KBNT 22

5K 149 11
                                    

I Need You

written by: Azhblack

KABANATA 22
My Lady

Enjoy reading everyone!

Ang nakaraan:

Maybe that's the Pizza he was talking minutes ago.

Dali dali akong naglakas papunta sa pintuan. Nang buksan ko iyo laking gulat ko sa nakita ko. It's not a delivery man. It was Liam.

"Yung pizza na bayan?" rinig kong tanong ni Aris mula sa likuran ko, agad ko syang tinignan kung disente ba ang pagkaka damit nya. Pero nang makita ko sya parang gusto ko nalang magpakain sa lupa!

Aristotle is topless, he's just wearing shorts. Habang nagpupunas sya ng basang buhok. Nilakihan nya pa ang pagbukas ng pintuan. Dahilan para makita ni Liam si Aristotle.

'Fuck this.'

Lady Nicole Mangilit's Point of View.

📍 Aristotle's Condo

"What the hell?" galit na bulalas ni Liam ng makita ang itsura ko at itsura ni Aristotle. At basta nalang pumasok sa loob at sinugod si Aristotle.

Hindi ko alam kung anong gagawin ko, oo hindi ako masyadong maayos sa sarili ko, hindi ako masyado kilos babae. Pero pusong babae ako at hindi ko alam kung anong gagawin ko kapag na kakita ako ng gantong away sa harapan ko mismo.

Kung si Shaira o si Camille ang nasa lagay ko ngayon, paniguradong nag sisipag cheer pa ang dalawa na yon.

Pero ako malambot ako sa ganito, shete marimar! Bakit ba ganto sila!

Sinuntok ni Liam si Aristotle, pero hindi na tumba si Aristotle nakatayo pa rin ito na para bang hindi man masaktan sa ginawa ng isa. Ngumingisi ngisi pa ito.

At mukhang lalong nainis itong itlog na si Liam sinuntok nya ulit ito, pero sa pag kakataong iyon na out of balance si Aristotle dahilan para mapahiga ito sa sahig. Doon na nakakuha ng pag kakataon si Liam na suntok suntokin si Aristotle.

Pero mukha matibay ang loko, naitulak nya palayo si Liam sa kanya, kung makikita ang mukha ni Aristotle may dugo ito sa gilid ng labi at sa kilay at mukha mamamaga ang mata nya.

Akala ko ititigil na ni Liam ang pag suntok nya. Pero laking gulat ko ng bigla nalang umambang kamao sa harapan ni Aristotle pero nakaiwas ito. Doon sya nakakuha ng pag kakataon na bumawi at masuntok si Liam sa mukha. Nag umpisa na din silang mag palitan ng suntok.

Shit! Ano bang dapat kong gawin!? Paano ko ba sila pipigilan?

Hindi masyadong nakakatama si Liam kay Aris dahil malikot ito, pero hindi rin nakakatama si Aris dahil alam kong hindi nya talaga gustong patamaan ang kalaban nya.

I NEED YOUWhere stories live. Discover now