EPILOGUE

2.7K 101 30
                                    

SIX YEARS AGO

"Sydney! Shawn! Come over here!" sigaw ni Erin habang naghahanda ng almusal sa mesa.

"Mommy, Shawn steal my toy!" naiyak na sabi ni Sydney kay Erin.

"Mommy, I already sorry to her, but she don't accept it," dagdag naman ni Shawn habang nakatingin kay Erin.

"Say sorry to her, Shawn. She's still a girl," sabi ni Erin sa anak.

"Sorry, here your toy." Iniabot naman nito ang laruan sa kapatid na babae.

"So okay na kayo? Huwag na kayong mag-away, okay?" sabi ni Erin sa kanila. Tumango naman ang dalawa.

"Where's your sister? Hindi ko pa siya nakikita rito," nagtatakang tanong ni Erin.

"Mom, Im here. Sorry po kung naghintay kayo," magalang na sabi ni Jariah at umupo sa upuan.

"Where's your dad?" tanong naman sa kaniya ni Erin.

"He's not here, Mom. Kanina pa po siya umalis, maaga raw siya ngayon."

Hindi na nagtanong pa si Erin. Para siyang nagtampo dahil ni isa sa mga tao sa bahay nila walang nakaalala ng araw na ito.

Today is her birthday. Maski sila Sab at Dash hindi rin siya binati dahil alam niyang busy ang mga iyon. Si Eron lang ang bumati sa kaniya ngayon. Kaya naman kahit papaano gumaan ang loob niya.

Lumipas ang maghapon pero wala pa ring nakaalala. Hindi niya alam ay naghahanda na si Syd para surpresahin siya.

Dahil kinuha ni Dash ang dalawang bata para ipasyal sa park habang si Jariah naman busy sa mga project niya habang tinutulungan siya ni Nadine.

Umalis na lang si Erin para mamili sa mall at libangin ang sarili niya. Nag-celebrate siya mag-isa.

Nang pauwi na siya, wala siyang kaalam-alam na naghanada na sila.

"HAPPY BIRTHDAY!"

Isang ngiti ang gumuhit sa mga labi niya. Hindi niya akalain na may ganitomg surpresa si Syd sa kaniya. Agad naman siyang lumapit sa asawa at hinalikan ito sa mga labi.

"Happy birthday, my Hon. I love you always," sabi ni Syd habang nakatingin sa mga mata niya.

Naiiyak naman si Erin at hinampas siya ng mahina.

"Bakit kasi may paganito ka pa? Nakakahiya tuloy! Nagtampo pa ako sa inyo," sabi nito at pinupunasan ang luha niya sa mata.

"Mommy, happy birthday!" sabay-sabay na lumapit ang dalawa niyang anak sa kaniya. Kahit na si Jariah.

"Mom, sorry po. Si Dad ang sisihin niyo, pakana niya ito," sabi niya pa at ngumiti kay Erin.

"Thank you!" naiiyak na sambit ni Erin at pinaghahalikan ang dalawang kambal at si Jariah. Huli naman niyang hinalikan si Syd na nakangiti sa kaniya.

"Makakalimutan ba namin ang kaarawan ng babaeng nagbigay ng kulay sa mundo ko?" sabi niya na sobrang nagpakilig kay Erin kahit na palagi niyang bukambibig iyon.

"Ang corny mo!" sabi naman ni Erin sa kaniya.

"Kinikilig ka naman?" sabat naman ni Sab na nasa likod ni Syd.

"Ayiie! Kinikilig si Mommy!" gatong pa ni Jariah. Kaya naman nakigaya na rin ang iba.
Nagsikainan na sila habang sila ni Syd ay magkasama. Nagkatitigan pa silang dalawa.

"Thank you, Hon.Thank you!" panimula ni Erin habang nakatingin sa asawa.

"Everything for you and to our children," sabi naman ni Syd at hinalikan siya sa mga labi.
Kita sa mga mata niya ang sobrang saya. Dahil sa loob ng anim na taon, nakita niya ang unti-unting pagbawi ni Syd sa kaniya. Kung paano siya nito alagaan.
Sa dami ng natutunan niya, isang bagay ang hindi niya makakalimutan.
Hindi masamang magbigay ng second chance sa isang tao. Lalo na kung mahal mo ito. Huwag lang sosobra ang pagmamahal mo at magtira ka para sa sarili mo.

Hindi rin sagot ang paghiganti upang mawala ang sakit sa dibdib  mo. Dahil kung gaganti ka sa taong nanakit sayo, lalo lang lala ang sitwasyon. Mas mabuti nang ipaubaya nalang ito sa taas.

Kung para talaga kayo sa isa't-isa,  walang makakapagpabago pa noon kahit na anong mangyari, hindi magbabago ang lahat ng nakatadhana.
Matuto laging magpatawad at mag-move forward. Matuto ring bumitaw kung sa tingin mo ay wala nang patutunguhan pa ang lahat.

At dito na nagtatapos ang istorya nila Erin at Syd.

THE END...

THE ACQUISITION (COMPLETED)Where stories live. Discover now