MSTA 4

2.2K 81 14
                                    

ERIN'S POV

Naalimpungatan ako dahil sa malalmig na hangin ang dumapo sa balat ko. Dahan-dahan kong idinilat ang aking mga mata. Asan nga ba ako? Umupo ako para mahimasmasan, subalit di pa ako nakakakilos nang magawi ang paningin ko sa kaliwang bahagi ng kama. Nanlaki ang mata ko sa nakita ko.

"S-Syd?" nagtatakang tanong ko, bahagyandin siyang dumilat nang magsalita ako.

Gaya ko, nagulat rin siya na andito ako. Ngayon ko lang narealized na wala akong kahit na anong suot, tanging kumot lang ang bumabalot sa katawan ko.

"Erin?" takang tanong ni Syd at umupo. Gaya niya, nakahubad rin siya.

Sobrang sakit ng ulo ko. Ano nga bang nangyari? Muli akong pumikit at pilit na inalala ang nangyari kagabi.

May nangyari samin! Hindi ako makapaniwala na magagawa ko yon. Ang bagay na yon.

"Im so sorry, Erin. Hindi ko sinasadya ang nangyari kagabi."

Napalingon ako kay Syd na nagsalita sa tabi ko.

"Lasing ako kagabi, hindi ko alam kung ano ang nangyari," paliwanag niya pa.

Hindi ko alam kung ano ang i-re-react ko. Napahilamos ng mukha si Syd at nagbihis.

Hindi na ko kumibo pa, hindi pa rin ako makapaniwala na nagawa ko iyon. Anong pumasok sa isip ko at pinatulan ko ang kalasingan ni Syd?

"Im so sorry, Erin. Please. Forget it?" Bahagya akong tumingin sa kaniya.

Hindi ako sumagot at nilagpasan siya ng tingin. Hindi ko alam ang sasabihin ko.

"Get out!"

"Im sorry, I was drunk."

Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at nasabi ko iyon. Naramdaman ko naman ang pagali niya sa kwarto ko.

Bakit ganito? Wala man lang akong nararamdaman galit sa kaniya? Bakit parang ang saya ko? Pero nadismaya ako sa sinabi niya, na lasing lang siya kaya may nangyari sa amin.

Huminga ako ng malalim. He's married to Nadia. May anak na sila. Ayokong makasira ng pamilya.

"Hindi ko hahayaang matulad ako kay Nadia. Kailanman, hinding-hindi ko hahayaang maging maging kabit ako ng isang may asawa at anak na."

Ipinikit ko ang mga mata ko. Gusto kong ma-relax kaya pumunta ako dito. Pero bakit parang mas lalo akong na-stress?

Nag-ayos na lang ako at lumabas, doon na lang ako kakain sa labas. Para ma-relax naman ako.

*****
"WHAT?! THE HELL, ERIN! ANONG PUMASOK SA KOKOTE MO AT NAGPATIRA KA SA EX MO?!"
Nakapikit ako habang sumisigaw si Sabbey dito sa kwarto ko. Ang totoo, kakauwi ko lang dito sa Pinas tapos ito agad ang usapan namin.

"Hindi ko rin alam, Sab. Hindi ko alam," sabi ko habang nakatingin sa kaniya ng seryoso.

"Anong hindi mo alam? Ano yon? Pag-uwi mo ng condo mo nagchuk-chukan agad kayo?"

Hindi ako kumibo. Ayoko sana alalahanin pa ang nangyari, pero dahil napakakulit nito. Hindi ko na naiwasang hindi mag-kwento.

Isang araw naunang umuwi sa akin si Syd. Nung araw na rin na umalis siya sa condo ko sa Hawaii, umuwi na pala siya dito. Kaya naman naisipan ko na ring umuwi.

Honestly, hindi ko maiwasang hindi maisip ang lahat ng nangyari noong gabing yon. Halos oras-oras naiisip ko pa rin kung paano niya ako romansahin. Bagay na sobrang nagpasaya sa akin.

"ERIN XCYL VIDALES!" nagbalik ako sa reyalidad nang banggitin ni Sabbey ang buong pangalan ko.

"Umamin ka nga sa akin, mahal mo pa ba si Syd?"

Hindi agad ako nakapagsalita sa tanong niya. Parang biglang tumigil ang mundo ko. Agad rin naman akong napatanong sa sarili ko.
Mahal ko pa nga ba si Syd?

"Sinasabi ko na nga ba eh! Girl! Gising!" sabi niya at niyugyog ako.

"Sab, OA ka na, tumigil ka." Tinitigan ko siya ng masama. Nag-peace sign naman siya.

"So, mahal mo pa nga ang ex mo? Pero girl! Baka nakakalimutan mo? Kasal na sila ni Nadia! At may anak pa sila!" Hindi ako sumagot. Hindi ko talaga alam kung ano nga bang nararamdaman ko para kay Syd. Kung mahal ko nga ba siya o nangungulila lang ako sa tagal ng walang lalaki sa buhay ko.

"Bakit ba hindi ka nasagot? Ano bang plano mo?" tanong niya sa akin na parang may ibig-sabihin. Kaya napatingin ako sa kaniya.

"Masama ba? Masama bang mahalin ko ulit ang lalaking nagpabago sa akin noon?" hindi ko alam pero bigla na lang ako nasaktan.

Ayokong lokohin ang sarili ko. Ayokong mag-deny na wala akong nararamdaman kay Syd.

"Pero, Girl. M-may pamilya na si Syd..." mahimahong sambit ni Sabbey.

"Three years kaming nagsama ni Syd. Five years naging kami. Ano bang aasahan ko? Na makakalimutan ko na lang basta-basta ang lahat ng ginawa nila sa akin?" naiiyak na sabi ko. Muling bumalik sa akin ang lahat six years ago.

"A-akala ba nila madali lang ang lahat? Na ako andito pa rin nag-iisa habang sila masaya? Ako yung legal... Pero bakit parang ako yung naging pangalawa?" pinunasan ko ang luhang natulo sa pisngi ko.

"Girl..." hinahagod naman ni Sab ang likod ko.

"Pag-aari si Syd! Pag-aari ko siya pero dahil nagpabulag siya sa punyetang Nadia na yon! Nasira lahat! S-Sinira nila ako. S-sinira nila ang buong pagkatao ko," hindi ko napigilang hindi umiyak.

"Bakit ba parang ako ang may kasalanan? Bakit ako yung hindi maka-move on kay Syd? Bakit ako yung agrabyado ngayon? Ako yung ginago nila eh! Ako yung ginago nila!" naiyak na sambit ko pa kay Sabbey.

"Girl, tama na. Kalimutan mo na si Syd. May pamilya na siya. Hindi ba sabi mo, kung saan siya sasaya. Doon ka?" sabi ni Sab habang hinahaplos ang likod ko.

"Mahal na mahal ko pa rin siya, Sab. Mahal na mahak ko pa rin si Syd."

Yes, I admit na I lost him. Na hindi ako lumaban noon. At sobrang pinagsisisihan ko kung bakit hinayaan kong makuha siya ni Nadia.

"Akala ko kaya kong makita siya. Akala ko kasi okay na ko. I built the old me. Pero hanggang doon lang pala talaga. Kasi hanggang ngayon, nagsisisi ako kung bakit wala akong ginawa para bumalik ang pagsasama namin ni Syd. Na sumuko ako at pinaubaya siya sa mag-ina niya. " huminga ako ng malalim bago pinakawalan ang isang hininga.

"Naiintindihan kita, Girl. Sobrang sakit ng pinagdaanan mo. Kaya nga Im so proud to you. Kasi nakayanan mo lahat lagpasan ang mga yon." Napatingin ako sa kaniya. Seryoso lang siyang nakatingin sa akin.

"Pero sana ito na ang huling pagkakataon na mamahalin mo si Syd. Dahil wala ring mangyayari, Girl. Mahal na mahal niya ang pamilya niya. Kita mo naman di ba?" sabi niya pa.

Hindi na ko kumibo. Aalis na naman ba ako para lang makalimutan ko si Syd? Ayoko nang takasan ang lahat ng problema. Pero wala namang mangyayari kung papansinin ko pa ang feelings ko for him. Masaya na siya sa pamilya niya. And that's enough.

THE ACQUISITION (COMPLETED)Where stories live. Discover now