Chapter 15

2.3K 148 13
                                    

Hindi ako pumayag sa suggestion nilang dalawa. Iniisip ko kasi ang mararamdaman ni Emily kapag sasabihin naming papalitan siya sa role niya kasi palagay namin hindi niya kayang gampanan ang tungkuling binigay sa kaniya. Kung sa akin iyon mangyayari, masasaktan din ako. Kaya hindi ako nagdalawang-isip na tumanggi kina Natasha, pinoprotektahan ko lang ang damdamin ng kaibigan ko.

Ayos na rin ito...

Alam kong gusto niya si Kahel at hindi ko hahadlangan ang magpapasaya sa kaniya. Alam kong ganito ang ginagawa ng isang kaibigan, pero hindi ko alam kung bakit hindi ako makangiti ng todo sa tuwing pinagmamasdan sila.

"Edi instruct mo na lang si Emily sa mga gagawin niya."

Pumayag ako kaya nang magkaroon ng five minutes break, pinuntahan namin sina Emily at Kahel sa may tubig upang ipaliwanag ng maayos ang gagawin. Wala akong dalang pamalit na damit kaya naman iniiwasan kong mabasa.

"Emily, suntukin mo lang ng mahina si Kahel sa dibdib. Ipapakita kasi roon na galit ka kasi iniwan ka niya." tumango sa akin sina mlmily. Kita ko na nahihiya siya sa amin.

"K-Kahel, kapag magsasalita si Emily, tumingin ka ng diretso sa mata niya saka hawakan mo siya baiwang." pagmamando ko naman kay Kahel. Hindi ako makatingin ng maayos sa kaniya dahil ang seryoso niya kung tumingin sa akin.

Ang awkward na masyado kaya pagkatapos kong magbigay ng ilang instruction sa kanila, umalis na kaagad ako roon. Ang kaso napamali ako ng tapak sa isang bato. Napasigaw ako sa gulat at sa pag-aakalang babagsak ako sa tubig pero mabilis na nakaalalay sa akin si Diego na nasa malapit lang kanina. Abot ang kaba sa dibdib ko lalo na nang makita na hawak din ni Kahel ang kaliwang braso ko at nakasuporta rin sa aking baiwang.

Sa hiya ay mabilis akong umayos ng tayo at nahihiyang bumaling sa kanila.

"S-salamat." kay Diego lang ako nakatingin. Nagdadalawang-isip pa ako kung titingin din ako kay Kahel. Bigla naman akong natakot nang makita na tahimik lang na nakatingin sa amin si Emily. Hindi ko mabasa kung ano ang nasa mga mata niya ngayon.

Hindi ko alam kung bakit natatakot ako. Wala naman akong ginagawang masama pero kakaiba lang talaga ang pakiramdam.

Nagpatuloy ang shooting pagkatapos ng ilang minuto. Medyo malayo ako sa kanila dahil na-awkward ako sa nangyari kanina. Lahat kasi sila ay malisyosong nakatingin sa amin. Tinulungan lang naman ako, walang masama roon.

Nagulat pa ako nang halos hindi na kami nagpa-ulit ulit sa mga scenes. Napansin ko na hindi na rin nagkakamali ng mga lines si Emily, pulido na rin ang pagkaka-acting niya... magaling. Hindi ko maiwasang mag-iwas ng tingin doon sa part na kailangan nilang maghawak ng kamay. Alam ko naman na may mangyayaring ganito kasi ako ang nagsulat ng script. May kakaiba lang talaga akong nararamdaman sa sarili ko at ayaw ko nito.

Alas dos na ng hapon pero hindi pa rin kami naglulunch kaya nagrereklamo na ang iba. Pumayag na rin sina Natasha na tapusin na ang shooting ngayong araw at sa ibang araw na lang namin ipagpatuloy. Hindi na rin kasi masyadong atentibo ang iba dahil nagsasawa na sa ginagawa.

Dumiretso kami sa bahay nina Kahel at laking tuwa ng lahat ng malaman na may naghihintay pala sa aming tanghalian doon. Pinagluto kami ng makakain ni Ate Violet. Hindi na rin kami nahiya pa at kaagad na kumain doon dahil na rin sa gutom.

"Magbabasketball kami mamaya, sinong manonood?" tanong ni Jacques nang makita kami sa labas ng bahay at nagpapahinga.

Nagtalunan sa tuwa sina Natasha nang marinig iyon. Halata sa kanilang gustong-gusto nilang panoorin sina Jacques na maglaro.

"Sinong mga kalaro niyo?" tanong ni Ate Violet sa tabi ko.

"Sina Philip."

Nakinig lamang ako sa usapan dahil hindi ko naman kilala ang mga pinag-uusapan nila. Makalipas ang ilang minuto ay nakita ko na ang mga nakatatandang kapatid nila na lumabas ng bahay suot ang mga jersey shorts at shirts nila. Sa likod nito ay may nakatatak din na Guevarra.

Under The Rain (Guevarra Series 1)Where stories live. Discover now