KBNT 32

4.3K 132 35
                                    

I Need You
written by: Azhblack

KABANATA 32
Dimmo Surre

Lady Nicole Mangilit's Point of View

"Ano ba ang nangyari sa kaniya?" boses iyon ni mama.

"Nahimatay nga lang siya tita. Dulot lang ng stress." boses naman iyon ni Shaira.

"Naka-usap ko yung isa niyong kaibigan na doktor--"

"Ma." pinutol ko na ang mga sasabihin pa ni mama, paniguradong si Shaira ang pagbubuntungan niya ng galit ngayon.

"Mabuti naman at gising ka na." lumapit sa akin si mama. "Kamusta ang pakiramdam mo? May masakit ba sayo? May gusto ka bang kainin?" tinulungan niya sa sa pag upo, at nang makaupo ako ng maayos agad niya ang yinakap.

"Ma, dahan dahan lang sa pagtatanong. Ok lang po ako." agad akong bumaling kay Shaira, pero wala na siya doon.

"Jusmiyo kang bata ka. Pagbaba na pagbaba namin sa airport agad kaming tinawag niyang si Shaira at sinabing nandito ka nga raw sa hospital. Hindi parin nila sinasabi kung ano ang nangyari sa iyo." naka-simangot na ani mama.

"Ma, I'm fine. May times naman na nahihimatay ang mga buntis diba?" ngumiti ako sa kaniya.

"Oh my God!" sigaw ni mama. "Buntis ka na?" hinawakan niya pa ang tiyan ko. "Totoo? hindi ka nagpapanggap para lang hindi kita maipakasal?" naniniguradong tanong niya.

Sasagot na sana ako ng biglang pumasok sila Jeminah.

"Yes po tita. One hundred percent na buntis itong si Nicole. Mabuti nga po at malakas ang kapit ng bata at hindi nahulog." naka-ngiting ani Frances kay mama.

"Oh my God..." maiyak iyak na ani mama.

"Hoy babae." sigaw ni Shaira sa akin.

"Oh?"

"Musta tulog?" naka-ngising tanong niya.

"Pangit panaginip." nagkibit balikat ako.

Halos apat na oras pa kaming nag stay sa Hostpital bago ako pinayagan na makalabas. Dumiretso agad kami sa bahay. Siyempre andito ang maalaga kong mama. Ni ayaw akong paglakarin.

Yung kapatid kong lalaki naman ay umuwi muna sa hometown nung asawa niya. Sa Tarlac. Sadyang si mama nalang muna yung nagpaiwan dito sa Manila. Uuwi rin naman daw sila agad, baka mamaya daw gabi andito na sila.

"Saan si tita?" tanong ni Shaira.

"Andon sa taas, nagpapahinga." sagot ko sa kaniya.

Siya lang mag-isa ang nandito sa ngayon, hindi daw kasi pwede yung marupok dahil naghahabol sila ng mga sales sa mga kumpaniya nila. Sadyang itong si Shaira lang ang walang paki-alam sa sales niya.

"Ano pala yung sinasabi mong pangit yung panaginip mo?" naka-kunot ang nuo na tanong niya.

"Pano ba naman kasi yung panaginip ko andoon si Liam tapos, nalaman niya na hindi totoo yung certificate." ngumiwi ako. "Tapos umalis siya dahil nga daw pwede na niyang panagutan si Lyna dahio nabuntis niya ." naka-ngiwing ani ko parin.

"W-wait..." natigilan siya. " A-akala mo panaginip yon?" napakurap kurap ang mata na aniya.

Same as me...

"H-hindi panaginip yon?" gulat na tanong ko, hindi siya sumagot. Nakatitig lang siya sa akin. "Shaira! Sagutin mo ako!" nag-uumpisa ng tumulo ang mga luha ko. "Please... Tell me, it is just a dream right?." nagmamaka-awang ani ko.

I NEED YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon