MSTA 1

4.2K 113 13
                                    

ERIN'S POV

"O c'mon, Erin! Ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo?" galit na tanong sa akin ng manager ko. Nag-aayos ako ng sarili habang sinesermonan niya ako.

Itiniklop ko ang foundation na hawak ko bago ako muling humarap sa kaniya.

"Can you calm? Masyado kang nagpapaka-stress sa maliliit na bagay," sabi ko sa kaniya.

"Seriously? Anong maliit? Sinasabi ko sayo, Erin ha? Hindi basta-basta tong project na to!" singhal niya.

"Ayoko ma-stress. Kung gusto mong magpaka-stress ikaw ang bahala," sabi ko pa bago ako muling humarap sa salamin na nasa harap ko.

"Hay! Ewan ko kung ano ang gagawin ko sayong babae ka! Siguraduhin mo lang na hindi ito issue!" sabi niya pa.

"Ako na mismo kakausap sa owner ng company, gusto kong ma-relax," sabi ko sa kaniya. Naka-palm face lang niya akong tinignan.

"Pasalamat ka at malakas ka kay Mr. Ford," sabi niya pa. Bigla akong napalingon ng wala sa oras sa kaniya.

"What? Pardon me?" tanong ko sa kaniya. Nakita ko nmaman na nagbago ang expression niya. Tinaasan ko lang siya ng kilay.

"Fine, yes. Siya nga ang may-ari. Hindi ko sinabi sayo kasi baka mag-backout ka bigla eh!" sab niya.

"So wala ka talagang balak ipalaam sa akin na si Harris ang owner?" sabi ko pa.

"Erin naman eh, bawal ka na umatras. Okay na tayo di ba?" sabi niya.

"Ikaw ang kuma-usap sa kaniya. Ayoko siyang kausap," sabi ko kay Dash. Actually, pinsan ko itong manager ko. Galing din siyang Spain, umuwi siya dito for vacation sana pero dahil wala akong manager at marami siyang kapit dito So, i decided na siya ang manager ko.

Gusto ko sanang mag-vacation bago ako pumirma ng contract. Another contract na naman. Ito kasi ang pinakamalaking offer. Isa pa hindi pala ako magbabakasyon sa Hawaii. Dahil aasikasuhin ko ang Starry doon.

Yes, may mga branches na ang Starry out of town. Bagong branches niya sa Hawaii, so kailangan kong pumunta sa opening noon. Balak ko ngang isama si Sabbey eh, kaso busy siya sa bago niyang business.

Natatawa na lang ako dahil sa dami ba naman ng location doon pa siya sa tabi dating dreame cafe ni Trina, balita ko kasi na ipinasara na raw ang dream Cafe ni Senator.

Bukas na bukas aasikasuhin ko ang flight ko. Sigurado na rin naman yon na papayag si Harris. Hindi ako pipirma kung di siya papayag, basic!

"Gusto ko sanang sumama kaso, inaya ako ni Sab na wag na daw dahil naiinggit siya," sabi niya pa.

"No need, di rin naman kita aayain," mataray na sabi ko.

"Loka ka talaga!" Napangiti na lang ako.

Matapos kong mag-makeup, iniwan ko na si Dash sa condo ko. Pupunta pa ko sa south ridge. Kanina pa ko hinihintay ni Eron doon.

*****

"Ate!" Mula rito tanaw na tanaw ko si Eron na nakadungaw sa gate ng club house. Kaya naman bumaba na ko.

"Ate naasikaso ko na yung mga docmuments, by next week ang flight mo. Sunday to be exact," sabi niya, Napangiti na lang ako sa kaniya.

Kinuha ko naman sa kaniya ang folder. Kmpleto naman ang lahat ng kailangan ko. KInausap ko na rin si Carina ang bagong manager ng starry na ayusin ang pmamahala nito, since busy si Sabbey at hindi rin maasikaso ni Eron iyon.

"Thank you!" sabi ko sa kaniya.

After kong kausapin si Eron, dumiretso na ko sa starry. Masyado akong naging busy this past few days. Kaya di ko naasikaso. Tapos ang damim ko pang kinokontact. Nagka-problema din kasi sa Singapore at Germany. Na-stress ako ng buong linggo. Kaya kailangan ko ng beauty rest.

THE ACQUISITION (COMPLETED)Where stories live. Discover now