Chapter 13

2.3K 165 19
                                    

"Kung hindi ka niya kasintahan, bakit ganoon siya kung kumilos pagdating sa'yo?" nagtatakang tanong sa akin ni Diego isang umaga.

Nitong mga nakaraang araw din ay ganito ang laman ng mga tanong niya sa akin. He always ask me about Kahel and mistaken us as a couple. Ang sabi ko naman ay mali ang iniisip niya dahil imposible itong mangyari. Kahel is with Fatima. Paulit-ulit ko na iyong ipinaliwanag kay Diego pero ayaw niyang maniwala.

"Hindi nga, Diego. Bakit ba palagi niyong nami-misinterpret?" ganito rin ang itinanong ni Sayon sa akin noon. Bakit ba lahat sila ay ganoon ang iniisip?  Walang masama sa ikinikilos ni Kahel. Noong una pa man ay ganoon na siya.

"Eh bakit parang nagseselos siya? Ang sama makatingin sa akin akala mo may aagawin ako." katwiran niya sa akin. Napabuntong-hininga ulit ako.

"Sa palagay ko ay ganoon talaga siya tumingin. Hindi mo ba nakikitang masama palagi ang tingin niya sa akin?" ni minsan ay hindi ko pa nakikitang ngumiti sa akin si Kahel. Palagi siyang nakakunot-noo na animo'y iritadong iratado. Kaya nga hindi na ako nangungulit sa kaniya hindi kagaya noon. Madalang na madalang ko na rin siyang kausapin.

"Ewan ko sa'yo. Ang manhid mo." umiling-iling sa akin si Diego pagkatapos ay tumalikod para ipagpatuloy ang pagsusulat niya.

Napailing din ako.

Bakit ba kailangan kong magpaliwanag palagi pagdating dito? Ano bang hindi nila maintindihan sa may ibang gusto iyong tao? Isa pa, imposibleng magkagusto sa akin si Kahel. Kasi kung oo, dapat ay hindi siya sa akin palaging iritado.

Halos mawala na rin sa isip ko ang inaalalang problema sa bahay. Ilang araw na rin kasi ang lumipas simula nang makita kong maglasing si Kuya at hindi na iyon naulit pa. Inoobserbahan ko siya palagi subalit bumalik na rin sa dati ang mga kilos niya. Parang walang nangyari. Sinubukan ko rin siyang tanungin tungkol doon pero wala. Wala raw problema. Ilang araw na rin ang lumipas kaya halos makalimutan ko na.

Pero noong isang gabi, hindi nakauwi sa bahay si Kuya. Akala ko isang beses lamang mangyayari iyon pero nang mga sumunod na araw, naulit uli.

Isang hapon habang naglalakad ako papunta sa faculty, nakasalubong ko si Ate Violet. Nagkangitian kaming dalawa at nagbatian ng ilang saglit. Ang akala ko magtatanong ulit siya tungkol kay Kuya kagaya ng palagi niyang ginagawa dati pero hindi iyon nangyari. Nagtataka ko pa siyang sinundan ng tingin dahil malapad ang pagkakangiti niya na para bang may magandang nangyari.

Kagabi ay hindi ulit umuwi si Kuya. Iniisip ko kung saan kaya siya posibleng natulog. Ang alam ko may mga kaibigan siya rin sa Quezon pero hindi ko pa nakikilala ang mga iyon.

"Lolo, may problema po ba?" tanong ko sa kaniya nang makita na namomroblema ang mukha niya habang nakatingin sa mga tanim na palay.

Narinig ko ang malalim na pagbuntong-hininga niya bago bumaling sa akin.

"Ilang linggo ng hindi umuulan, apo. Natutuyo na ang tanim na palay. Hindi ito lalaki ng maayos pagdating ng anihan. Pati sa pastulan ay natutuyo na rin ang mga damo. Kapag nagkataon ay walang kakainin ang mga alaga nating kabayo at kalabaw."

Natahimik naman ako at malalim na pinag-isipan ang mga sinabi sa akin ni Lolo. I don't want to rain. Laking pasasalamat ko nitong mga nakaraang araw dahil hindi umuulan. Pero sa kabilang banda, napakamakasarili ko pala para hilinging habang-buhay na lang na huwag umulan dahil malaking bagay ito lalo na sa mga magsasaka. Ito ang magbibigay ng sapat na tubig sa mga pananim para lumago ito ng mabuti. Kung hindi uulan, matutuyo ang mga ilog at bukal na pinagkukunan ng tubig ng mga tao.

Kahit mainit ang sikat ng araw ay sinubukan ko pa ring tumingin sa langit. Maalinsangan ang paligid lalo na sa tuwing sasapit ang tanghali at hapon. Malinis ang langit, puti at magagaan ang mga ulap na isang senyales na hindi uulan. Naiipit ako sa gitna. Ayaw kong umulan. Pero kailangan ito ng mga magsasaka. Not that I have the power to stop the rain. I just hate it. For many reason.

Under The Rain (Guevarra Series 1)Where stories live. Discover now