MSTA 11

2.8K 94 60
                                    

ERIN'S POV

Kalalabas ko lang ng elevator ng makasalubong ko ang isang lalaki.

"Erin?" nagtatakang tanong ni Gonzalo sa akin.
Hindi ko alam kung ano dapat kong i-react sa kaniya. Bakit siya andito sa La Fournier Company?

"Gonzalo!" late react ko sa sinabi niya bago ngumiti.

Relax, Erin. Si Gonzalo lang yan! Kumalma ka.

"What are you doing here?" Ang tanong na ayoking marinig.

"Ah, Im just visiting Syd. Kailangan ko kasi siyang makausap about her daughter," nakangiti kong sagot. Muntik ko nang makalimutan na may connection pa rin ako kay Syd at Jariah.

"Oh, ganon ba? Sige!" nakangiting sambit niya.

Nagpatuloy na ako sa paglalakad papuntang office niya. This time, hindi naman siguro mambubulabog si Nadia? Dahil balita ko umalis siya. At nasa Cebu siya ngayon.

Dahan-dahan kong binuksan ang pinto ng office niya. Nakita ko siyang hinihilot ang sintido niya at muling tumingin sa computer. Tambak ang nga folders sa mesa niya. Kaya naman pumasok na ko ng walang pasabi.
Hindi niya siguro ako napansing pumasok dahil sa sobrang ka-busy-han. Dumiretso ako sa likod niya at sinilip ang ginagawa niya. Puro financial report at tungkol sa LFC.

"Are you busy?" tanong ko sa kaniya. Napalingon naman siya sa akin.

"Hun!" Napalitan ang problemadong mukha niya kanina ng masigla. Tumayo siya at hinarap ako.
"Kanina ka pa?" tanong niya sa akin at hinalikan ako.

"Hmm, nope. Kararating ko lang. And mukhang busy ka?" sabi ko pa.

"No, let's go? Kumain ka na ba?" tanong niya sa akin.

"Nope, unahin mo yang gawain mo. Nang matapos ka na," pagtutol ko.

"Kakain tayo, mamaya ko na gagawin yan," sabi niya at muli akong hinalikan.

"I cooked for your lunch. No need to go outside," nakangiting sambit ko at inabot ang paperbag.

Nakita ko ang pagngiti niya. Lumapit pa ako sa kaniya.

"Maybe later? May kailangan pa akong puntahan," sabi ko sa kaniya. Hinapit naman niya ako papalapit sa kaniya, halos magdikit na ang mukha namin sa sobrang lapit. Naramdaman ko ang paghalik niya sa leeg ko. Hinawakan ko naman ang mga labi niya.

"See you later," sabi ko sa kaniya bago siya hinalikan sa labi. Aalis na sana ako ng hindi inalis ang mga braso niya sa katawan ko.

"Syd..."

"Bakit ba ako ganito kabaliw sayo, Erin?" bulong niya sa tainga ko at dinilaan iyon.

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako dahil unti-unti nang natutupad ang plano ko. Pero may lakad pa ko.

Muli kong naramdaman ko ang labi niyang hinahalikan ang leeg ko, habang ang kamay niya ay dahan-dahang naglalakbay sa legs ko. Hindi pa siya nakuntento at itinaas niya pa ang dress ko para ipasok ang kamay niya sa loob ng underwear ko. He slightly massage my butt. He kissed me torridly.

"Syd... May lakad pa ako." Hinarang ko gamit ang daliri ko ang mga labi niya.

"I have a surprise for you later..." I whispered.

Hinalikan ko siya sa labi at muling lumakad palayo sa kaniya. Mabuti na lang at hindi na niya ako pinigilan pa.

Lumabas ako ng office niya nang makasalubong ko si Chaddy.

"Oh, Erin!" nakangiting sambit niya. Ngumiti lang ako sa kaniya..

"Mukhang galing ka sa office ni boss ah?" sabi niya pa na animo'y nang-aasar.

Nginitian ko lang siya bago nagpaalam. Late na ko! Kanina pa yun si Dash nagrereklamo sigurado.

*****

"Where had you been?" nakataas kilay na tanong ni Dash. Andito kami sa milktea shop ni Sabbey.

"Ang traffic," pagdadahilan ko pa.

"Oh heto na! Yan ang talent fee mo. Mabuti na lang at mabait tong si Mr. Ford at binigyan ka ng talent fee kahit isang oras ka lang nag-shoot," napataas ang kilay ko nang tignan ang laman ng sobre.

Nakita ko ang tseke na naglalaman ng one hundred thousand. Seriously? Ganito kalaki? Napa-iling na lang ako sa nakita ko. Akala niya siguro madali lang ako masilaw sa pera. My decision is final. Hindi na ko babalik sa showbiz.

"Oh! Ito na," Inilapag ni Sabbey ang dalawan milktea sa mesa at umupo.

"Yung totoo, girl? Saan ka galing?" tanong niya. Alam kong may ibig sabihin yon.

"Sa condo," sagot ko sa kaniya.

"Then, saan pa?"

"Ano bang gusto mong palabasin?" sabi ko sa kaniya.

"I saw you," sabi niya na ikinatigil ko.

"So tell us, saan ka galing. Aber?" tanong naman ni Dash.

"Ewan ko sa inyong dalawa," sabi ko na lang bago ininom ang milktea na nasa mesa.

"Galing ka kay Syd noh?" Hindi ako umimik sa sinabi ni Sab.

"Sinasabi ko na nga ba eh! Erin naman!"

"Alam ko kung ano ang ginagawa ko. Kaya pwede ba? Hayaan niyo na ko?" sabi ko pa bago ako tumayo at lumabas ng milktea shop niya.

Nakakainis, bakit ba tutol sila sa ginagawa ko? Pero bakit noong ako ang ginago walang tumutol? Ganito ba talaga ang tadhana sa akin?

Gusto ko lang naman makaganti sa mga taong sumira sa akin. Gusto kong maramdaman nila ang naramdaman ko noong panahong ginagago nila ako. Kung paano ako masaktan ng sobra.

Kaya hindi ako titigil hangga't hindi ako nakakaganti. Hangga't hindi ko naipapadama sa kanila ang sakit na naramdaman ko noon. Silang dalawa ang may kasalanan ng lahat. Sisiguraduhin kong mababaliw ka ng sobra sa akin Syd. At iiwanan mo si Nadia para lang sa akin. I will make sure na masisira ko ang mga buhay niyo.

Nagpatuloy ako sa pag-drive. Uuwi na lang ako. Gusto ko mapag-isa ngayon. Mahaba pa ang oras ko para pumunta sa Starry.

Nakarating ako sa condo. Sa sobrang bored ko, naglinis na lang ako ng condo. Hindi ko sinasadya na kalikutin ang box na nasa closet ko.

Hindi ko pa rin tinatapon itong necklace na binigay niya sakin. Yung galing sa mommy niya at ibinigay niya sa akin. Ito yung nagiisang bagay na hindi ko itinapon galing kay Syd. Hindi ko alam kung bakit. Pero parang hinaplos ang puso ko sa tuwing makikita ko ito. Naalala ko yung panahong binigay ni Syd sa akin to. Yun ang panahong nag-propose siya sa akin. Kaya sobrang mahalaga to dahil mismong birthday ko pa binigay ang necklace na to.

Napangiti na lang ako. Kailangan kong maghanda para sa pagkikita namin ni Syd mamaya. Kailangan kong magawa ang mga plano ko.

THE ACQUISITION (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon