Chapter 20

2.3K 144 7
                                    

"Saan ka pupunta?" habol ko kay Vera.

"Ire-report ko sa principal ang babaeng iyon. Kainis! Hindi ko papalampasin itong ginawa niya kanina." nagmamadali siyang bumaba sa hagdan subalit mabilis ko siyang nahawakan sa braso.

"H-huwag na. Maaabala ka lang niyan."

"Anong huwag na? Gigil na gigil na talaga ako sa malditang iyon. Baka masampal ko siya kapag hindi ako nakapagtimpi."

"Vera... hayaan na lang muna natin. Maaabala lang tayo niyan."

"Ano hahayaan mo na lang ginawa niya kanina? Aba namimihasa na siya."

"Hindi naman sa ganoon. Alam mo namang marami tayong ginagawa ngayon, sa susunod na lang tayo mag-report kapag inulit pa nila. Malay mo naman 'di ba, hindi talaga nila sinasadya?" I want to believe that they didn't do that on a purpose but who am I kidding? Malawak ang daan sa likod ko kanina at naroon ako nakatayo sa gilid ng daan, imposible ang sinasabi nilang pahara-hara ako.

Even so, I don't want to make things bigger. I don't want to worsen the situation. Ayaw ko ng gulo at kaya kong magbulag-bulagan para lang hindi na lumaki pa ito.

"Hindi lang naman ngayon eh, ang dami na kaya niyang ginagawang nakakairita. Kung makaasta kala mo kung sinong nakakataas, president lang naman siya ng klase. Hampasin ko pa siya ng upuan diyan eh." tumingin siya sa kung saan upang doon ibaling ang iritasyon.

Napabuntong-hininga naman ako at mas lalong lumapit sa kaniya. Kailangan niyang kumalma.

"Hayaan mo na muna. Kapag inulit pa nila, ako pa mismo mag-aakit na isumbong siya sa teacher natin."

Suminghal siya sa akin. "Sa bait mong 'yan? Naku paniguradong kapag inulit niya, papalampasin mo na naman."

Umiling-iling ako. "Hindi nga."

Umirap na lamang siya kawalan at natahimik. Nakita kong sumandal siya sa pasimano ng terrace ng second floor at tiningnan ang madamong bahagi sa likod ng building. Ginaya ko naman siya.

Saglit kaming natahimik doon habang pinagmamasdan ang paligid hanggang sa basagin ko iyon.

"Alam mo, Vera..." lumingon siya sa akin. "Bakit ba parang galit na galit ka kay Fatima? May ginawa ba siyang mali sa'yo dati?"

Umiwas kaagad siya ng tingin. I already sensed something. Maybe I was right. Siguro meron nga talaga silang problema noon pa man. Simula nang mag-transfer ako rito ay alam ko ng may galit siya kay Fatima. Ngayon ay mas lalo ko lamang napatunayan ito.

"Mang-aagaw kasi iyon eh. Lahat na lang inaagaw." bulong niya sa tabi ko na malinaw ko namang narinig.

"Ibig mong sabihin, inagawan ka niya? Ng boyfriend ba?" bumaling siya sa akin, nandidiri.

"Yuck, hindi ako ganoon kababaw para magalit ng ganito dahil inagawan ako ng boyfriend. Saka kung aagawan man niya ako ng boyfriend, as if naman magiging affected ako. Isampal ko pa sa kaniya jowa ko eh."

Napailing ako. "Paano kung si David ang agawin?" pang-aasar ko sa kaniya. Nagpigil ako ng ngiti nang makita na nag-iba ang reaksyon niya. Pinipilit niyang haluan ng pandidiri ang ekspresyon pero may nakikita akong iba roon.

"Ano namang pakialam ko kung agawin niya ang sintu-sinto na iyon? Para namang magkakgusto siya ro'n eh patay na patay iyon kay Kahel." natahimik naman kaagad ako nang mabanggit niya si Kahel. Halata ngang malalim ang pagkagusto ni Fatima kay Kahel. Biglang nagbago ekspresyon niya kanina nang dumating ang lalaki. Halatang gusto niyang makitang siya ang kawawa sa sitwasyon kanina. "Malas lang niya, walang balak si Kahel na patulan siya, patay na patay iyon sa'yo eh-

Under The Rain (Guevarra Series 1)Where stories live. Discover now