Chapter 4

2.7K 173 13
                                    

The night after that incident, Kuya scolded me saying that I should have told him about my plan earlier. Hindi iyong basta-basta ako umaalis ng hindi nagpapaalam sa kaniya. Nagalit din siya dahil sumama ako kaagad kay Kuya Jacques kahit hindi ko pa naman ito lubos na kilala. I feels so bad. Why did he have to scold me kung wala naman akong ginagawang masama? We just ride a horse. Walang masama sa ginawa ko. Noon pa man ay alam na niya na ito ang gusto kong gawin dahil palagi ko sa kaniyang sinasabi na gusto kong sumakay sa kabayo.

But I just can't understand why he have to be mad about that. It's a good thing that my grandparents defended me saying that Kuya Jacques is a good man. Totoo naman talaga iyon. Mabait naman talaga si Kuya Jacques at wala siyang ginawang masama sa akin.

Kuya Gilbert was just so overacting again that I can't breath anymore. Nasasakal na ako sa sobrang higpit niya sa akin. Nang gabing iyon ay wala akong ibang ginawa kundi ang umiyak. Pigil na pigil akong huwag makagawa ng anumang ingay dahil nasa kabilang kwarto lang si Kuya. Ayokong magalit siya sa akin pero hindi ko maiwasang sumama ang loob sa kaniya.

Bakit ba ganito siya kahigpit sa akin? I know my limitations. Hindi ako mangmang sa mga nangyayari sa paligid ko. Alam ko ang posibleng mangyari sa akin kapag hindi ako nag-ingat. But I know my limitations. Alam ko kung hanggang saan lang ako pwede. Alam ko ang mga ginagawa ko. Bakit ba hindi niya ako kayang pagkatiwalaan?

Inayos ko muna ang sarili ko bago lumabas sa kwarto kinaumagahan. Hindi naman masyadong mugto ang mata ko kaya hindi halatang umiyak ako kagabi. Nadatnan ko si Lola na nasa hapag at naghahanda ng almusal.

"Oh? Anastacia, umupo ka na rito at mag-aagahan na tayo."

"Magandang umaga, Lola." matamlay kong pagbati sa kaniya. Umupo ako sa silya na palagi kong inuupuan. Ni hindi ko na nagawa pang tumulong kay Lola sa paghahanda.

"Ayos ka lang ba, apo? " nag-aalalang pagpuna niya sa akin. Sunod-sunod naman akong tumango at pilit ginawang masigla ang pagngiti. Narinig ko ang pagbuntong-hininga ni Lola. "Hayaan mo na ang kuya mo. Nag-aalala lang iyon sa'yo kaya ka niya napagalitan kahapon."

Ako naman ang napabuntong-hininga. Alam kong hindi dapat ako magtanim ng sama ng loob kay Kuya. Pero hindi ko talaga maiwasang sumama ang loob dahil sa nangyari kahapon. Nagkaroon din ako ng kaunting tampo kay Kahel dahil totoong sinumbong niya nga ako kay Kuya. Hindi ko naman siya masisisi. Siguro ay iniisip lang niya ang naging usapan nila ni Kuya. Pero sana lang hinayaan niyang ako na lang ang magpaliwanag. Hindi ko rin siya matutulan kahapon dahil maging siya ay galit na galit ang itsura.

Ano bang masama sa pagsama sa Kuya niya? O baka naman nagalit siya dahil hindi namin ipinagpaalam si Abacus?

Napatigil ako sa pag-iisip nang matanaw si Kuya na lumabas ng kwarto niya. Nakita ko rin si Lolo na papunta na sa hapag upang kumain ng almusal.

"Gilbert, gusto mo ba ng kape?" tanong ni Lola. Hindi ko naman tinangkang sulyapan si Kuya subalit narinig ko ang pagsang-ayon niya.

Tahimik naman talaga kami sa tuwing kumakain subalit may kakaiba ngayong araw. Madalas kasi ay binabati ko silang lahat ng magandang umaga. Pero si Lola lang ang tanging binati ko ngayon. Hindi na rin ako nagsalita pa pagkatapos niyon. Hindi rin ako nag-angat ng paningin sa kanila. Nakatingin lamang ako sa aking pinggan na hindi ko pa nalalagyan ng kahit isang pagkain.

Para akong walang ganang kumain at kumilos. Saglit pa akong nagulat nang lagyan ako ni Kuya ng sinangag na kanin at itlog sa pinggan ko.

"Kumain ka na, Ana." tumayo siya at nagtungo sa kusina. Nagkatinginan namin kami nina Lola. Nakita kong nakangiti sila sa aking dalawa.

"Hindi ka talaga matitiis ng kuya mo." hindi naman nito natanggal ang tampo ko sa kaniya. Matamlay pa rin ako at hindi ginagalaw ang pagkain. Pagbalik ni Kuya ay may dala na siyang tasa. Inilapag niya iyon sa harap ko. Doon ko tuluyang nakita ang laman nito. Gatas.

Under The Rain (Guevarra Series 1)Where stories live. Discover now