MSTA 27

1.8K 84 24
                                    

WEEKS PASSED.

Nagising ako nang mapansin kong wala si Syd sa tabi ko. Agad akong tumayo at naghilamos.

Paglabas ko, naamoy ko agad ang mabahong amoy. Agad akong pumunta sa kusina at nadatnan ko doon si Syd na nagluluto. Naggigisa siya ng bawang na halos bumaliktad na ang sikmura ko sa sobrang baho sa pang-amoy ko.

Bigla akong kinabahan. Huwag naman sana. Agad na lumapit sa akin si Syd at inalalayan ako. Nagsusuka ako habang hinahaplos niya ang likod ko.

"Are you okay, hon?" tanong ni Syd sa akin.

"Magbihis ka, hon..." utos niya na ikinagulat ko. Sa tingin niya palang alam kong may hindi magandang nangyayari. Kaya naman sumunod ako sa kaniya kahit na natatakot ako.

Tulog pa si Jariah sa kwarto niya kaya naman umalis na rin kami para maaga rin kami makabalik.

*****
Kinakabahan ako habang hinihintay ang doctor. Hinawakan pa ni Syd ang kamay ko para mawala ang kabang nadarama ko. Hindi maalis ang kaba ko. Ayokong makita kung ano ang resulta.
Paano kung may sakit ako? Kinakabahan ako sa maaring maging resulta.

Maya-maya pa ay lumabas ang doctor. Kinakabahan pa rin akong tumingin sa kaniya. Masyadong seryoso ang mukha niya. Bago siya tumingin sa amin.

"This is the result, Miss Vidales..." sabi ng doctor.

"Congratulations! You're one month pregant!" Nagbago ang expression ng mukha ng doctor. Nakangiti na siya sa amin.

"What?" tanong ko sa kaniya.

"She's pregnant?" tanong ni Syd sa doctor.

Kapwa kami nagulat sa sinabi niya. Hindi ba niloloko lang niya kami? Parehas kaming nagtataka at gulong-gulo sa sinabi nh doctor.

"Yes, you're one month pregnant, Miss Vidales," nakangiting sabi niya.

"How come? Ang sabi ng doctor ko noon, hindi na ako pwedeng mabuntis pa. Dahil baog ako. But how come na buntis ako?" tanong ko sa kaniya. Sobrang gulong-gulo ng utak ko. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko.

Kinakabahan talaga ako na hindi ko maipaliwanag. Ngumiti naman ang doctor sa amin ni Syd.

"Hindi ka baog, Erin. Sadyang mababa lang ang chance na mabuntis ka. But now? This is a blessings," sabi niya na mas lalong ikinagulat namin ni Syd.

"Blessings?" takang tanong ko ulit. Sobrang gulo ng utak ko. Ang halo-halo na ang nararamdaman ko.

"Twins ang baby niyo," nakangiting sambit niya na mas lalong ikinasaya ng puso ko.

Kahit na nalilito ako, hindi maitago ang sayang nararamdaman ko. Sobrang saya ko sa nalaman ko.

hindi na maipaliwanag kung gaano ako kasaya. For al those years na nakalipas, na ang buong akala namin ay baog ako kaya hindi ko na siya pwedeng mabigyan pa ng anak. Tapos ito ngayon? Malalaman kong buntis ako with twins?

Agad akong napatingin kay Syd na nakatulala sa doctor. Alam kong maski siya masyadong naguluhan sa nangyayari.

"Buntis ang asawa ko?" tanong niya ulit na tila ba hindi makapaniwala bago siya tumingin sa akin.

"Buntis ka..." Naiiyak akong tumango sa kaniya.

"Magkaka-baby na tayo, Syd. Mabibigay ko na ang bagay na hindi ko naibigay noon sayo," sabi ko sa kaniya habang naiyak pa rin.

Hindi ko maiwasang hindi maiyak. Sobrang saya ko. Sobrang tagal namin itong inasam ni Syd. Agad niyang hinawakan ang mukha ko.

"I love you, my wife. I really love you," sabi niya at hinalikan ako bago ako binuhat palabas ng kwarto.

Maaga kamig nakauwi ng bahay. Pagdating namin nakita namin si Jariah na nasa sala. Naglalaro siya. Nang makita niya kami agad niya kaming sinalubong ni Syd.

"Daddy! Mommy, Erin!" sabi niya at niyakap kaming dalawa.

Nagkatinginan kami ni Syd bago umupo sa sofa.

"May sasabihin kaming dalawa ni Mommy mo, Baby, Im sure na matutuwa ka," sabi ni Syd at kinandong si Jariah.

"What's it, Daddy?" tanong naman niya.
Tumingin sila sa akin dalawa. Ngumiti lang ako sa kanila

"You're going to be a sister," nakangiting sambit ni Syd.

"Me? Sister?" tanong niya ulit.

"Yeah, you're Mommy Erin is pregnant," nakangiting dugtong ni Syd.

Halatang nagulat si Jariah kaya tumingin siya sa akin.

"How come, Daddy?" tanong niya. Maski siya nagulat. Dahil nabanggit ni Syd noon sa kaniya ang nangyari kaya alam niya ang tungkol sa sitwasyon ko.

"Yehey!!" masayang sambit ni Jariah at niyakap ako. Hinaplod niya pa ang tiyan ko bago niya idinikit ang tainga niya sa tiyan ko.

Napangiti na lang kami ni Syd. Excited siya maging ate. Kahit na hindi ko siya anak. Mabuti na lang talaga hindi siya nagmana kay Nadia.

Umamin si Nadine na anak talaga ni Syd si Jariah. Kaya hindi na kami nagpa-DNA test pa dahil si Nadine ang nakakaalam ng lahat. Talagang buntis si Nadia noong panahong iyon.

Anak man siya ni Syd o hindi, tatanggapin ko siya. Hindi ko alam pero naalis lahat ng insecurities ko sa katawan ng malaman kong buntis ako at twins pa. Sobra akong na-excite kaya naman hindi maitago ang saya ko.

Ang daming nangyari, ang daming taon na ang lumipas. Marami na rin ang nagbago. Pero ngayong buntis na ako, nawala ang lahat ng pangamba ko na iwanan ako ni Syd. Dahil alam kong ilang taon na siya naghihintay na magka-anak kami.

Kung tatanungin ako kung napatawad ko na nga ba siya, siguro ang isasagot ko dahil mahal ko siya. At hindi nagbago iyon kahit na sabihin kong nasaktan ako ng sobra.

Hindi pa pala huli ang lahat sa akin ni Syd. Marami pa kaming pagdadaanang mga pagsubok na susubukin ang katatagan ng relasyon namin. Marami pang mangyayari sa amin na kailangan naming paghandaan.

THE ACQUISITION (COMPLETED)Where stories live. Discover now