MSTA 29

1.8K 72 33
                                    

"I, Erin Xcyl Vidales, take you, Syd Laurent Fournier, to be my wedded husband, to have and to hold from this day forward, for better, for worse, for richer, for poorer, in sickness and in health, to love and to cherish, till death do us part, according to God's holy ordinance; and thereto I pledge thee my faith," naiiyak na sambit ko habang nakatingin kay Syd.

Naguumapaw ang galak sa puso ko. Totoo nga ang lahat ng ito. Akala ko kanina ay nananaginip lang ako. Habang naglalakad ako sa gitna hindi maalis sa puso ko ang konting kaba.

Sobrang saya ko at muli kong nakikita si Syd dito sa harap ng altar. Hindi maalis ang ngiti sa labi ko patina rin ang luha na kanina pa natulo. Sobrang saya lang sa dibdib at hindi pala ako nag-iisa sa buhay.

"Now you may kiss your bride," sabi ni Father.

Bigla akong hinalikan ni Syd sa mga labi ko. Para bang first time lang naming ikasal kahit na naulit na ito noon. Walang bisa pala ang kasal nila ni Nadia noon. Kaya naman pwede ulit kami ikasal.

Tinitigan niya ang mga mata ko. Halos ilang inches lang ang oagitan ng mga mukha namin. Pinunasan niya ang luhang natulo sa pisngi ko.

"Mahal na mahal kita, Erin. Pangako, hinding-hindi na mauulit ang nangyari noon. Iingatan at aalagaan kita, kayo ng magiging anak natin at ni Jariah," sabi niya sa akin habang nakahawak pa rin sa mukha ko.

"Mahal na mahal kita, Syd. Mahal na mahal kita," sabi ko at hinalikan siya sa labi bago ko siya niyakap ng mahigpit.

"Mahal na mahal kita," sabi niya at niyakap rin ako. Kasunod noon ang pagbuhat niya sa akin at hinalikan ako sa labi.

Sinabuyan kami ng petals habang palabas kami ng church.

Sobrang sarap sa pakiramdam na ikinasal ulit ako pero sa iisang lalaki lang. May bonus pang kambal sa sinapupunan ko.

Wala na akong balita kay Nadia. Nasa mental siya. Ang sabi ng Psychiatrist, matagal nang ganon si Nadia. Siya rin ang komonsulta noon sa kaniya kasama niya si Nadine.

Sana lang ay huwag na siyang gumawa ng ikapapahamak niya. Noong huling dalaw ko, nasa isang sulok lang siya habang may hawak na picture ni Syd. Nagwawala raw kasi siya kapag inaagaw ang picture. Kaya naman hindi na nila ito kinuha dahil sabi ng doctor na baka si Syd lang ang makakapagpagaling sa kaniya.

Naawa ako sa kaniya, sa kalagayan niya. Pati na rin sa anak niyang si Jariah. Alam kong masakit para sa kaniya na mawalan ng ina. Pero mas makakabuti iyon sa kaniya para mailayo siya sa pang-aabuso ni Nadia.

Kahit na maraming kasalanan si Nadia, hindi pa rin maiwasan na hindi maawa sa kaniya. Hindi ko inaasahan na masisiraan siya ng utak dahil lang sa pagmamahal niya kay Syd.

"Natahimik ka, hon?" sabi ni Syd na nag-drive sa tabi ko.

Nagbalik ako sa reyalidad ng magsalita siya.

"A-ah, wala to, hon..." sabi ko pa.

Hinawakan niya ang kamay ko kaya napatingin ako sa kaniya.

"Tell me, ano ang bumabagabag sayo?" nag-aalalang sabi niya.

Ngumiti naman ako sa kaniya.

"Don't worry, Im fine, wala to. Masyado lang akong napagod siguro," sabi ko pa at hinawakan rin ang kamay niya.

"Sure?" tanong niya muli sa akin.

"Yes," nakangiting sagot ko bago ako muling tumingin sa bintana.

Muli kong tinignan ang daliri ko. Suot ko ang wedding ring namin ni Syd. Kaya naman nawala ang lahat ng pag-aalangan sa dibdib ko.

Sana lang ay hindi na maulit ang nangyari noon. Sana lang talaga ay maayos na ang pagsasama namin.

Noong una, nag-aalangan ako. Kung kakayanin ko bang makasama ang anak ni Syd kay Nadia. Kahit ganon, hindi maalis sa akin ang masaktan. Lalo na ay si Jariah ang naging bunga ng pagkakamali nilang dalawa.

Pero sa tuwing titignan ko si Jariah, nawawala ang galit sa dibdib ko. Napapalitan ng awa ang dapat na galit sa puso ko. Dahil alam ko ang sinapit niya sa kamay ng sarili niyang ina. Bagay na sobrang ikinalmbot ng puso ko kaya ko madaling natanggap si Jariah.

Hindi siya mahirap mahalin lalo na at napalapit na siya sa akin. Alam ko namang magiging mabuti siyang anak sa akin. Hindi dapat niya nararanasanang mga ganitong bagay. Masyado pa siyang bata para sa ganitong sitwasyon. Masyadong maaga nang mamulat siya sa reyalidad. Bagay na hindi dapat niya naranasan.

Nagbalik na naman ako sa reyalidad ng hawakan ni Syd ang kamay ko.

"Are you really okay?" tanong niya.

Hinawakan ko rin ang kamay niya bago ngumiti sa kaniya.

"Yeah. Im fine, naiisip ko lang mga bagay-bagay. Masyadong maraming nangyari sa atin bago tayo umabot sa ganito.

Nakita kong ngumiti naman siya sa akin.

"Huwag ka masyadong mag-isip. Baka mapano ang baby. Ayokong may mangyaring masama sa inyo," sabi niya at hinawakan ang tummy ko.

"Walang mangyayari sa amin. Mag-iingat ako dahil minsan lang tong blessings sa buhay ko," sagot ko sa kaniya.

"I really love you, Erin. Magsisimula tayong muli. Sisimilan ulit nating bumuo ng pangarap kasama si Jariah at ang mga baby natin," seryosong sabi niya sa sakin.

Ngumiti naman ako sa kaniya.

"Thank you..." Nagulat naman ako ng sambitin niya iyon.

"For what?" nagtatakang tanong ko.

"For accepting my daughter. Alam kong mahirap para sayo na tanggapin ang anak ko. Dahil alam kong si Jariah ang bunga ng kataksilan namin ni Nadia sayo. But I want to say, mabuting bata si Jariah," mahabang sambit niya.

Ngumiti naman ako sa kaniya bago muling nagsalita.

"Don't worry, alam ko yon. At hindi ako nagsisisi na tinanggap ko kayo," sabi ko sa kaniya.

Hinalikan naman niya ako sa mga labi at muling bumalik sa pag-drive

THE ACQUISITION (COMPLETED)Where stories live. Discover now