KBNT 33

5.3K 125 60
                                    

I Need You
written by: Azhblack

⚠️This KABANATA may contain a mature scene, patnubay at gabay ng magulang ang kailangan.

📌 Nicole and Aris shipper layag tayo HAHAHAHAHA.

KABANATA 33
Kasal

Lady Nicole Mangilit's Point of View

Hindi ko alam ang sasabihin ko ng sabihin ni Shaira sa akin na darating si Liam sa reunion namin. Para saan? Bakit siya darating? Hindi naman namin siya kabatch.

"Bakit siya pupunta?" bulong ko sa sarili ko.

Umalis din ka agad si Shaira at Red pagkatapos niyang sabihin na darating si Liam. Nagka emergency sila kaya umalis daw sila kaagad.

NASA bahay na kami, si Aristotle ang nag-ayos ng mga pinamili namin. Lagi namang ganito ang ginagawa namin pagkatapos naming mamili. Halos dito na rin kasi natutulog itong si Aristotle.

"Momma." dinig ko ang boses ni Surre.

"Yes, baby?"

"Papa Aris told me to give you this." may iniabot siyang papel sa akin.

"Thank you baby." hinalikan ko ang noo ni Surre bago siya umalis sa harap ko at bumalik kay Aristotle.

'Narinig ko na darating si Liam sa Reunion. Anong plano mo?' pagbabasa ko sa sulat na nasa papel.

Gusto kong puntahan si Aristotle ngayon at ipakain ang papel na ito sa kaniya.

Namu-mrublema na ako mula kanina lalo niya pa akong pinakaba.

Nabura lang lahat ng iniisip ko nang marinig kong nag ring ang cellphone ko.

Sinagot ko iyon ng hindi tinignan ang pangalan ng caller "Hello?"

[Nicole, kailan mo balak kunin ang gown mo aber?] boses iyon ni Jackie.

"Baka bukas nalang, pagod ako ngayon eh."

[Loka, gigil si Shaira sayo.]

I just chuckled "Pinitik nga tenga ko kanina nung nagkita kami."

[Buti di ka sinabunutan?]

"Sa super market kami nagkita, sis."

Tumawa ang muret sa kabilabg linya [Oh siya, kunin mo na dito bukas ah. Sama mo din yung kambal.]

"Nako, spolin mo din niyan. Alam mo bagay kayo ni Aris. Same kayo ng mga gustong bagay, lagi niyo ini-spoil mga anak ko, and last pareho kayong hindi pinili." malakas na ani ko sabay tawa.

Sandaling natahimik si Jackie mula sa kabilang linya mukhang gulat pa siya sa sinabi ko.

[Ikaw nga inanakan pero iniwan.]

"Itl--" biglang namatay ang linya ng tawag bago ko pa mamura ang itlog.

Bitter pa din kasi ang loko di pinili ni Brylle.

"Sino na naman yung kausap mo at ibina-bagay mo ako sa kaniya?" biglang lumabas si Aristotle mula sa kusina, nasa balikat niya si Surre habang nasa gilid niya da Dimmo na kumakain.

Hindi ko na talaga alam gagawin ko para tumigil ang isang to sa kaka-spoil sa mga anak ko.

"Ibaba mo nga si Surre, baka bigla mo mabitawan yan."

I NEED YOUWhere stories live. Discover now