MSTA 8

2.1K 79 33
                                    

ERIN's POV

Hindi ko maiwasang hindi mapangiti habang pinapanood si Jariah. Actually, matatapos na kami.

"Tita Erin! Look!" masaya siyang lumapit sa akin para ipakita ang pininta niya.

"Wow! Good job, Jariah!" Ang bata niya pa pero ang galing na niyang mag paint. Hindi ordinaryong painting lang ang ginawa niya. Nagpinta siya ng mala-realistic na apple.

"Bakit apple ang ipininta mo?" takang tanong ko. Ang mga bata kasi mahilig sila sa colorful. Pero si Jariah. Isang realistic na apple ang ipininta niya.

"Snow white is my favorite princess, Tita Erin. I want to be like her," nakangiting sambit niya.

Napangiti ako. Ang sweet niyang bata. Hindi ko alam kung kay Nadia ba siya nagmana dahil hindi naman sweet si Nadia.

Ang daming pumasok na what ifs sa utak ko. What if nagkaanak kami ni Syd? What if hindi nangyari ang bagay na iyon sa amin? What if pinaglaban ko siya kay Nadia?

"Tita Erin, are you okay?" tanong ni Jariah sa akin dahilan para magbalik ako sa reyalidad.

"Ah yeah," nakangiting sambit ko sa kaniya.

"See you tomorrow, baby." Nagulat ako ng halikan niya ako sa pisngi bago siya muling nagsalita

"Thank you so much, Tita Erin," nakangiting sambit niya.

Napangiti na lang ako. Paano nagagawang saktan ni Nadia ang ganitong bata? Hindi naman siya nagmana sa nanay niya ng kasuwailan. She's so kind unlike her mother bitch!

"Jariah!" Napalingon kami nang may magsalita mula sa likod namin.

"Daddy!" sigaw niya at tumakbo papunta sa daddy niya.

Kinarga naman siya ni Syd at hinalikan. Hindi ko alam pero napangiti na lang ako. I know na magiging mabuti siyang ama kay Jariah. Matagal niya na itong pinangarao magka-anak. Kaya naman panatag ang loob ko.

"Salamat, Erin." Nagulat ako ng magsalita si Syd. Ngumiti naman ako sa kaniya ng walang halong ka-plastikan.

Tuluyan na silang lumakad papuntang kotse hanggang sa hindi ko na sila matanaw.

*****

Ibinagsak ko ang katawan ko sa malambot na kama dito sa kwarto ko. Ipinikit ko ang mata ko para sana makapag-isip , pero di ko pa nagagawa ng bilang tumunog ang phone ko kaya naman agad ko itong sinagot.

"Hoy bruha! Asan ka ba? Pumunta ka muna dito sa Starry!" sigaw ng boses ng babae sa kabilang linya. Tinignan ko naman kung sino iyon.

"Im on my way," walang ganang sagot ko kay Dash bago ko pinatay ang tawag.

Nagbihis lang ako ng simple fitted shirt at nag-jeans. Wala ako sa mood mag-dress. Ano bang problema? Bakit ako pinapapunta ni Dash? May gulo na naman siguro.

"Yung totoo, Xcyl? Anong nasinghot mo at ganiyan ang suot mo?" tanong niya habanag nakapamewang.

Tinignan ko naman ang suot ko. Ano bang mali? Hindi lang sila sanay na ganito ang suot ko. Palagi akong naka-fitted dress kaya ganiyan siya makapag-react sa suot ko.

"Andito si Mr. Harrison Ford! Tapos ganiiyan ang suot mo?Myh ghad, Xcyl!"

"So pinapunta mo lang ako dahil sa lalaking yon?" hindi makapaniwalang tanong ko sa kaniya. Dahil lang kay Harris kaya niya ko pinapunta?

"O siya! Halika na! Pwede na yan! Maganda ka parin naman!" sabi niya sabay hila sa akin. Magrereklamo sana ako ng pero hinila niya na agad ako.

Huminto kami s harap ng VIP room. Napataas ang kilay ko. Papasok sana siya ng lumabas si Harris.

"Erin..." nakangiting bungad sa akin ni Harris.

Sa katunayan, gwapo si Harris. Hindi nga lang kasing kisig ni Syd. Parang mas lamang lang si Syd ng limang paligo. Pero kung tutuusin, ma-appeal to si Harris. Hindi ko nga lang talaga siya type.

"A-ah. Maiwan kona kayo ah?" sabi ni Dash at sabay alis. Naiwan kaming dalawa ni Harris dito sa harap ng VIP.

"Erin for you," nakita ko na may kinuha siya sa loob ng VIP at iniabot sa akin ang isang boquet  ng bulaklak.

"Harris, nag-usap na tayo hindi ba?" Ayoko siyang paasahin na lang.

"But, Erin. I still love you. Hindi mo ba talaga ako kayang bigyan ng chance?" tanong niya sa akin habang seryosong nakatingin sa mata ko.

"Harris, kinausap na kita about this. Sorry... Pero hanggang kaibigan lang ang kaya kong ibigay sayo," sabi ko.

"Do you still love him?"

Hindi ako nakasagot agad sa tanong niya. Nalilito akong tumingin sa kaniya. Seryoso siyang nakatingin sa akin.

"Who?" pag-deny ko na kunyari ay hindi ko alam kung sino ang tinutukoy niya.

"Your ex-husband, na niloko ka. Na ginago ka," sabi niya.

"Stop this shit, Harris. Past is past. Huwag mo nang halukayin pa ang nakaraan ko. Dahil matagal ko nang kinalimutan yon—"

"But do yoy still love him, right? Kaya hanggang ngayon hindi mo kayang magmahal dahil nakatali ka pa rin sa kaniya..."

Hindi ako nakasagot. Ayokong sagutin dahil hindi naman kailangan.

"Stop this shit. Sorry," sabi ko at tinalikuran siya. Ayoko ng ganito. Yung pag-uusapan si Syd. Dahil alam ko sa sarili ko ang sagot.

Nakarating ako sa parking lot, agad akong pumasok sa kotse ko.I hate myself for being selfish! Bakit ba si Syd pa rin? I tried to forget him. I tried to erase him in my life. But I can't deny that he still the one. The reason that's why I'm still incomplete.

Pero imbes na lalo akong mahulog sa kaniya, mas lalong nanaig ang kagustuhan kong makaganti sa kanila ni Nadia. I want him to feel what I felt.

"Hindi pa tayo tapos... You will pay all of this shit."

Isa lang ang nais kong mangyari. Ang muling makuha si Syd. Ang mamatay sa inggit si Nadia.

"You can't scaped by the temptation, Syd."

Di ko namalayan na nakatingin na pala ako sa phone ko. Habang mukha ni Syd at Nadia ang naka-attached sa screen.

"Im not Vidales for nothing, Syd. I will introduce to you the real Erin Xcyl Vidales." 

Napangisi na lang ako sa mga naiisip ko. Im so excited. Ang tagal kong itinigil ang ganitong gawain. I hope na maging successful ang mga plano ko.

Hindi ako titigil hangga't hindi ko nasisira ang buhay ni Nadia. Sinira niya ang buhay ko. Ang lahat ng meron ako kinuha niya. Well, wait me Nadia Steyn-Fournier.

THE ACQUISITION (COMPLETED)Where stories live. Discover now