KBNT 35

4.2K 119 54
                                    

I Need You
written by: Azhblack

KABANATA 35
Yakap

Lady Nicole Mangilit's Point of View

"What do you mean, Frances?" tanong ni Jelly.

"Si Dexter ang tatay ng anak ni Lyna." seryosong aniya.

"Dexter na ex mo?"

"Oo." she said casually.

"How?" tanong ni Samantha.

"Remember when Dexter and I broke up four years ago?" tanong niya, tumango naman ang lahat. "Ilang buwan after the broke up nagkita kami ni Lyna sa Tagaytay. Sinabi niya sa akin lahat doon na buntis siya. Pero hindi ng current fiance niya ang ama." 

"The fuck?" hindi ko napigilang mag mura ng marinig ko iyon.

Buong akala ko anak ni Liam iyon!

"Kung ganon," biglang singit no Shaira, basta nalang lumalabas kung saan saan ang babae nato. Ngayon lang din siya dumating. "bakit pinanagutan ni Liam si Lyna?" kunot noong tanong niya.

"Iyon ang hindi ko alam. Ang last communication namin ni Lyna ay two years ago na." nagkibit balikat siya.

All this years naniwala akong anak ni Liam yung anak ni Lyna kaya hindi ako na ngulit!

"Restroom lang ako." pagpapa-alam ko sa kanila at mabilis na tumayo para pumunta sa malapit na restroom.

Nadaanan ko pa si Maui at Aristotle na naghahalikan. Mukhang ayos na silang dalawa.

Papasok na ako ng restroom ng may biglang humila sa kamay ko at ikinulong ako sa yakap.

Kilalang kilala ko ang amoy na ito. Hindi ako pwedeng magkamali.

"Liam." bahagya ko siyang tinulak, ngunit lalong humigpit ang yakap niya sa akin.

"Please. Let me hug you for a while." bulong niya dahilan para tumayo ang mga balahibo ko.

Pinabayaan ko siyang yakapin ako. Mabilis ang tibok ng puso ko, pero wala akong maramdamang takot. I feel safe, peace, home.

Ilang minuto ang itinagal ng yakapan naming dalawa bago niya ako pinakawalan.

Titig na titig siya ngayon sa mga mata ko. Ganoon din ako sa kaniya. Hindi ko ma alis ang mga mata ko sa steel gray eyes niya. Inilibot ko sa buong mukha niya ang tingin ko, sharp and high nose, square jaw. Tulad pa din ng dati niyang itsura. Pero mas malinis ngayon dahil wala na ang balbas at bigote niya. He's more hot and attractive now.

"Can I talk to you?" he gave me a small smile.

"Sure." I also gave him a smile, siguro this is the right time para sabihin sa kaniya ang tungkol sa mga bata.

"Hindi na ako magpapaligoy ligot pa Nicole." diretsong aniya.

Parang dinurog ang puso ko ng tawagin niya ako sa pangalan ko. Hindi na my Lady.

"Hmm?"

"I want to hear your explanation about what you have done last four years ago." seryosong aniya.

Alam kong gusto niyang pag-usapan ang mga nangyari noon. Pero hindi ko akalain na straight forward niyang itatanong ngayon iyon. Inaasahan ko na magkukumustahan muna kami.

Huminga ako ng malalim bago sumagot "Ano doon ang gusto mong malaman."

"Mula sa umpisa."

"Uumpisahan ko ang kwento ko mula sa oras na kinausap ako ng mama ko para magpakasal sa hindi ko kilala." muli, huminga ako ng malalim bago ko ikinwento ang nangyari. Ngunit hanggang doon lamang sa iniwan niya ako.

I NEED YOUWhere stories live. Discover now