MSTA 25

1.7K 85 16
                                    

ERIN'S POV

Malapit na ko sa bahay nila Syd nang matanaw ko si Jariah sa di kalayuan. Kaya naman agad akong nagmadali papunta sa kaniya. Akmang bababa na ako ng kotseng makita ko si Jariah na sinasaktan si Jariah. Kaya naman bumaba ako at pinigilan siya.

Nakita ko namang naiyak si Jariah habang si Nadia pinapalo pa rin siya.

"Bakit ba sinasaktan mo ang bata, Nadia?!" sigaw ko sa kaniya at hinila si Jariah papalapit sa akin.

"At anong ginagawa mo dito?" matapang na tanong niya sa akin.

"Huwag kang makialam! Gagawin ko kung anong gusto ko sa anak ko!" sabi niya at hinila muli si Jariah papalapit sa kaniya.

"Nasasaktan ang bata, Nadia!" sigaw ko muli sa kaniya. Naghilaan kami kay Jariah. Nakita kong nasasaktan siya kaya bumitaw ako.

"Hindi ka lang mang-aagaw, pakialamera ka pa!" sigaw ni Nadia sa akin.

"Huwag kang makialam kundi idedemanda kita!" sabi niya bago niya muking pinagpapalo si Jariah.

"Hindi ako natatakot sa demanda mo! Ikaw ang idedemanda ko dahil sinasaktan mo ang bata!" sabi ko sa kaniya at hinila na naman si Jariah papalapit sa akin.

"Ako napupuno na ko sayong babae ka! Lahat na lang inaagaw mo sa akin!" sabi niya at may kinuha siya sa bag niya na baril.

Nanlaki ang mata ko sa nakita ko. Nakatutok ang baril sa akin.

"Ilabas mo ang tapang mo, Erin! Bakit parang natakot ka?" sabi niya at dahang-dahan na lumapit sa akin.

"Ano kaya kung iputok ko to sayo? Para wala na akong kaagaw pa kay Syd," nakangising sambit niya habang nalapit ng unti-unti sa akin.

Napa-atras kami ni Jariah sa inasta ni Nadia.

"Akin na ang anak ko!" sabi niya at tumingin kay Jariah.

"Mommy Erin, ayoko po," sabi niya at nagtago sa likod ko.

"Nadia, natatakot na ang bata!" sabi ko sa kaniya.

"Sabing akin na ang anak ko!" sigaw niya at mabilis na lumapit sa akin at tinutok ang baril. Naistatwa ako sa ginawa niya.

Agad niyang kinuha si Jariah kaya naman wala akong nagawa pa dahil nanatiling nakatutok ang baril sa akin. Hila niya si Jariah habang papasok sila ng kotse.

"Anong gagawin mo sa kaniya?! Nadia!" sigaw ko at kinalampag ang kotse niya. Pero agad niyang pinaandar ang kotse. Kaya naman wala akong nagawa kundi ang sumunod kung saan sila pupunta.

Pumasok ako ng kotse at sinundan ang kotse niya. Hindi pa rin nasagot si Syd sa mga tawag ko! Shit!

Halos isang oras ang biyahe namin at hindi ko na alam kung saan lugar na ko napadpad ang alam ko lang kailangan ko siyang sundan.

Ilang saglit pa ay pumasok kami sa isang talahiban. Hindi ko alam ano ang pinaplano ni Nadia at kinuha niya si Jariah at dinala rito.  Mahaba ang daan kaya naman hindi ko namalayan na huminto na sila sa dulo.

Nakita ko na sinalubong siya ng dalawang lalaki.

Agad naman akong bumaba para sundan sila. Ibinaba niya si Jariah kaya naman mabilis akong naglakad papalapit.

"Anong gagawin mo sa kaniya?" matapang na tanong ko na ikinaligon ni Nadia.

"At talagang sumunod ka pa talaga rito?" tumatawa na sabi niya bago siya ngumisi.

"Kunin niyo rin yang babaen yan! Tutal mahilig ka makialam hindi ba? Pagbibigyan kita!" sabi niya at mabilis na sumunod ang mga lalaki. Dinakip nila kami ni Jariah.

"Ano bang kagagahan na naman yan, Nadia?" sambit ko. Ang dami niyang alam sa buhay! Bakit hindi na lang siya manahimik sa isang tabi?

Hindi siya sumagot at itinulak kami papasok ng isang bahay. Hindi ko alam kung kaninong bahay to.

"Imbes kasi na tong bata lang ang didispatsahin ko, nakisali ka pa! Well, pabor sa akin yon. Atleast pagnawala kayong dalawa.Walanaakong kaagaw kay Syd!" sabi niya na para bang nababaliw. Napailing ako. Hindi ko inaasahan na gagawin niya to sa sarili niyang anak.

"Huwag mo ko mailing-ilingan, Erin. Kasi sa ayaw at gusto mo parehas ko kayong papatayin! Dapat kasi nanahimik ka na lang doon sa condo mo. Tsaka na sana kita papatayin aftersa batang to, pero dahil nakikialam ka. Isasabay na kita!" sabi niya at tumawa na naman na parang baliw.

"Nahihiya si Satanas sayo, Nadia. Seriously? Pati sarili mong anak?" hindi makapaniwalang tanong ko. Paano niya nagagawa ito?

"Dahil inaagaw niya si Syd! Akin lang si Syd! At walang pwedeng umangkin sa kaniya kundi ako! Hindi yang batang yan! Mas lalong hindi IKAW!" sigaw niya sa akin.

"Bakit hindi mo subukang magpa-mental? Malala ka na, Nadia! Sarili mong anak papatayin mo para lang sa lalaki? At pinagseselosan mo pa? Seriously? Anong klaseng tao ka? Or should I say tao ka ba?" galit na sabi ko.

Naiintindihan ko pa kung ako ang papatayin niya. Dahil hindi malabong mangyari iyon. Pero kung si Jariah? Na sarili niya pang anak? Papatayin niya dahil sa selos? Napaka-imposible naman noon. Except...

"Except kung hindi mo talaga siya anak," sabi ko sa kaniya. Bakit bigal akong kinutuban sa sinabi ko?

Ang layo ng pinagkaiba nila ni Jariah kaya hindi rin malayo na hindi nila anak si Jariah?

Tumawa naman si Nadia na mas lalong nagpakaba sa akin.

"Alam mo, Erin. Matalino ka eh! Pero bobo ka rin pala? Anong pinapalabas mo? Na inampon ko lang siya? Kahit anong DNA ang gawin mo, anak at anak namin siya ni Syd, tanga" sabi niya at tumawa ng malakas.

"Hindi naman ako baog gaya mo, Erin. Hindi ko kailangan mag-ampon ng iba para tanggapin ni Syd. Kahit na anong gawin mo, may anak talaga kami. Wala kang magagawa pa," sabi niya sa akin. Bigla na naman akong na-insecure sa sinabi niya. Bakit ba pag-usapang ganito nasasaktan ako?

"Admit it, Erin. Na mas nag-enjoy sa akin si Syd. Mas magaling ako sayo. Kayang-kaya ko siyang pasayahin, kaya kong ibigay ang lahat ng gusto niya," sabi niya pa.

Hindi ako kumibo. Wala naman na akong pake doon. Kasi matagal ko nang tinanggap ang mga bagay na yon.

"Oh natahimik ka? Masakit ba?" sabi niya at tumawa na naman.

Hindi na ako kumibo pa, ayoko na siyang makausap. Nagtago na lang si Jariah da likod ko dahilsa takot niya kay Nadia.

THE ACQUISITION (COMPLETED)Where stories live. Discover now