KBNT 34

4.6K 128 38
                                    

I Need You
written by: Azhblack

📌 Nicole and Aris shipper issa prank, pasensya na HAHAHAHAHA.

KABANATA 34
Reunion

Lady Nicole Mangilit's Point of View

Pagkatapos ng mangyari sa loob ng restroom kanina ay hindi na ako mapakali.

Ni hindi ko nga magawang ikwento kay Shaira ang nangyari. Basta ang sinabi ko lang sa kaniya ay "He's back." yan lang.

"Lalim na iniisip mo ah, inom mo nalang yan." lumapit sa akin si Aristotle. May dala pa itong dalawang baso.

Malamang sa malamang balak matulog nitong bugok nato dito.

Inagaw ko yung alcohol na hawak niya "Huwag ka ngang uminom, dito ka na naman matutulog niyan."

"Shot lang naman, hindi naman ako malalasing sa shot." kumindat pa sa akin ang sira.

"Nako Aristotle lumayas ka sa pamamahay ko." kinuha ko na rin ang  mga baso.

"Eto naman, minsan na lang nga akong magshot."

"Doon ka sa bar mo, ubusin mo lahat ng alak mo don."

"Nicole naman." nag pout siya.

"Ang pangit mo pag nagp-pout. Mukha kang asong na uulol."

Bigla siyang sumeryoso "Kol, nakita ko si Maureen kanina."

"Saan?"

"Nung pauwi tayo." ngumiti siya.

"Kamusta? Maginhawa naman ba loob mo ng makita mo siya?"

"Hindi. Pagkatapos niya akong pinagtabuyan four years ago makikita ko na naman siya. Sa tuwing iniisip ko na pinagtabuyan niya ako nagagalit ako. Pero nang makita ko ulit siya ka kanina parang yelong natunaw galit ko. Kol, help me."

"Marupok ka. Wala akong maitutulong sayo. Ano bang balak mo? Haharapin mo siya or pagtataguan mo?"

"Balak ko siyang harapin." tumigil siya sandali "Kaso baka tumiklop ako kapag nasa harapan ko nasiya."

"Marupok."

"Hindi ako marupok, nagmamahal lang ako." halata ang lungkot sa boses niya.

"Nasa shop si Liam kanina." pag-iiba ko sa usapan. Baka mamaya ay biglang umiyak dito ang ulol na to.

"Alam ko."

Gulat akong tumingin kay Aristotle ng sagutin niya ako ng ganon, paano niya nalaman?

"Sinabihan ako nila Shene na andoon si Liam and they asked me a favor to act like I'm going to marry you." malaki ang ngisi niya sa akin ngayon. "Nakita din namin kung paano ka niya sinundan papasok sa restroom." mas lumapad ang ngisi niya. "Nag enjoy ka ba?"

"Siraulo! Wala namang nangyari!"

"Defensive." mas lalong lumaki ang ngisi niya sa akin.

"Wala naman talaga!"

"Hmm," umakto siyang parang nagiisip. "Kaya pala pulang pula yung mukha mo kanina nang lumabas ka galing sa restroom."

"Shut up!"

"Wala palang nangyari ah,"

"Shut the fuck up, Aristotle! Lumayas ka na sa pamamahay ko!" sigaw ko sa kaniya.

"Ayoko, mag-iinom pako dit--" bago pa man niya matapos ang mga katagang sasabihin niya ay itinusok ko na ang dulo ng kutsilyo sa bar island. "Shit!" nanlaki ang mga mata niya at mabilis na tumayo, "O-oo na! A-alis na ako!" aniya at mabilis na kumaripas ng takbo.

I NEED YOUWhere stories live. Discover now