MSTA 22

1.7K 69 41
                                    

ERIN'S POV

Prente akong nakaupo nang marinig ko ang doorbell. Kaya naman wala akong nagawa kundi ang tumayo at pagbuksan kung sino ang nag-doorbell.

Laking gulat ko ng makita si Riley na nakatayo sa harap ng unit ko.

"Riley," nakangiting sambit ko kahit nagulat ako sa pagdating niya.

"For you," sabi niya at may dalang flowers. Napangiti na lang ako. Ang sweet niya naman.

"Pasok," pag-aya ko sa kaniya bago pumasok. Hindi pa man ako nakakaupo nang muling may mag-doorbell.

Napataas ang kilay ko. Kahit na nagtataka ay binuksan ko ang pinto ng unit ko.

Mas nagulat ako nang makita siya.

"Syd?" tanong ko sa kaniya. Seryoso siyang nakatingin sa akin.

Bakit ba hanggang ngayon na-attract pa rin ako sa kaniya? Hindi ko na dapat ito maramdaman!

Pero agad na napatingin siya sa dala ko. Ang bulaklak na bigay ni Riley.

"He is here?" takang tanong nita at seryosong nakatingin sa akin.

Hindi ko siya sinagot at tinitigan ko lang sa mata niya.

"Why are you here?" tanong ko sa kaniya.

"I just want to talk to you, Erin," maiklinf sagot niya.

What's wrong with him?

"About what?" nagtatakang tanong ko. Hindi ko alam kung ano ang pakay niya at pumunta siya ng ganitong oras.

"About us-"

"Walang tayo, Syd. Remember?" seryosong sambit ko sa kaniya.

"Erin, please..."

"Syd, umalis ka na. Wala na tayong dapat pang pag-usapan. Matagal na tayong tapos-"

"Nakipaghiwalay na ako kay Nadia."

Natigilan ako sa sinabi niya. What? Is he serious? Nakipaghiwalay siya sa babaeng yon?

"Im serious, Erin. Nakipaghiwalay na ako sa kaniya. Ikaw ang gusto ko pa rin, ikaw pa rin ang mahal ko, Erin," sabi niya matapos ay bigla siyang lumuhod sa harap ko na sobrang ikinagulat ko.

"Syd anong ginagawa mo? Tumayo ka diyan!" sabi ko at pilit siyang itinatayo.

"Forgive me, Erin. Patawarin mo ako sa lahat ng kasalanan ko. Patawarin mo ako kung nasaktan kita ng lubusan. Patawarin mo ako kung sinira ko ang lahat. Ang buhay mo, ang mga tiwala at pagmamahal mo, pati na rin ang relasyon natin. Patawarin mo ako, Erin..." seryosong sabi niya.

Hindi ko inaasahan na gagawin niya ang bagay na ito. Hindi ako makapaniwala na magso-sorry siya sa lahatng ginawa niya. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin o isagot sa kaniya. Masyadong mabilis ang pangyayari.

Hanggang ngayon napanganga pa rin ako sa sinabi niya. Im speechless.

"Forgive me, my love. Forgive me. Hindi ko intensyon na saktan ka. Believe me, sinubukan kong pigilan ang nararamdaman ko, pero nadala ako ng galit ko. Hindi ako nag-isip kung ano ang dapat kong gawin. Patawarin mo ako, Erin..."

Itinayo ko naman siya na ikinagulat niya. Akmang magsasalita na sana ako ng magsalita si Riley.

"Erin, let's eat!" sabi niya na ikinagulat ni Syd.

Nakita ko ang mga mata niya na puno ng lungkot ng makita si Riley. Kasunod noon ang pagngito niya.

"I-im so sorry, hindi ko intensyon na guluhin kayo. Sorry," sabi niya bago siya ngumiti ng mapait at tumalikod. Naglakad siya papalayo sa akin.

Walang ni isang lumabas sa bibig ko. Tinatanaw ko lang ang likod niyang papalayo.

"He's here, sorry for bothering you," sabi niya.

"I-its okay," sambit ko kay Riley at humiga ng malalim bago ako pumasok ng condo.

*****

Mula kanina, hindi na naalis sa isip ko si Syd. Seryoso ba talaga ang lahat ng sinabi niya? Nakipaghiwalay na ba talaga siya kay Nadia?

Hindi ako makapaniwala na gagawin niya iyon, lalo na at may anak sila.

Maya-maya tumawag sa akin si Dash. Kanina pa raw nagwawala si Syd sa Stary. Kaya naman dahil sa sobrang curiousity ko, agad akong pumunta roon.

Mabuti na lang walang traffic ngayon kaya mabilis akong nakarating. Agad akong binati ng guard bago ako nagmadaling pumasok sa entrance.

Sa di kalayuan nakita si Dash na nakapamewang sa harap ni Syd. Kaya naman agad akong pumunta sa kinaroroonan nila.

"Jusko, Te! Mabuti na lang at andito ka na! Tignan mo tong Ex mo! Nagwawala kanina pa!" sabi niya sa akin.

Agad ko namang itinayo si Syd. Tinulungan ako ng guard na paupuin siya sa sofa.

"Erin?" Nagliwanag ang mga mata niya ng makita ako.

Niyakap niya ako ng mahigpit, halos ayaw niya akong bitawan kaya naman hinayaan ko na lang na gawin niya iyon.

Nagpatulong ako sa guard na ipasok siya sa kotse niya. Mabilis naman nila akong sinunod.

"Erin, patawarin mo ko-"

"Shh... Magpahinga ka na, for sire hinahanap ka na ng asawa mo," sabi ko sa kaniya.

"No, naghiwalay na kami ni Nadia, Erin. Im serious," sabi niya.

Kaya napatingin ako sa kaniya. Seryoso talaga siya?

"How about Jariah?" tanong ko sa kaniya.

"Hindi magbabago ang pagmamahal ko sa kaniya. She still my princess," sagot niya. Para namang hindi siya lasing base sa pananalita niya.

Baka naman..

"Can we talk?" tanong niya ulit.

I told you! Nagpanggap lang siyang lasing para makausap ako.

Dahil sa wala na akong choice kaya naman pumayag na ako. Hinayaan kong sa condo kami mag-usap para may privacy kami.

Dito tahimik, walang makakita ng kadramahan namin sa buhay.

"Im still in love with you, Hon. Believe me." Kita ko sa mga mata niya ang sincere na pagkakasabi niya. Biglang lumambot muli ang puso ko pero may kung ano sa puso ko na takot nang tanggapin siya ulit.

Hinawakan niya ang mga kamay ko at hinalikan iyon.

"I promise, I will never hurt you again, Erin. Just give me another chance to prove it to you..."

Hindi ko alam pero bigla ko siyang niyakap. Bakit ba nanghihina ako sa tuwing sasabihin niya na mahal niya ako? Bakit ba ganito ako karupok?

Pero imbes na magalit, mas lalo akong nahuhulog muli sa kaniya. Bagay na ayoko mangyari dahil sa takot ko na baka mangyari ang lahat ng sinapit ko sa kaniya noon.

Pero anong magagawa ko kung ang sarili ko mismo ang kalaban ko pagdating kay Syd? Kahit na ayoko, iba ang sinasabi ng katawan ko.

Na-realized ko na lang na naghahalikan na pala kami habang palalim iyon ng palalim.

Tama ba na bigyan ko siya uoit ng chance para mahalin ko ulit? Ang hirap pala ng ganito. Mahirap kapag hindi mo mabitawan ang isang tao.

Sa huli, mas nanaig pa rin ang kagustuhan ko na magka-ayos kami ulit. Hindi na ako nagdalawang isip pa kahit na kasal pa rin sila ni Nadia. Susundin ko na ang sinasabi ng puso ko.

THE ACQUISITION (COMPLETED)Where stories live. Discover now