KBNT 37

5.8K 140 13
                                    

I Need You
written by: Azhblack

I DEDICATED THIS TO ALL OF SILENT READERS OUT THERE. DON'T FORGET TO COMMENT AND VOTE! LOVE Y'ALL!

⚠️ R-18
⚠️ Mature content below.

KABANATA 37
Nose

Lady Nicole Mangilit's Point of View

Pagpasok na pagpasok ko sa kwarto agad akong humiga sa kama at pumailalim sa kumot. Pakiramdam ko ay susunod at susunod si Liam dito sa kwarto. Pero naramdaman ko na ang antok, hanggang sa nakatulog ako walang Liam na pumasok.

KINABUKASAN nagising ako nang wala si Liam, mukhang hindi dito natulog dahil hindi naman nagusot ang kabilang bahagi ng kama. Bumangon ako at dumiretso sa banyo para maghilamos. Pagkatapos ko maghilamos narinig ko ang ring na cellphone.

Mabilis kong nilapitan iyon nang makitang si Sharmaine ang tumatawag agad kong sinagot.

"Mommy!" boses ni Surre ang una kong narinig.

"Good morning baby." masiglang sagot ko sa kaniya.

"Mommy, I have good news po." biglang singit ni Dimmo.

"Ano 'yon?"

"We didn't cry po kaninang nagising kami." masiglang sagot nilang dalawa.

Automatic na may ngiting lumabas sa aking labi ng marinig ko iyon. Napakabilis ng panahon. Napakabilis tumanda ng dalawa, kung pwede lang sanang magstay sila ng ganito.

"That's good to here, baby." uminit ang mga mata ko, naramdaman ko na rin ang panunubig ng mga iyon.

"Mommy, ikaw po? how's your morning?" tanong ni Surre.

Bigla akong nakaramdan ng lungkot, nang gumising ako kanina inaasahan ko si Liam. Pero hindi naman siya dito natulog. Balak ko pa naman na magstay nalang, hindi na muna ako uuwi.

"I just woke up, baby. Kakahilamos ko lang, titignan ko muna kung may breakfast na. Kung wala magluluto na muna ako." lumabas ako ng silid, nasa  tainga ko ang cellphone.

Agad na nanlumo ang katawan ko ng hindi ko nakita si Liam doon. Pero halata naman na dito siya natulog dahil naroon pa sa couch ang kumot at dalawang unan.

Pumunta ako sa kusina, nakita kong may nakalutong pancake, bacon, egg at ham doon. May nakasulat pa na note na--

'Good morning, ito lang kaya kong lutuin. Kain ka muna bago ka umalis. Eat well. -Liam.'

Napangiti ako nang mabasa ko ang note na iyon. Ang sweetness ni Liam basta basta nalang lumabas.

"Ready na ba ang gamit nitong kambal?" boses iyon ni Sharmaine.

Agad na tumaas ang kilay ko sa sinabi niya na iyon.

"Dimmo, Surre?" tawag ko sa dalawa.

"Yes, mommy?"

"Can you give the phone back to mama Sharmaine?"

"Wait lang po-- Mama Sharmaine, mommy wants to talk to you po." iyo  ang huling salita ni Surre bago pa pumalit si Sharmaine. "Good morning, Lady Nicole." bakas sa boses niya ang ngisi.

"Kasabwat din ba kayo ni Liam?" diretsong tanong ko sa kaniya.

"Huh? what do you mean?" maang maangang aniya.

I NEED YOUWhere stories live. Discover now