Chapter 33

2K 130 32
                                    

I swiped the tears away from my face roughly as I fix my things in a luggage. Lahat ng mga mahahalagang gamit ko ay isinilid ko sa maletang iyon. Huli kong kinuha ang isang rubber shoes at nagmamadaling isinuot iyon habang puno ng sama ng loob ang dibdib.

I heaved a deep sigh to calm myself before I opened the door in my room. Tinanggal ko lahat ng bahid ng luha saka ako lumabas hila-hila ang isang maleta na naglalaman ng mga gamit ko.

Napatigil ako sa may pinto nang makita sina Tito Alfonso na nasa salas at hinahagod ang likod ni Mama. Umiiyak siya dahil sa pag-aaway namin kanina. Parehas na masama ang loob naming dalawa na walang nagsalita nang magkatinginan kami. Bumaba ang tingin niya sa maletang hawak ko. I remained my face blank as I looked at her soon to be husband.

"A-aalis ka?" pinaghalong gulat at galit na tono niya.

Pumipikit-pikit ako para mapigilan ang luha. Hindi na ako nagsalita. The thing that I am holding right now is the answer to her question. Hindi ko na kailangan pang magpaliwanag. Alam na alam na niya ang dahilan.

Naglakad ako ng diretso papunta sa pintuan ng hindi sila sinusulyapan. I grabbed the door knob and twist it. Nakita ko sa gilid ng mata ko ang pagtayo ni Mama.

"Anastacia!" galit na sigaw niya sa akin. Sa buong buhay ko ay ngayon lamang siya nagalit sa akin ng ganito. I already admitted to myself that I was a good daughter before. Hindi ako sumasagot sa magulang, hindi ako naglalakwatsa at hindi ako nagiging sakit sa ulo.

I thought I would be forever epitome of a good daughter.

Pero may hangganan ang lahat.

"Kapag umalis ka ngayon, h-huwag ka nang babalik dito." anas niya habang nakatalikod ako sa kanilang dalawa. Sumikip ng matindi ang dibdib ko sa narinig. Nanubig ang mata ko sa matinding pagpipigil ng luha. "H-hindi ka na makakabalik dito." dagdag pa niya.

Never in my life did I imagined we would be in this kind of situation. I always picture out my family as a perfect one even if we are incomplete. Never akong nakaramdam ng kakulangan kahit wala si Papa. Hindi ako humiling ng panibagong tatay o ng kahit na ano. I am contented enough with what I have together with my family.

Until that man came.

He ruined everything.

Huminga ako ng malalim bago ko tuluyang pinihit ang pintuan at diretsong lumabas ng pinto. Sa mga oras na ito, tuluyan ko nang lilisanin ang bahay namin. I don't care if I doesn't know what world would be outside waiting for me.

Gusto ko lang makaalis.

Gusto ko lang makatakas.

I roamed once again my eyes around the place that tranquiled me for thirteen years. This is my goodbye. Wala nang atrasan ito.

Bago ako tuluyang makaalis, narinig ko pa ang malakas na paghagulgol ni Mama. Iyon din ang oras na kusang nagbagsakan ang mga luha sa mata ko na kanina pa gustong kumawala. This is the only way I know to be at peace. Hindi ko na kayang manatili pa sa lugar na iyon.

Kanina, muntik na namang maulit ang nangyari sa akin sa probinsya. I was doing something inside my room when Tito Alfonso suddenly entered. Isinarado niya ang pinto at lumapit sa akin. Muntik na namang maulit kung hindi ko kaagad nagawan ng paraan. Mabilis akong lumabas ng kwarto at nagkukumahog na hinanap si Mama sa bahay. Naabutan ko siyang nasa kusina. Napatigil siya sa ginagawa nang makita ang itsura ko.

"Anong nangyari sa'yo?" takang tanong niya sa akin.

That time, I decided to tell her everything na dapat noon ko pa ginawa. Sinabi ko sa kaniya ang totoong nangyari sa probinsya. Sinabi ko sa kaniya na hindi ako pinagtangkaang gahasain ni Kahel dahil ang totoo ay si Tito Alfonso ang may balak na gumawa niyon sa akin. Ikinuwento ko sa kaniya mula sa simula, kung paano ko napapansin ang mga kakaibang pagtitig sa akin ni Tito Alfonso pati ang mga pahapyaw na mga haplos niya sa kamay ko noon.

Under The Rain (Guevarra Series 1)Where stories live. Discover now