MSTA 21

1.5K 71 29
                                    

NADIA'S POV

Muli kong hinalikan si Syd pero umiwas siya. Kaya naman hindi ko na natiis at nagsalita na ako.

"What's wrong, babe?" tanong ko sa kaniya at pilit na hinhalikan siya.

"Let's talk, Nadia." Napatigil ako sa sinabi niya kaya naman tinignan ko siya.

"Maghiwalay na tayo," sabi niya na ikinagulat ko.

"What? This is a joke?" tanong ko sa kaniya.

"Nadia, I know that you know. Matagal nang walang namamagitan na pagmamahal sa ating dalawa. Hindi ko pababayaan ang responsibilidad ko kay Jariah," sabi niya pa kaya napatayo ako.

"No, hindi ako papayag na makipaghiwalay ka sa akin, Syd! Dahil ba kay Erin? After all, Syd?!" sambit ko sa kaniya. Tumayo na rin siya.

"Tell me! Dahil ba kay Erin?! Kaya hihiwalayan mo ako? No way, Syd! Akin ka lang! Pag-ari kita, Syd! Akin ka!" sabi ko at hinalikan siya. Petp mabilis rin siyang kumawala sa halik ko.

"Hindi mo na ba ko mahal, Syd? May anak tayong dalawa. Don't do this to me, Babe..." sabi ko at niyakap siya.

"I love her. And I still love her," sabi niya sa akin na ikinagalit ko.

"No!" nailing na sabi ko sa kaniya.

"Hindi ka makikipaghiwalay sakin, hindi ako papayag! Hindi ako papayag na mapunta ka kay Erin! Syd, mahal ko. Please..." sabi ko sa kaniya at niyakap siya ng mahigpit.

Pero inalis niya ang mga kamay kong nakayakap sa kaniya.

"Nadia, please..." seryosong sabi niya sa akin.

"Bakit mo ginagawa to sa akin, Syd? Hindi pa ba ako sapat? Binigay ko ang gusto mo. Binigyan kita ng anak na hindi kayang ibigay ni Erin! Binigay ko ang sarili ko ng buo, Syd. Iyomg-iyo lang ako," sabi ko sa kaniya habang pilit siyang hinahalikan.

"Hindi ko nakakalimutan ang bagay na iyon, Nadia. Hindi ko pinagsisisihan na nagkaanak ako sayo, pero mas magsisisi ako kung hahayaan kongmagpatuloy ang mali," sabiniya at inalis ang kamay ko sa katawan niya.

"Syd! Please, maawa ka saamin ng anak mo. Don't do this," sabi ko sa kaniya at niyakap siya patalikod. Napatigil naman siya jg ginawa ko iyon.

"Nadia, get up!" utos niya sa akin at pilit ako itinatayo.

"Ibibigay ko lahat ng gusto mo l, Syd. Ibibigay ko, huwag mo lang gawin to," pagsusumamo ko sa kaniya.

Humarap siya sa akin at tumigin ng seryoso.

"Patawarin mo ako, pero kailangan kong gawin ang tama. Kailangan ko nang itama ang lahat habang maaga pa," sabi niya sa akin.

"Hindi ako papayag! Akin ka lang Syd! Akin ka!" sabi ko at dali-daling hinubad ang suot ko. nakita ko namang nagulat si Syd sa ginawa ko. Wala akong suot na anumang saplot. Hubo't hubad akong nakaharap sa kaniya.

"What are you doing?! Just dress up!" sabi niya sa akin at pinulot ang damit ko para isuot sa akin. Pero mabilis kong pinigilan ang kamay niya. Napangiti ako sa kaniya at inilagay ang palad niya sa dibdib ko.

"Nadia!" sabi niya at mabilis na binawi ang palad niya.

"Im all yours, baby. Pag-aari mo ako,"sabi ko sa kaniya.

"Stop this, Nadia." Matapos noon ay lumakad na siya palabas ng kwarto.

"SYD!" sigaw ko pero huli na. Naihagis ko ang vase na malapit sa akin.

Lahat ng mahawakan ko ay hinahagis ko kung saan.

"Hindi ka pwedeng mapunta kay Erin! Akin ka lang Syd! Akin ka!" sigaw ko at muking hinagis ang lampshade na nahawakan ko.

"Hindi ako papayag na mapunta ka sa babaeng iyon! Hindi maari! Akin ka! Akin ka lang Syd!" sigaw ko at isang vase pa ang nahawakan ko bago ko iyon inihagis sa kung saan.

Maya-maya ay may kumatok sa kwarto ko kaya agad akong nagbihis.

"Mommy? What happened?" sabi ni Jariah.

"LEAVE ME ALONE!" sigaw ko sa kaniya

"Mommy, are you okay?" tanong niya ulit.

"Hindi ba sabi kong umalis ka?! Hindi ka ba nakakaintindi ha?!" Sa sobrang inis ko ay kinaladkad ko siya at pinalo.

"Mommy! Tama na po!" naiyak na sabi niya sa akin habang pinapalo ko siya.

"LEAVE ME ALONE!" sigaw ko sa kaniya. Patuloy pa rin ang pagpalo ko sa kaniya.

"Madame, tama na po-"

"HUWAG KANG MAKIALAM!" sigaw ko sa yaya ni Jariah at pinagpatuloy ang pagpalo sa kaniya.

Iyak lang siya ng iyak habang pinapalo ko. Maya-maya lang ay may lumapit at agad na pinigilan ako.

"Nadia! Tigilan mo si Jariah!" sigaw ni Syd at agad na kinuha si Jariah sa akin.

"Daddy!" naiyak na sambit ni Jariah at niyakap siya.

"Ano bang ginagawa mo? Bakit mo sinasaktan ang anak mo?" sabi ni Syd habang karga ito.

"Bakit ba lagi mong pinagtatanggol yang batang yan? Ako ang asawa mo, Syd! Hindi siya!" sabi ko at galit na tumingin kay Jariah.

"What?" naguguluhang tanong niya.

"Dahil inaagaw niya ang intensyon mo na dapat sa akin!" sigaw ko.

"Ano bang sinasabi mo? Anak natin si Jariah, Nadia!" sabi ni Syd.

"Akin ka lang, Syd! Hindi ako papayag na may uamngkin na iba sayo! Kahit yang batang yan pa! Papatayin ko siya!" galit na sabi ko at tumingin kay Jariah.

Niyakap ko naman siya agad, mahigpit ko siyang niyakap para hindi na siya makawala pa sa akin.

Pero muli niya akong inilayo sa kaniya.

"Magpahinga ka na, bukas na tayo mag-usap," sabi niya at kinaraga si Jariah bago muling lumabas ng kwarto.

"Syd! Babe! Sandali!" sabi ko pero isinara niya agad ang pinto.

"ARGH!" sigaw ko at hinagis muli ang lahat ng mahawakan ko.

Hindi! Hindi pwedeng mawala si Syd sa akin! Akin lang si Syd! Akin lang siya!

THE ACQUISITION (COMPLETED)Where stories live. Discover now