Chapter 29

2.2K 138 45
                                    

Kinabukasan, pare-parehas kaming naglinis ng corridor ng building dahil sa mga violations na ginawa namin sa classroom. Napasama sila sa akin sa paglilinis dahil nag-cutting classes sila kahapon. Mukhang hindi naman sila nagsisisi sa ginawa nila dahil kita ko pa ang pag-aasaran nila habang naglilinis kami. Nagbabatuhan sila ng mga dahon. Halos wala nga sa kanila ang naglilinis ng totoo maliban kay Nana, sina Vera ay naglilinis lamang sa tuwing may dumadaang mga teacher.

Napatigil ako sa pagwawalis nang abutan ako ni Kahel ng tubig.

"Mamaya na, kaiinom ko lang." kada sampung minuto kasi ay maya't-maya niya akong inaabutan ng tubig. Maya't-maya din niya kung ituro ang noo ko sa tuwing may tumutulong pawis. Talagang hindi nawawala ang atensyon niya sa akin kahit naglilinis din siya.

Kumunot naman ang noo niya sa akin. Halatang tutol na naman siya sa sinabi ko. Napabuntong-hininga ako saka kinuha sa kaniya ang bote ng tubig at ininuman ito ng kaunti.

"Hay... kapagod. Tara diretso na tayo sa canteen." pang-aakit ni Vera. Kita kong pawisang-pawisan sila lahat at ginagamit ang mga kamay bilang pamaypay.

"Sus napagod daw eh nakipagharutan ka lang naman kay David." pang-aasar ni Sayon. Lihim akong napatawa sa isip ko dahil totoo naman talaga. Hindi sila naglilinis kanina, naghaharutan lang sila.

"Bastos ng bunganga nito ah. Mas marami pa nga akong nawalisan kaysa sa'yo!"

"Syempre taga-hakot lang naman kami ng basura!"

Iniwanan na lang namin silang nagtatalo roon. Hindi ko sila ikinakahiya pero sa tuwing nagtatalo sila ng ganoon, nahihiya ako sa tuwing napapalingon sa amin ang mga estudyanteng dumadaan. Madalas din kaming sitahin ng mga teacher dahil sa kaingayan. Napapailing na lang ako dahil alam ko namang wala silang balak papigil.

Naupo ako sa pwesto namin sa canteen habang umo-order si Kahel ng pagkain. Umu-order na rin ang iba at kaming mga babae lang ang naiwan sa lamesa.

"Ang saya pala mag-cutting ano? Bakit hindi natin gawin palagi?" suhestyon ni Vera.

"Hindi na tayo magcu-cutting classes, gusto niyo bang mapaglinis ulit?" kontra ko sa kaniya.

Tumaas ang kilay niya at ngumisi.

"At least wala tayong klase. Mas nakakabagot kayang makinig sa discussion." napailing ako sa kaniya. Paanong hindi siya mababagot sa mga discussion eh nagdo-doodle lang naman siya palagi sa notebook niya at hindi nakikinig.

Dumating na ang mga lalaki kaya natuon ang atensyon namin sa pagkain. Malapit na rin ang recess kaya nagsisimula nang mapuno ang buong canteen.

Napabaling ako kay Kahel nang makitang hindi siya kumakain. Nakatitig lang siya sa akin. Napatingin ako sa binili niyang pagkain na para sa kaniya, tubig lamang ang nabawasan doon.

"Bakit hindi ka pa kumakain?" umiling lamang siya sa akin saka umiwas ng tingin. Kumunot ang noo ko. Uminom din ako ng tubig at mabilis na tinapos ang pagkain ko.

Muli akong bumaling kay Kahel at bahagyang lumapit sa kaniya. Amoy na amoy ko na ngayon ang pabango niya.

"Bakit? May problema ba?" tanong ko.

"Wala." umiling lamang siya sa akin saka bumaba ang tingin sa kamay ko. Bahagya siyang umusog papalapit sa akin saka kinuha ang kanang kamay ko.

Hinaplos-haplos niya iyon at minasahe. Napapikit ako at naitikom ang aking hita. Napasandal ako sa upuan habang patuloy niyang minamasahe ang kamay ko. Tumingin ako sa mga kaibigan at nakita na wala naman sa amin ang atensyon nila.

Nanlaki ang mata ko nang suotan ni Kahel ng isang singsing ang pangalawa sa mga daliri ko.

"K-Kahel?" takang tanong ko sa kaniya. Bigla akong kinabahan sa isipin na baka magp-propose siya sa akin. Gusto niya bang magpakasal na kami? N-ng ganito kabata?

Under The Rain (Guevarra Series 1)Where stories live. Discover now