Chapter 2

3.4K 205 23
                                    

Kuya Gilbert has been so overprotective when it comes to me. Mas strikto pa siya sa akin kaysa kay Mama. My mother always let me decide and gave me things that I didn't asked for. Sinasabi ko naman sa kanila ang mga kailangan ko lalo na pagdating sa pag-aaral. Pero si Mama, she loves to spoil me unlike Kuya. Eitherway, I know they both love me that's why they care for me.

"Darating pa ba iyon? Sinabi ko na kasi sa'yo na ako na lang ang sasama sa'yo sa pag-eenrol." Kuya told me for another time. Nakakailang ulit na siya niyang linya niya simula pa kanina. Hindi pa naman ako ganoon katagal naghihintay. I know it's still early. Kuya is just overacting again.

"Pwede ka nang umalis, Kuya. Baka mahuli ka pa sa pupuntahan mo." suhesyon ko sa kaniya. Kaagad naman niya itong tinutulan. Napabuntong-hininga ako. As what I have expected.

"Mamaya na. Iintayin ko muna iyang Kahel na iyan. May ibibilin pa ako sa kaniya." mariing anas niya habang nakaupo sa pang-isahang silya.

"Kuya!" pagprotesta ko. Ako ang tumatanggap lahat ng kahihiyang ginagawa niya. Mabuti siya dahil hindi siya nahihiya. Paano naman ako? Makakasama ko iyong tao mamaya tapos baka kung anong sabihin niya roon. Baka mas lalo sa aking mairita si Kahel.

"May ibibilin lang ako. Hindi ko siya bubugbugin, Anastacia." kunot-noong anas niya sa akin. Natahimik na lamang ako. Seryoso siya ngayon. Gusto ko sana siyang tutulan subalit wala naman akong magagawa pagdating kay Kuya. Ayoko siyang magalit o magtampo sa akin.

Nanatili na lamang akong nakaupo habang naghihintay. Kanina pa ako naligo at nagbihis. Naihanda ko na rin ang mga requirements na kakailanganin sa pag-transfer ko sa bagong school. Kagabi ko pa iniisip kung ano ang magiging itsura ng school na papasukan ko. Expected ko na mas maliit iyon kaysa sa school na pinasukan ko sa Manila. Pero kung tutuusin, mas mabuti na rin dito dahil mas sariwa ang hangin. Hindi katulad sa lungsod na puro usok mula sa mga dumadaang sasakyan ang malalanghap mo.

Bigla kong naalala ang mga kaibigan ko na naiwan ko roon. Ano kayang ginagawa nila ngayong semestral break? Ang alam ko maliligo sa beach sina Abby at ang pamilya niya. Hindi ko naman natanong sina Panny kung anong balak nila. Gusto ko sana silang kausapin pero wala naman akong sariling cellphone. Wala rin akong facebook account hindi kagaya nila.

"Ana! Narito na si Kahel!" sigaw ni Mama mula sa labas habang nagwawalis sa bakuran.

Napaahon ako sa aking kinatatayuan. Dumiretso ako paibaba sa hagdan subalit pinigilan ako kaagad ni Kuya. Inutusan niya akong pumasok daw muna ako sa taas.

"Kakausapin ko muna." anas niya sa akin. Binigyan ko naman siya ng nagmamakaawang tingin. Sana naman ay wala siyang sabihing masama kay Kahel. Nag-aalala ako masyado na baka sumama ang loob o baka ma-offend siya ni Kuya.

Wala akong nagawa kundi ang sumunod kay Kuya. Nanatili ako sa itaas subalit dumiretso ako sa may bintana para silipin sila. Nakita ko si Kahel na nakasuot ng isang puting t-shirt at kulay itim na shorts. Napangiti ako nang mapagtanto na bagay na bagay sa kaniya iyon.

Magkaharap na silang dalawa ni Kuya at seryosong nag-uusap. Hindi ko marinig ang pinag-uusapan nila dahil sa distansya subalit nakita ko si Kahel na taimtim na nakikinig sa mga sinasabi ni Kuya. Napaiwas ako ng tingin nang biglang sumulyap sa akin si Kuya habang nakasilip ako sa bintana. Bigla akong nahiya lalo na nang sumulyap din si Kahel.

Napasandal ako sa pader at nasapo ang noo ko dahil sa matinding kahihiyan. Nang makabawi ay nagpasya na lamang ako na maupo sa salas. Doon na lamang ako naghintay hanggang sa tawagin ako ni Kuya. Pilit kong ibinababa ang tingin ko dahil nahihiya ako sa mga ginawa ko kanina. Nahuli pa nilang akong nakasilip at pilit silang pinapakinggan.

"Sige na bumaba ka na, Ana." tumango ako kay Kuya subalit iniwasan ko ang mga tingin niya. "Diretso uwi kaagad ha? Bawal magpa-gabi." tumango ulit ako.

Under The Rain (Guevarra Series 1)Where stories live. Discover now