KBNT 23

5.4K 147 16
                                    

I Need You

written by: Azhblack

KABANATA 23
Paasa

Enjoy reading everyone!

Lady Nicole Mangilit's Point of View.

📍 Pampanga

"Lady Nicole Mangilit! Gumising ka na at aalis na tayo! Ayaw kong ma-traffic Nicole." pambubulabog ni Aristotle sa labas ng kwarto.

May sariling kwarto na ako dito sa condo ni Aristotle, isa sa tatlong guest rooms. Pero dahil madalas akong tumambay dito noon nag pasya na syang gawin kong kwarto to.

Instant room kumbaga.

'Napaka swerto mo, may instant room ka na. Tapos may instant asawa ka pa.'

What the hell Lady Nicole! Ano bang naiisip mo? Kahapon ka pa!

Ang totoo nyan hindi ako naka tulog, mula nang umalis si Liam kagabi dito sa condo ni Aristotle hindi na ako natulog.

Nakapikit ako, pero ang daming bagay na tumatakbo sa isipan ko. Isa na don si Liam.

Pupunta ba talaga sya? Susunod ba talaga sya sa akin sa Pampanga. O baka pinapaasa nya lang ako.

nagmu-muni-muni pa ako ng biglang bumukas ang pinto, "Lady Nicol---Jusmiyo marimar ka. Kanina pa ako tawag ng tawag sayo. Gising ka na pala."

"Di naman ako natulog Tots." ani ko at humikab pa. "Di ako nakatulog Aristotle." dagdag ko at umaktong umiiyak ako.

"Hindi nyo kasi inayos ng maayos ang ayaw nyo ng asawa mo. Kaya ayan di ka nya pinatulog ng maayos." nakangising ani nya sa akin.

Minsan talaga iniisip ko hindi ko kakampi tong gagong lalaki na to. Kadalasan kung sino kaaway ko doon sya naka-kampi.

Hindi na namamaga ang mukha nito, di tulad kagabi. Sadhang may maliit na cut nalang yun labi nya.

"Nag kaayos na kami kagabi. Pero hindi lang ako sumama sa kanya pa uwi dahil aalis tayo ngayon." ani ko.

"Palusot dot com ka." naka-ngising ani nya.

Pero hindi ko na sya pinansin, baka kung saan na naman makarating ang usapan namin. Irapan ko lang, dumiretso na ako sa banyo para ayusin ang sarili ko.

"Bilisan mo ah, Dadaan pa tayo sa bahay mo diba?" sigaw nya nang palayo na ako.

Oo nga pala. Wala pa akong nakahanda na damit. Yung mga nadala ko lang noon nakaraan is sakto lang para sa tatlong araw. At ngayon wala na akong extrang damit. Hindi na ako pwedeng mag bihis ngayon dahil wala ako isu-suot.

Agad akong bumalik sa kwarto, at sakto namang palabas palang si Aristotle.

"Tara na, sa bahay nalang ako mag bibihis." nag mamadaling ani ko ng makita ko sya.

"Mag hilamos ka naman muna. Ni hindi ka pa din nag toothbrush tapos aalis na tayo? Wala ka talaga sa tulo eh." ani nya at tinutulak tulak pa ako palayo sa kanya na para bang may malala akong sakin.

"Mabango pa hininga ko oh." nakangising ani ko at bumuga sa harapan nya.

"Putcha Nicole! Hindi porke hindi ka natulog mabango pa yang hininga mo. Halos pito o anim na oras mong hindi binuksan yang bibig mo. Ang baho pa!" maarteng tugon nya.

Putcha mas babae pa sa akin ang kupal na to eh.

"Napaka-arte mo, di ka naman gwapo." umiirap na ani ko.

I NEED YOUWhere stories live. Discover now