MSTA 19

1.5K 83 17
                                    

ERIN'S POV

Maaga akong nagising, hanggang ngayon masakit pa rin ang ulo ko. Kahapon pa pag-uwi namin ni Syd. Kaya naman medyo nahihilo ako.

Ilang oras ko ipinikit ang mata ko. Para mawala na rin ang sakit ng ulo ko. Kailangan ko pang puntahan si Jariah.

Paalis na sana ako ng condo ng bumungad sa pinto si Nadia.
Agad na napataas ang kilay ko. Ano namang kailangan niya?

"Anong ginagawa mo dito?" bored na tanong ko sa kaniya.

" May gusto lang akong sabihin sayo," sabi niya. Lumapit siya sa akin, tinitigan ko naman siya sa mata.

Pero nagulat ako ng sampalin niya ako.

"Kahit na anong panlalandi mo, hindi mo makukuha si Syd. Ilang araw ka wala mula nang umalis ang asawa ko. Alam kong magkasama kayo, pero sinasabi ko, hanggang parausan ka lang niya," mahabang sabi ni Nadia.

Tumawa naman ako at muling tumingin sa kaniya. Sinampal ko siya ng malakas. Alam kong inaasahan na niya iyon dahil hindi siya nagulat. Kaya naman sinampal ko siya ulit ng mas malakas pa. Bagay na sobrang ikinagulat niya.

"Huwag ka nang mag-aksayang laway mo, Nadia. Bakit? Na-threaten ka ba? Na baka maibalik ko ang lahat ng ginawa niyo sa akin?" nakangiting sambit ko.

"So Im right. Nilalandi mo nga siya. Hindi ka pa ba nadadala, Erin? Kung talagang mahal ka ni Syd, bakit hindi na niya ako iwanan at bumalik sayo?" nakangiting sambit niya bagay na ikinatigil ko.

"Isa pa, you're fired. Huwag mo na balakin na agawin ang anak ko sa akin. Kasi kahit maagaw mo siya, hindi maalis na anak siya namin ni Syd. Wake up, Erin!" natatawang sambit niya pa.

"TANGGAPIN MO NA AKO ANG PANALO SA ATING DALAWA. TANGGAPIN MO NA TALO KA," sabi ni Nadia at tumalikod na.

Tinanaw ko lang siya habang naglalakad palayo. Hindi ko ala ang ire-react ko. Kung maniniwala ba ako sa kaniya. Kahit alam ko namang nagsisinungaling lang siya.

Muli akong pumasok sa loob ng kwarto. Ilang oras akong nakatulala sa kawalan. Nagbalik ako sa reyalidad ng may tumawag sa cellphone ko. Si Syd. Hinayaan ko iyong tumunog at tinignan ko lang.

Hindi ako titigil hangga't hindi ko nasisira ang mga buhay niyo. Sisiguraduhin kong kayo ang talo sa larong ito.

*****

Naglakad ako papasok ng office niya habang suot ang pinaka-sexy kong damit. Halos lahat ng lalaking empleyado ay napapatingin sa akin. Nakangiti naman ang mga ibang empleyadong binati ako.

Hindi na ako kumatok pa sa pinto ng office niya. Dahan-dahan ko iyong binuksan. Nakita kong busy siya na nakaharap sa computer. Kaya naman dahan-dahan akong lumapit sa likod niya at dahan-dahan ring niyakap siya patalikod.

Naramdaman kong nagulat siya sa ginawa ko. Agad siyang humarap sa akin..

"Hon..." Mabilis siyang tumayo at niyakap ako bago binigyan ng halik. Muli ko siyang pinaupo at kumandong sa ibabaw niya.

Hinalik-halikan naman niya ang dibdib ko habang dahang-dahang naglalakbay ang kamay niya sa katawan ko. Muli niya akong hinalikan sa mga labi ko. Kaya naman ay gumanti rin ako ng halik sa kaniya.

Naramdaman ko ang pagtanggal niya ng dress ko habang hinahalikan ako. mas lalo namang lumalalim ang halikan naming dalawa.

"Walang hiya ka!"

Napatigil kami ng may marinig kaming sigaw.

"Wife?" gulat na gulat na tanong ni Syd nang makita si Nadia. Napangisi naman ako sa kaniya. Agad namang napatingin si Nadia sa katawan ko, especially sa dress ko.

Agad naman akong tumayo at inayos ang sarili ko. Bago ako tumingin sa kaniya ng seryoso.

Akmang susugurin niya ako pero mabilis siyang pinigilan ni Syd. Napa-cross arm ako sa ginawa niya.

"WALANG HIYA KA! MALANDI KA! PANIRA KA NG PAMILYA!" sigaw niya habang pilit na kumakawala kay Syd.

"Bitawan mo ko, Syd! Papatayin ko ang babaeng to!" galit na sigaw niya pa.

"Syd, I have to go," sabi ko kay Syd. Pero mabilis na nagsalita si Nadia.

"Aalis ka agad? Hindi mo ba hihintaying marinig ang sasabihin ko?" natatawang sabi ni Nadia dahilan para matigil ako.

Lumingon ako sa kaniya. Nakita ko siyang nakangiti na parang baliw.

"Ngayon, Syd. Mamili ka. Mamili ka sa amin ng babaeng ito. Ako na ina ng anak mo, na kaya kang bigyan ng anak. O itong babaeng to?" sabi ni Nadia habang nakaharap kay Syd.

"Wife, go home. Sa bahay na tayo mag-usap-"

"No! Sabihin mo! Mamili ka habang parehas kaming andito!" sabi niya pa. Seryoso lang akong nakatingin kay Syd na napatingin sa akin.

"Wife, you don't need to do this. Mag-usap tayo sa bahay-"

"Ako o si Erin?" seryosong tanong ni Nadia. Hindi sumagot si Syd. Nanatili akon tahimik. Gusto ko rin malaman kung sino ang pipiliin niya.

"So si Erin ang pipiliin mo? Seriously, Syd? Pwes! Magsama kayo ng babaeng yan! Kukuhain ko ang anak ko!" sigaw ni Nadia at akmang aalis pero agad siyang pinigilan ni Syd.

"Huwag mong idadamay ang anak ko, Nadia. Labas si Jariah dito," sabi ni Syd.

"Then choose! Kami ng anak mo o yang babaeng yan?" matapamg na tanong ni Nadia.

Huminga ng malalim si Syd bagomuling tumingin sa akin.

Alam ko ang tingin na yon. Kaya naman tumalikod na ako at lumabas ng office narinig ko pa ang pagtawag ni Syd pero hindi ko na pinansin pa at dumiretso na ako.

Nang makauwi sa condo, ibingsak ko ang katawan ko sa kama.Bakit ba ako nasaktan sa inasal niya kanina? Dapat nga mas maging alerto pa ako dahil hindi ko pa lubusang nakukuha ang loob ni Syd. Pero bakit bigla akong nasaktan? Nakadama ako ng ganito?

Para bang nawalan bigla ako ng gana? Hindi dapat ako nagpapaapekto kay Syd at Nadia. It was all game. Kailangan ako ang manalo sa larong ito.

Nakita ko ang pag-ring ng cellphone ko. Nakita ko doon ang pangalan ni Syd. Kaya naman mabilis kong pinatay iyon at kinuha ang sim card bago ko pinutol. Kailangan ko nang bumili ng bago sim card.

Magsisimula na ako sa plano ko. Hindi ko na pala kailangan gumawa ng hakbang dahil si Syd na ang nagawa non. Napangiti na lang ako bago ako muling nag-ayos at pumunta ng stary.

THE ACQUISITION (COMPLETED)Where stories live. Discover now