KBNT 36

4.3K 114 4
                                    

I Need You
written by: Azhblack

KABANATA 36
Sorry

Lady Nicole Mangilit's Point of View

"GOOD AFTERNOON, miss Lady Nicole." bati ng receptionist sa akin ng naipakita ko ang aking ID. "Are you with someone or just you?"

Ngumiti ako "I'm all alone."

"Here's your key, room 1209."

Agad kong kinuha sa kaniya ang susi "Thank you."

Dala dala ng isang bellboy ang mga gamit ko hanggang sa makarating kami sa room ko. Nang maihatid na niya ako agad ko siyang inabutan ng violet na papel bilang tip.

"Tulungan ko pa po ba kayo sa pagpasok or kayo na po ang bahala?" tanong niya.

Umiling ako "Huwag na, kaya ko na." ngumiti pa ako.

Nang makapasok ako sa loob ng kwarto nag iba ang pakiramdam ko. Iba ang amoy ng kwarto na ito sa ibang hotel room na tinuluyan ko na.

Amoy pabango ng lalaki, amoy ng kilala kong lalaki.

Sa loob ng hotel room ay may kwarto kung saan naroon ang higaan at ang restroom at paniguradong andoon din ang closet. Pumasok ako doon at agad na nanlaki ang mga ata ko ng makakita ako ng lalaki na nasa kama.

"What are you doing here!?" sigaw na tanong ko kay Liam ng makita ko siyang panatag na nakahiga sa kama.

Tumayo siya mula sa pagkakahiga at naglakad papalapit sa akin. Naka-tingin ako sa mga mata niya, parang wala lang sa kaniya na nakita ako dito. Ni hindi ko siya makitaan na gulat siyang 'andito ako. Tila ba inaasahan niyang magkikita kami dito.

"You're finally here." aniya ng makalapit sa akin.

"So you're expecting me to be here?" napataas ang kilay ko.

"Of course." ngumiti siya sa akin. "Tatlong araw na kitang hinahantay na dumating."

"What the hell?" hindi ko maiwasan ang magtaas ng boses.

"Hindi mo man lang ba ako yayakapin dahil nakita mo ako ngayon?" malambing ang kaniyang boses."

"Ano ka? Hibang? Nandito ako para sa request ng kaibigan ko, Liam. Wala ako dito para makipag gaguhan sayo." ani ko at mabilis na tumalikod para lumabas ng kwarto.

Maghahanap ako ng iba room. Wala rin namang nasabi si Joyce sa akin na may makakasama akong iba sa room ko. Shit, dapat talaga nagtanong ako eh.

Bago pa man ako tuluyan na makalabas ng hotel room, hinila na uli ako ni Liam papasok, mabilis niya akong ikinulong sa kaniyang mga bisig.

"You are here not because Joyce asked you to be a judge of her showdown..." bulong niya sa tainga ko "You're here because I talked to Joyce to ask if you could be the judge of her showdown. But you won't really be a judge because you're here now in Tagaytag so we can be alone together."

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niyang iyon.

"Paki-ulit nga ang sinabi mo. Namali ata ako ang dinig."

"Nandito ka dahil nakipagsabwatan ako kay Joyce na papuntahin ka dito para masolo kita." bulong niya ulit sa akin.

Mabilis akong lumayo sa kaniya, hinarap ko sila at mabilis na hinampas sa kaniya ang dala dala kong bag.

"Tarantado ka!" ani ko habang hinahampas hampas sa kaniya ang bag na dala ko. "Iniwanan ko ang mga anak na--" muntikan na akong madulas. Shit! kailangan ko talang mag-ingat. "--mga anak ko para doon sa showdown na iyon tapos sasabihin mong pakana mo ang lahat ng ito. Ang gago mo Liam!" ibinuhos ko ang lahat ng sama ng loob ko sa kaniya sa pamamagitan ng paghampas hampas. Hindi naman niya ako pinipigilan sa mga ginagawa ko.

I NEED YOUWhere stories live. Discover now