KBNT 4

7K 244 22
                                    

I Need You
written by: Azhblack

KABANATA 4
Hubby

📍Nicole's Condo, Austria.

Lady Nicole Mangilit's Point of View.

NANG maka uwi kami agad ni Shaira sa condo ko agad akong nag take ng shower, iniwan ko munang mag isa si Shaira sa sala.

Kanina paglabas namin sa Restaurant, hindi na ako nag taka kung may Lamborghini or Ferrari man sya na gagamitin. And yes, she bought a Ferrari!

Lahat ata ng bansa sa buong mundo may bahay to. Pero ayaw nyang umuwi don. Kaya nung nasa Australia kami hindi na ako nag taka na mag hahanap sya ng mauupahana nya. Tulad ngayon.

Ewan ko ba sa kanya, napaka ganda naman ng bahay nya dito sa Austria nakikipag siksikan pa sya dito sa condo ko.

Ang balak ko sana ay mag bababad ako sa bathtub ngayon, pero dahil nga may kasama ako hindi ko magagawa yon. Mapag kelam kase ng gamit si Shaira, kaya hindi ko sya pwedeng iwan mag isa.

Pag labad ko sa bathroom agad akong nag bihis ng pajama, at humarap sa salamin para sa aking skin routine. Nang maka amoy ako ng mabangong amoy ng pag kain.

Dali dali kong tinapos ang pag pahid ko sa mukha ko, kung kahapon inaabot ako ng kalahating oras sa pag skin routine ko, ngayon sampung minuto lang!

Nakaka gutom yung amoy na nang gagaling sa kusina ko, paniguradong nag luluto na naman si Shaira.

And yes, nagluluto nga sya ng adobong manok. Pero napansin kong walang kanin kaya magsasaing na sana ako ng bigla syang nag salita.

"five cups of rice lang ang isaing mo, pero kung balak mong kumain na ngayon dagdagan mo." ani nya at tinuloy ang pagluluto.

"Ha? hindi ka kakain?" tanong ko.

"Nahh, kakakain ko lang bago tayo umalis ng resto mo, busog pa ako." She replied.

"ehh? bakit ka nag luluto?"

"Tss, para bukas. Breakfast natin." ani nya at pinatay ang gas stove.

Sakto namang tumunog ang oven sa ilalim nito.

"And I bake cookies." masayang ani nya bago kunin ang mga cookies.

"Hmm. Yang cookies nalang ang kakainin ko, mag sasaing nalang ako for fried rice." ani ko at nag lagay ng five cups of rice in the rice cooker.

"Ge. What do you prefer? Hot choco or Milk?" she asked.

"Hot choco." I replied.

Sakto akong natapos sa pagsasaing ng matapos rin sya sa pag timpla ng hot choco namin... I mean hot choco ko, gatas yung tinimpla nya para sa kanya.

"Bitbitin mo yang mga cookies, at dalhin sa sala mo, don nalang natin kainin to." ani nya at bitbit bitbit ang dalawang tasa na lumabas ng kusina.

I NEED YOUWhere stories live. Discover now