MSTA 7

2.1K 66 17
                                    

ERIN'S POV

"Oh! Ayan!" Naka-cross arm na sabi ni Sab sa akin nang ibaba niya ang phone niya.

Napataas naman ako ng kilay bago ko iyon kinuha.

"What's this?" nagtatakang tanong ko.

"Naghahanap si Syd ng tutor ni Jariah. Alam ko naman na kapag nakita mo yan, pag-iinteresan mo," sabi niya habang huminga ng malalim.

Napatingin ulit ako sa phone na nasa mesa. May post nga ang yaya ni Jariah na tutor para sa arts. Napangiti ako sa naiisip ko.
Pag sinuswerte ka nga naman. Mukhang tadhana na ang nagawa ng paraan para sakin.

"Don't tell me, ipagpapalit mo ang pagiging superstar mo sa pagiging tutor?" nakataas kilay na tanong ng kapapasok na si Dash sa akin.

"Nako Xcyl! May sira ka na sa utak! Pinagpalit mo ang ginto sa pilak!" nailing na sambit ni Dash.

"Hay ewan ko diyan sa pinsan mo, Dash. Kayo na nga ang mag-usap!" iritadong sabi ni Sab at lumabas ng kwarto ko.

"Sinasabi ko sayo, Xcyl. Tigilan mo na yang binabalak mo. Hindi yan maganda!" sabi niya at lumabas na rin ng kwarto ko.

*****
Andito ako sa loob ng office ni Syd habang hinihintay na pumasok siya. Nasa meeting pa daw siya kaya naman pinapasok na lamg ako ng secretary niya. Since kilala naman nila ako kaya no problem with that.

Nagmamasid ako ng tahimik nang biglang bumukas ang pinto ng office ni Syd.

"Ah, Im sorry. Miss?" Hindi ako sumagot at hinintay siyang umupo sa swivel chair

"Im Syd —"

"Laurent Fournier, the CEO of La Fournier Company." Humarap ako sa kaniya at ngumiti. Nakita ko naman ang paglaki ng mata niya.

"E-Erin?" nagtatakang tanong niya.

Ngumiti naman ako sa kaniya ng matamis. He did'nt expect na mag-apply ako as tutor of Jariah.

"Yes, Mr. Fournier. Actually, I want to submit my requirements as your daughter's tutor in arts," nakangiting sabi ko sa kaniya.

Hindi siya nakasagot kaya naman nagsalita ako.

"Mr. Fournier?" nagtatakang tanong ko sa kaniya.

"A-Ah, y-yeah." Parang wala siya sa sarili niya.

"Are you sure?" nagtatakang tanong niya pa rin habang hawak ang requirements ko.

"Of course! What's wrong?" tanong ko sa kaniya

"N-nothing." Ni-review niya pa ang mga requirements ko. Bakit ba hindi maalis ng mata ko sa kaniya? Nakakainis! Amoy na amoy ko ang perfume niya na mas lalong nagpapainit sa akin.

"Okay. You're the new tutor of my daughter," seryosong sabi ni Syd.

"Really? Thank you!" Matamis akong ngumiti sa kaniya.

Matapos naming mag-usap, nagdesisyon akong umuwi na. Kailangan kong maghanda para sa pag-tutor ko kay Jariah.

SYD's POV

"Ayos ka rin, bro eh!" sabay hagalpak ng tawa ni Chad.

Hindi ako kumibo at tinungga ang beer na nasa bote. I remember her. Kanina noong nasa office ko siya. Ibang-iba na talaga siya. Malayo sa Erin na asawa ko noon. She's really changed. Kung noon, maraming lalaki ang napapalingon sa kaniya. Iba ngayon, hihinto ang mundo mo lalo na kapag ngumiti na siya.

"May gusto ka ba kay Erin?" tanong ni Chad sa akin kaya napatingin ako sa kaniya.

"Ano bang klaseng tanong yan? I love my wife, my daughter," sabi ko at tinungga ang bote ng beer.

"So hindi maganda si Erin?" pang-aasar niya.

"Manahimik ka na nga!" sabi ko sa kaniya. Mabuti na lang at tumahimik siya.

"Fuck! Ang ganda talaga niya!"

Napalingon ako ng magsalita si Chad. Nakita ko si Erin na papasok ng Starry.

"Wala palang gusto..." Hindi ko siya pinansin. Napako na ang tingin ko sa babaeng papalapit sa amin.

She wear a fitted red dress na lalong nagpalitaw ng makinis niyang balat.

"Chaddy!" Nakalapit na siya sa amin at nakipagbeso kay Chad. Habang ako nanatiling nakatitig sa kaniya.

"Ah Erin, si oareng Syd nga pala. Kilala mo na siya di ba?" tanong ni Chad habang nakatingin sa akin.

"Of course!" nakangiting sabi niya habang nakangiti sa akin.

Bumilis bigla ang tibok ng puso ko ng ngumiti siya sa akin. Fuck! What's happening to me?

"Kakaiba ka talaga, Erin! Napapatulala si Syd sayo oh?" Nawala ang atensyon ko ng marinig ko si Chad na tumawa. Umiwas ako ng tingin sa kaniya. Fuck! Nakakahiya!

"Chaddy talaga! Wag kang ganiyan kay Syd. Baka marinig ka ng asawa niya. Mag-away pa sila," sabi niya.

I felt guilty when she said that. Bakit parang may laman ang mga sinasabi niya?

"Oh pano? Maiwan ko muna kayo ah? Enjoy!" nakangiti niyang sambit bago siya tuluyang naglakad palayo.

"Ang ganda niya pare noh? Ang swerte ng mapapangasawa niya. Nakakapagtaka lang, kasi hanggang ngayon ay single pa rin siya," seryosong sabi niya habang nakatingin kay Erin.

Hindi ko sinabi sa kaniya ang tungkol sa past namin ni Erin. Kaya ganiyan na lang siya mang-asar sa akin dahil wala silang alam sa amin ni Erin.

He's right. Ang swerte ko noon. Noong panahon na nasa akin pa siya. Na ako pa ang nagmamay-ari sa kaniya.

Ang totoo, napamahal na ako kay Nadia. Sa lob ng maraming taon naming pagsasama. Idagdag mo pa na may anak kami. Kaya hanggang tanaw na lang ako kay Erin. Kasi hindi ko rin kayang masira ang pamilya na meron ako para lang sa ikakasaya ko.

I love her. But I love my wife too. Hindi ko gusto na madagdagan pa ang lahat ng kasalanan ko. Kung hindi ako naging matinong asawa kay Erin noon, sisiguraduhin kong magiging mabuti akong asawa at ama sa mag-ina ko.

Matagal nang wala kaming connection ni Erin. Kaya dapat ko nang kalimutan lahat ng pagnanasa ko sa kaniya.

She's the one of beautiful memories that I never forget in my life. And I hope that she will found the right man for her.

"Hoy bro! Ayos ka lang ba?" Nagbalik ako sa reyalidad ng tapikin ako ni Chad.

Napangiti na lang ako ng makita ko ang wedding ring namin ni Nadia. Si Nadia lang dapat ang pinagnanasaan ko. Dahil siya ang asawa ko. Wala nang iba pa.

"Iba na yan, Bro! Nangiti ka mag-isa," natatawang sabi ni Chad at tinungga ang bote ng beer.

Ill be the best man and father for them.

THE ACQUISITION (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon