KBNT 1

12.8K 321 75
                                    

I Need You
written by: Azhblack

KABANATA 1
Plano

📍LNicole's Restaurant, Philippines.

Lady Nicole Mangilit's Point of View.

HINDI na ako magtataka kung marami na namang tao sa resto ko.

Hindi naman kasi sa pag mamayabang isa ang resto ko sa may pinaka masarap na potahe sa buong mundo.

Pero kadalasan ang mga kumakain dito ay ang mga taong may Girlfriend, Boyfriend, MU o di kaya'y may mga asawa na.

Pero ni minsan hindi ako nakaramdam ng inggit sa mga iyon.

Ano naman kung single ako? Duhh.

Hanggat single ang bestfriend ko mananatili akong single.

Tss. Hindi na rin pala single yong babaita na yon sa pag kaka-alam ko ay bumalik na si Kennedy at hinahabol sya ni Mark ngayon oh diba napakahaba ng buhok ng gaga.

By the way I'm Lady Nicole Mangilit 24 years old turning 25 this coming July a Resto Owner and I am proud to say that I'm NBSB.

24 Years of existence here at the beautiful world but still NBSB. Kasalanan ko bang masyado akong tutok sa trabaho at hindi ko na maatupag ang love life love life na yan.

Meron naman akong manliligaw eh, napakarami nila, pero lahat sila binusted ko lang. Dahil nung panahon na iyon nag uumpisa palang ang negosyo ko.

Nasa isip ko non na kung makikipag relasyon agad ako ay hindi ko matututukan ang negosyo ko, kaya sinawalang bahala ko muna ang pakikipag relasyon.

And now, kung kailan kailangan ko na sila chaka walang nagtatangkang manligaw fudge.

Kaylangan ko na talagang mag hanap ng sperm donor para mag kaanak. Kahit sperm lang wag na nyang panagutan...

Pag pasok ko sa loob ng Resto tama nga ang hinala ko napaka rami na namang tao, e samantalang alas nuebe palang ng umaga!

"Good morning Ma'am Nicole." bati ni kuya Benj ang guard na mula umpisa ay kasama ko na..

"Good morning kuya Benj." bati ko pabalik.

"Nga po pala ma'am si ma'am Mari nasa loob po ng office nyo." saad nya ulit.

Ano na namang ginagawa ni mama dito? Eh nung minsang kausap ko sya masa Australia pa sya!

"Sige salamat kuya Benj!" saad ko at dali daling naglakad papunta sa office ko.

"Mama, ano na namang ginagawa mo dito?" tanong ko kay mama ng makapasok ako sa loob ng office.

"Yiee! It is nice to see you again anak!" saad nya at patakbong lumapit sa akin.

"I just want to check on you, bawal ba iyon?" kunwaring malungkot na ani pa ni mama.

Arghhh..

"Ma naman, diba ang usapan natin sa twenty-sinko birthday ko chaka nalang ulit tayo magkikita?" naiinis man pero tinago ko iyong pagkainis ko dahil panigurado magtatampo tong si mama.

I NEED YOUWhere stories live. Discover now