KBNT 2

9.3K 259 23
                                    

I Need You
written by: Azhblack


KABANATA 2
Dare

📍LNicole's Restaurant, Australia.

Lady Nicole Mangilit's Point of View.

KAHAPON pagdating ko sa condo doon muna natulog si Shaira, ngayon palang kasi namin balak kausapin ang may ari non.

Kaya ngayon nandito lang kami ni Shaira sa loob ng office ko sa Resto, naka-tunganga lang si Shaira at halatang bored na bored na sa buhay nya. Habang ako naka upo sa swivel chair ko at umiinom ng kape.

"Bebs sa tingin mo kelan ka mag aasawa?" biglang tanong nya kaya napa-ubo ako.

"Gaga ka bebs! Dahan dahan naman sa pag tatanong." inis na saad ko.

"Tss. Kelan mo ba balak?" inosenteng tanong nya paren.

"Gaga, syempre wala, wala akong balak mag asawa." inis na saad ko tapos lumabas ng office ko at dumiretso sa kusina.

Halos Pinoy din ang nag ta-trabaho dito, mula sa guard, cook, at waiters. Halos lahat din naman kasi ng kumakain dito ay Pinoy kaya kalahati ng potahe dito ay lutong Pinoy. Iilan lang ang banyagang pagkain dito.

"Nako ma'am ikaw pala ang nandito ngayon." bati ni Gabi ang cook na kasing edad ko lang.

"Hmm, ewan ko kay mama kung ano na namang pina-plano eh, basta basta nalang umuwi ng Pilipinas at nakipag palit ng branch ba hahawakan." medyo inis na sabi ko.

"Ayos lang yan maam, malay mo dito mo na makikilala mapapangasawa mo, hahaha." natatawang ani pa nya.

"Nako Gabi, wala nga kasi akong panahon sa asawa asawa na yan. Bakit ba yan ang lagi nyong tinatanong o kung hindi naman lagi nyong sinasabi na mag asawa na ako. Wala akong panahon sa ganyan." I said then I rolled my eyes.

"Eto payong kaibigan Nicole," ani ni Gabi "Kasi diba mag kaka batch tayo, pero hindi mo ba naisip na ikaw nalang nahuhuli sa ating lahat, I mean kasi halos lahat kami may mga asawa't anak na. Samantalang ikaw single. Baka naman tumanda kang dalaga nyan." seryosong ani nya.

"Gab, wala akong panahon sa asawa asawa na yan, mas gusto kong tumandang dalaga kesa mag ka asawa." saad ko at iniwan din sya sa kusina.

I NEED YOUWhere stories live. Discover now