaira dahil ginagamit nya.

At ngayon nandito ako sa napakaganda kong office.

Mula nang maka uwi ako sa Pilipinas hindi ako ginulo ni Shaira, dahil hindi nya alam na umuwi na ako.

Dahil paniguradong hindi ako makakapasok kung nalaman man nya, hihilahin ako non kung saan saan.

Kasalukuyan akong tumitingin ng mga dessert nang biglang bumukas ang pintuan ng office ko.

Speaking of the bitch!

Bakit ba kasi inisip ko pa sya kanina? Nandito na tuloy.

"Hellooooooo bitch!" ani nya at patakbo pang lumapit sa akin! "Bwisit ka ni hindi mo man lang pinaalam sa akin na uuwi ka na pala, bwisit ka!" ani nya at sinabunutan ako ng maka lapit sya sa akin.

Walang hiya talaga!

"Aish! Shaira naman!" sigaw ko at tinulak sya palayo sa akin.

"Kill joy mo namang babaita ka." ani nya at umirap muna bago sya umupo sa sofa ng office ko.

"Napaka ayos ng buhok ko Shaira tapos guguluhin mo?" sarcastic na ani ko.

Kumuha ako ng suklay at inayos ko ng buhok ko na ginulo ng bwisita ko. Bago ako lumapit sa pwesto nya.

"Ano na naman ba ang gusto mo at naparito ka?" mataray na tanong ko nang maka lapit ako sa pwesto nya.

Pero imbis na sagutin nya ako, ngumiti lang sya na parang baliw.

"Ano ba Shaira, sasagot ka ba o palalayasin kita dito sa resto ko at ilalagy kita sa ban persons!?" inis na ani ko.

"Tss. Hindi mo man lang napansin yung suot ko. Napakasama mo!" sagot nya at umirap pa.

Kaya pinagmasdan ko sya.

She's wearing maroon jumper dress with white long sleeves. Two inches heels and purse. With light make up.

"May ka date ka!?" gulat na tanong ko.

"Tss. Kung hindi pa kami mag de-date ni Kennedy hindi ko pamalalaman na kauwi ka na." ani nya at umirap pa!

"Sino ba kase nagsabi sayo nandito na ako?" tanong ko.

"Si Gilen, sya yung lumapit sa amin, tapos na banggit nya nga na nandito ka na. Tinatanong pa nga nya kung bakit daw 'hindi ako pumupunta dito.' sabi ko naging busy lang kaya hindi na kaka daan." ani nya at lumapit sa table ko!

I NEED YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon