Chapter 34

2.1K 132 24
                                    

"Hay! Sa wakas!" pabagsak siyang naupo sa sahig at hindi na inalintana kung malinis ba ito o hindi. Inilibot ko naman ang tingin sa buong kwarto na halos walang kagamit-gamit bukod sa isang lamesa maliit at dalawang upuan. Pagkapasok mo sa pinto ay wala kang ibang makikita kundi ang masikip na kusina sa dulo at maliit na banyo. Walang kwarto na maaaring tulugan.

Nahihiya ako kay Fatima dahil wala siyang napala sa akin. Inabot kami ng gabi sa paghahanap ng mauupahang apartment dahil wala naman akong kaalam-alam sa mga lugar dito kahit dito ako nakatira. Madalang akong lumabas at hindi rin naman ako gumagala kaya wala akong alam na ibang lugar bukod sa school, palengke at bahay.

"Taga-dito pero walang alam." pagpaparinig niya sa akin. Natahimik na lang ako dahil hanggang ngayon at nahihiya pa rin ako sa kaniya. Napilitan siyang akitin ako na share na lang kami sa isang unit para mas makatipid kaming dalawa nang malaman niyang naghahanap din ako ng mauupahang bahay.

Natahimik kaming dalawa. Nakita ko siyang nakapikit habang nakasandal sa kaniyang maleta. Namomroblema ako kung paano kami makakatulog gayong walang beddings dito o kung ano man na maaaring tulugan. Lahat ay kailangan pa naming bilhin.

Doon ko nalaman na ganito pala talaga kahirap mabuhay ng mag-isa. Alam ko naman na sa oras na humakbang ako palabas ng bahay ay hindi magiging ganoon kadali ang lahat. Pero hindi ko pa rin maiwasang hindi mabigla at manibago.

Napakapanganib ng mundo.

Lalo na sa mga taong kagaya ko.

"Saan ka mag-aaral?" basag ko sa matinding katahimikan. Gumalaw siya subalit nanatiling nakapikit.

"Maghahanap muna ako ng trabaho, hindi ako makakapag-aral kung wala akong pera." tugon niya sa akin.

Saglit akong natahimik. Gusto kong tanungin sa kaniya kung ano ba talagang dahilan kung bakit siya napunta rito sa Maynila. Kung talagang magmomodelo siya, bakit parang wala siyang makukuhang suporta mula sa magulang niya? Alam kaya nila na lumuwas siya?

"Ikaw? Naglayas ka ba sa inyo?" nagmulat siya ng mata at sinulyapan ang maletang dala ko.

Napalunok ako. "H-hindi."

Tumaas ang kilay niya. "So anong ginagawa mo rito?" prangkang tanong niya sa akin.

Umiwas naman ako ng tingin at kinalma ang sarili ko. "Gusto ko lang matutong magsarili." which is one of my reasons kung bakit ako nandito ngayon.

"Parehas pala tayo eh." anas niya. Napabalik ang tingin ko sa kaniya at nakita siyang hinahalughog ang mga gamit niya. Naglabas siya ng kumot at isinapin iyon sa sahig bago siya humiga at ginamit na unan ang braso niya. "Pero nililinaw ko lang sa'yo, hindi tayo magiging magkaibigan porket nagkasama tayo rito. Magkaaway pa rin tayo, maliwanag?" paglilinaw niya sa akin.

Tumango naman ako at pinigilan ang ngiti.

"Kung iyan ang gusto mo." umirap siya sa akin at saka tuluyang pumikit. Ilang segundo akong tumitig sa kaniya saka napabuntong-hininga.

Nag-ikot ako sa maliit na unit at humanap doon ng maaaring gamiting pangsapin upang mahigaan ko. Napakatapang kong maglayas ng bahay pero hindi naman ako handa. Ni kumot man lang ay hindi ako nagdala.

Napatawa ako sa sariling kalokohan.

Napatigil ako nang biglang may magbato sa akin ng isang makapal na tela. Nahawakan ko na ito bago pa man mahulog sa sahig.

"Lakas ng loob magsarili wala namang dalang kumot." inis na aniya bago muling pumikit.

Umiling na lamang ako saka lihim na napangiti.

Under The Rain (Guevarra Series 1)Where stories live. Discover now