KBNT 39

4.6K 135 20
                                    

I Need You
written by: Azhblack

KABANATA 39
Dada

Lady Nicole Mangilit's Point of View

Abala ako sa pagpili ng model na kukuhanin namin para sa magiging commercial ng resto ko.

Makakakain na sila ng libre tapos sila pa ang babayaran ko. Ang swerte.

Tatlong araw na rin mula na iwanan ko si Liam sa Tagaytay. Mukhang tama lang ang hinala ko noon, baka balak lang talaga ni Liam na mahulog akong muli sa kaniya. At iwanan kapag ayos na siya, kapag nakapaghiganti na siya.

Ang tanga tanga mo kasi Lady.

"What if influencer ang mga kuhanin natin?" suggestions ni Gisel sa akin.

Magandang kumuha ng mga influencer sa ganitong event.

"May kilala ka bang influencer na pwedeng mapapunta agad dito--"

"Hi there, my daughter!" my mother suddenly entered my office.

"Lolay!" sabay na sigaw ng kambal ng makita nila ang kanilang lola.

"What are you doing here, ma?" matapos kong malaman na ipinagkasundo na naman niya ako sa anak ng kumare niya andito na naman siya.

Isang araw mula ng makabalik ako galing sa Tagaytay kinulit na ako ng magaling kong nanay tungkol sa kasal kasal nayan.

Gustong gusto na talaga niya akong mag-asawa. Parang wala kaming naging kasunduan noon.

She's frustrating me!

"I'm here with your fiance -well their on their way in here- I can't wait you to meet him na." excited na aniya.

"Ma naman!"

"Labas muna kami.' Gisel smirked before leaving me with my mother. Kasama niyang lumabas ang kambal.

"Anak, para naman may makilala ng tatay ang kambal mo."

"Ma." ayaw ko pang sabihin sa kaniya pero ito na siguro ang tamang panahon. "Ma, nagkikita kami ng tatay ng kambal." pagsisinungaling ko.

Well, hindi na ako totally na nagsisinungaling dahil nagkita naman talaga kami ni Liam. Hindi ko pa nga lang nasabi ang tungkol sa kambal.

May balak naman talaga akong sabihin kay Liam ang tungkol sa kambal. Hanggang ngayon si Aristotle ang kilala niyang ama ng kambal, since wala akong nabanggit sa kaniya.

Ang alam ko ay nakita na niya ang mga anak ko, pero hindi sa malapitan. Ano kayang magiging reaksiyon niya kapag nalaman niyang sakaniya ang kambal.

Agad na nanlaki ang mga mata niya sa sinabi ko.

"Akala ko bang one night stand lang yung nangyari sa inyo ng tatay ng kambal?" tumaas ng kilay niya.

"Well surprised ma. It's not."

"Pananagutan ka ba niya?" sumeryoso si mama.

Dahil sa tanong na iyon natutup ako sa kinauupan ko. Pananagutan nga ba niya?

Mabuti nalang at may kumatok hindi ko na kailangan pang sagutin ang tanong ni mama.

Si Gisel ang pumasok at sinabi niya na may mag-asawang nag hahanap kay mama. Agad namang sinabi ni mama na papasukin ang dalawa.

Age in mid 50's ang pumasok sa office ko. Halata na mayaman ang dalawa, kitang kita naman sa pananamit ng mga ito.

Parang kapag tinignan mo sila pinamumukha nila sayo na 'Hello, mayaman kami.'

I NEED YOUDonde viven las historias. Descúbrelo ahora