Prologue

13.1K 337 55
                                    

I always hate the rain because of the danger it could bring. When I was still living in the city, I always complained everytime a heavy rain would fall on the city. Because rain means flooding. Konting ulan lang sa lugar na tinitirahan ko, bumabaha na kaagad. Typhoons are the worst case. There were times that I've experienced going to the evacuation center because of flash floods. I don't feel happy walking under the rain everytime I forget to bring an umbrella after school.

That's why when my mother told me that we'll be living in some place in the province of Quezon, I didn't hesitated to agree. I was thirteen that time and a grade 8 student. Ang alam ko hindi bumabaha sa mga probinsya. Subalit kahit hindi ako magtanong sa sitwasyon namin, alam ko ang problema ng pamilya ko. Alam ko ang tunay na dahilan kung bakit kami lilipat ng tirahan.

Money.

My father died because of heart attack when I was six. Naiwan ako at ang nakatatanda kong kapatid sa pangangalaga ni Mama. At a very young age, kahit hindi nila ipinapaintindi sa akin ang sitwasyon, natutunan kong magkusa upang maintindihan ang kalagayan ng pamilya namin. Si kuya, third year college lang ang natapos. Isang taon na lang sana ay makakagraduate na siya subalit napili niyang tumigil upang tulungan si Mama na magtrabaho.

That is why kahit gusto ko ring maranasang maglakwatsa, hindi ko iyon nagawa ni isang beses sa buhay ko. They say I am a typical good daughter. I don't think so. Dumadaan din ako sa mga sitwasyon kung saan napapatanong ako sa sarili ko kung bakit hindi na lang kami naging mayaman. Only if we have a lot of money, siguro wala ng problema pa ang pamilya ko.

I mourned for my friends because I won't be able to see them for years. Siguro kapag kaya ko ng bumyahe mula sa Quezon hanggang Manila, pupuntahan ko sila upang bisitahin.

I hugged Abby, my closest friend. Mabait siya at maganda. Masipag ding mag-aral kaya nagkasundo kami kaagad. Sunod kong niyakap sina Panny, Tiff at Johann. Sila ang mga kaibigan na palaging kong kasama sa school.

"Kailan ka babalik?" tanong sa akin ni Abby. Napalingon ako kay Mama at kay Kuya na ngayon ay nakatingin na sa amin.

"Ang sabi ni Mama doon na raw ako titira." Quezon is the province of my parents. Doon nakatira ang lolo at lola ko. Doon din nakatira ang ilan sa mga pinsan at kamag-anak ko.

"Paano na iyan? Hindi ka na babalik?" I smiled at her. Nakita ko sa mga mata niya ang pagpipigil umiyak. Si Panny at Tiff naman ay ganoon din.

"Syempre babalik pa ako. Pero matatagalan nga lang." malungkot kong anas. Gusto ko sanang ipakita na hindi ako malungkot gayong iiwan ko sila kaso nga lang, hindi ko mapigilan na maging malungkot dahil sila palagi ang kasama ko habang naninirahan kami rito. Mahirap para sa akin na iwanan sila lalo na at malaki ang naging bahagi nila sa buhay ko.

"Paano kapag inaway ka ng mga bata roon? Hindi ka namin matutulungan." napalingon ako kay Johann. Nakasimangot siya sa akin.

"Johann, malaki na ako. Kaya ko na ang sarili ko. At saka ang sabi ni Mama, mababait daw ang mga tao sa probinsya." nakita kong bumuntong-hininga siya. They are all doing the things they can to stop me from leaving. Pero ito ang gusto ni Mama. Hindi naman ako pwedeng magmarunong at suwayin ang gusto niya. Alam ko rin na nahihirapan na kaming mamuhay dito. Umuupa lang kami ng bahay. Mas mabuti kung sa probinsya na lang kami dahil may sarili kaming bahay doon. Hindi na rin namin kailangang magbayad pa ng bill para sa tubig.

"Eh paano iyan? Liligawan pa kita 'di ba? Hindi na kita maliligawan." lumapit si Panny para higitin ang patilya niya. Nag-sigawan silang dalawa sa harap naming lahat. Minsan naiisip ko nga, mas bagay silang dalawa. Hindi ko rin alam kung bakit palaging sinasabi ni Johann na gusto niya ako gayong sila ni Panny ang mas madalas magkasama.

Under The Rain (Guevarra Series 1)Where stories live. Discover now