KBNT 30

6K 131 9
                                    

I Need You
written by: Azhblack

KABANATA 30
Pregnant

Lady Nicole Mangilit's Point of View

📍Japan

Nang magising ako hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Nahihilo ako, nasusuka ako, hindi pa dingaano kalinaw ang paningin ko. 

Unti unti kong inalala ang mga nangyari. Nasa Japan kami para bumili ng regalo para sa birthday ni Shaira, kasama ko si Liam pero galit ako sa kaniya, nung oras na dapat ay kakausapin ko na siya may isang babae ang humagkan sa kaniya mula sa likod. Then I saw Kennedy...

Freaking Kennedy, ang punyemas na Kennedy na nag-cheat kay Shaira. 

Unti unti na luminaw ang paningin ko, napagtanto ko na nasa ibang silid ako. Silid na hindi pamilyar sa akin.

I was about to shout when I heard someone talked.

"Huwag kang sumigaw, baka anong isip ng makakarinig." ani pamilyar na boses mula sa gilid ko.

It's Liam Zamora.

"Liam.." ani ko at medyo kumalma ang damdamin ko.

"Wait in here, tatawagin ko lang sila Kennedy." aniya bago lisanin ang silid.

Hindi rin nagtagal ay pumasok si Kennedy, kasama si Liam at Rhai.

"Anong gusto mong sabihin cheater?" sarkastikong ani ko.

"I'm not a cheater Lady." malumanay na aniya.

"No, you are. Huling huli ka na sa akto Kennedy, don't deny it. Ngayon alam ko na kung bakit umiiyak si Shaira ng dahil sayong kupa--" natigilan akong may biglang sumigaw.

"Shut up Lady Nicole." ani ng boses ng bestfriend ko. Agad  akong naglinga linga sa paligid para hanapin siya, pero ni anino niya ay hindi ko makita.

Nababaliw na ata ko.

"Hindi mo makikita si Ate Shai dahil nasa kabilang linya lamang siya ng telepono." ani Rhai at iniabot ang cellphone sa akin. "Ayan, mag-usap kayong dalawa ng magkalinawan na." ani pa niya.

"Hello, ikaw ba talaga si Shaira?" paninigurado ko.

"Hindi, multo ako ni Shaira." sarkastikong aniya.

"Huwag mong sumbatan si Kennedy na nag-cheat siya, dahil first of all. Kennedy and I has no relationship." seryosong aniya mula sa kabilang linya.

"Ano?" gulat na tanong ko.

"Mahabang paliwanagan ang mangyayari. Iku-kwento ko nalang sayo kapag nakabalik na kayo dito sa Maynila." aniya. 

"S-shaira, anong wala kayong relasyon ni Kennedy?" 

"It is a very very long story Lady."

"Trust me, I have time." serysong ani ko.

"And I don't. Makipag-ayos ka muna diyan sa asawa mo bago tayo mag-usap." aniya "and please, huwag mong sumbatan si Kennedy na cheater." dagdag niya pa bago naputol ang linya.

What the hell?

Noong nag-usap kami tungkol kay Kennedy hindi niya nabanggit sa akin iyon.

Napakaraming tinatago ng kaibigan ko, pakiramdam ko hindi ko na talaga siya kilala.

"Anong sabi?" tanong ni Kennedy.

"B-bakit, bakit kayo nagpanggap na mag jowa ni Shaira?" tanong ko.

I NEED YOUWhere stories live. Discover now