Chapter 43

2.7K 160 82
                                    

I can't believe that Kahel would be so desperate to pull stunts like this. I mean yes, pinapangarap ko ring makasal sa kaniya but I just can't believe what's happening. May parte sa akin na nagsasabing masyadong mabilis ang transition ng mga nangyayari. Marami pa rin akong isipin ngayon kaya huwag muna.

Kaya nga ako nagpunta rito sa probinsya para mabawasan ang stress. Tapos dumagdag pa itong si Kahel. Nakaka-stress siya lalo!

"You kidnapped her?" anas ng isang baritonong boses. Kaagad akong nagtago sa pader at sinilip kung sino ang mga nag-uusap. It's Kahel... and a man. Kamukha niya ito pero higit na mas matanda sa kaniya.

Could it be his father?

"I don't..." puno ng pag-aalinlangang anas ni Kahel. Nanggigil naman kaagad ako. Anong hindi ang sinasabi niya? Malinaw namang kidnapping itong ginawa niya sa akin!

"Eh bakit mo dinala rito? Ipinagpaalam mo ba iyan sa mga kamag-anak niya?" tanong ulit ng lalaki.

"No."

"See? Kidnapping nga!"

"I didn't kidnap her!"

"May nakakita ba sa'yo?"

Nanatili akong gigil na nakikinig sa usapan ng dalawa.

Nakita kong pinasadahan ni Kahel ng palad ang buhok niya. He looks frustrated.

"Wala." simpleng tugon niya.

"Mabuti naman." komento naman ng kausap.

Nanlaki ang mata ko at mabilis na lumabas mula sa pagkakatago.

"A-anong ibig sabihin nito?" hindi makapaniwalang tanong ko. Lumipat ang paningin ko kay Kahel at dinuro siya. "Uuwi na ako at hindi mo ako mapipigilan." pinal na anas ko.

Nakita ko naman ang pagkalito sa mukha ng tatay niya.

"Hindi ka aalis dito." mariing anas ni Kahel sa akin. Lumukot ang mukha ko.

"Hindi mo ako madidiktahan, Kahel. Hindi pwede iyong basta-basta mo na lang ako dadalhin dito at aakiting magpakasal!" that's insane. Hindi ba siya marunong mag-propose? Walang kadating-dating ang pang-aakit niya sa akin kanina!

"Hindi ka nga aalis! Hindi ka makakalabas dito hangga't hindi ka pumapayag." pinantayan niya ang tono ko.

Inagaw naman ng ama niya ang atensyon ko. "Ana..." malumanay na aniya. Hindi na ako magtataka kung bakit alam niya ang pangalan ko. "Pumayag ka na para matapos na 'to. Naririndi na rin ako sa inyo." aniya na nagpalaglag ng panga ko.

"H-hindi ko po papakasalan ang anak niyo." matapang na anas ko. Nakita ko ang pag-igting ng panga ni Kahel. Hindi siya natuwa sa sinabi ko.

Tumango sa akin ang tatay niya. Ang kalmado ng mukha nito. "Ganoon ba? Hindi kita masisisi." anas niya at bumaling sa anak nito. Lumapit siya rito at bumulong na rinig ko hanggang sa aking pwesto. "Pwersahin mo na. Daanin mo sa dahas. Ganiyan din ang ginawa ko sa nanay mo noon kaya siya nagpakasal sa akin." bulong ng tatay niya na siyang ikinalaki ng mata ko.

Nagpaalam sa amin ang matanda at pumasok sa isang kwarto. Magpapahinga raw muna siya. Pansin ko na sila lamang dalawa ang tao rito sa bahay bukod sa akin. Wala sina Ate Violet at Jacques.

Bumaling naman ako kay Kahel at tiningnan siya ng masama. Kahit ganitong nagmamatapang ako, kinakabahan pa rin ako sa harap niya. His stares are so intense. Para akong lalamunin ng mga tingin niya.

"H-hindi ako magpapakasal sa'yo kaya pauwiin mo na ako." anas ko.

"No."

Tumango ako at kaagad bumuntong-hininga. Nang walang anu-ano'y mabilis pa sa ala-sais na bumaba ako ng hagdan. Tinakbo ko ang distansya hanggang sa may pintuan. Narinig ko ang pagmura niya sa likuran ko.

Under The Rain (Guevarra Series 1)Where stories live. Discover now