MSTA 5

2.2K 95 23
                                    

ERIN'S POV

Naglalakad ako dito sa club house ng South Ridge Village. Hindi naman na ako taga-rito pero nandito ako ngayon.

Wala kasi akong magawa sa condo. Isa pa, masyadong tahimik doon. Unlike dito sa village. Na-miss ko lang ang hangin dito sa south ridge. Naglakad-lakad pa ako habang nanonood sa mga batang naglalaro kasama ang ibang yaya nila. Karamihan naman ay ang mga magulang nila.

Busy ako sa panonood ng hindi ko napanasing may nabunggo na pala ako. Agad ko naman siyang tinulungan sa pagtayo.

"Ate ganda?" natutuwang sambit niya habang nakatingin sa akin.

"Jariah," nakangiting sambit ko sa kaniya at umupo para magpantay kami.

"Ate ganda, ikaw nga!"

Nagulat ako ng yakapin niya ako. Kaya naman napayakap na rin ako sa kaniya.

She's so sweet. Kaya nakaramdam ako ng guilt sa dibdib ko. Dahil alam ko sa sarili ko na, maaring masira ang pamilya ni Jariah dahil lang sakin.

"Kamusta ka na, Jariah?" tanong ko sa kaniya.

"Im fine, Ate ganda!" nakangiting sagot niya. Umupo kami sa pinakamalapit na bench at doon kami nagkwentuhan.

"Maagang umalis si Daddy, narinig ko silang nagsisigawan ni Mommy kagabi," malungkot na sabi niya.

Naawa ako bigla sa sinambit niya. Nag-aaway ang magulang niya sa harap niya? Paano nila nagagawa iyon? Dapat sila ang maging magandang modelo sa anak nila.

"Baka may problema lang sila na di nagkaunawaan. Magkakabati rin sila, kaya huwag mo na silang alalahanin pa," nakangiti kong tugon sa kaniya.

"Talaga, Ate ganda?" Ngumiti lang ako bilang sagot sa kaniya.

Masaya kaming nagkwentuhan ni Jariah ng may marinig kaming isang sigaw.

"JARIAH!" Parang isang takot na takot na bata siyang tumayo. Napataas ang kilay ko ng makita ko si Nadia na papalapit sa amin.

"ANONG GINAGAWA MO SA ANAK KO?" galit na tanong niya at agad na hinablot si Jariah.

"Nasasaktan ang bata, Nadia!" apila ko ng hilahin niya si Jariah na para bang hindi ito tao.

"WALA KANG PAKIALAM! SHE'S MY DAUGHTER! AT IKAW NA BATA KA! BAKIT KAUSAP MO TONG BABAENG TO?! ANONG SINABI NIYA SAYO?!" sigaw niya.

"Ganiyan ka ba ka-paranoid ha?" nakataas kilay na tanong ko sa kaniya.

"Ayokong lalapit ka sa babaeng to, Jariah! Naiintindihan mo ba?!" sigaw ni Nadia sa bata.

"Pero Mommy, mabait po si ate Ganda-"

"AT TALAGANG SASAGOT KA PANG BATA KA?! GANIYAN BA ANG TINURO SAYO NG BABAENG TO?!" sabi ni Nadia at agad niyang pinalo si Jariah.

"Nadia! Nasasaktan ang bata-"

"MANAHIMIK KA! WALA KANG PAKIALAM SA GUSTO KONG GAWIN SA ANAK KO!" sigaw niya.

Kinaladkad niya si Jariah papasok ng kotse niya. Isang malalim na paghinga ang nagawa ko habang pinagmamasdan ang kawawang bata.

Kawawa naman si Jariah. Ano bang pumasok sa kokote ni Nadia at sinasaktan niya ng ganon si Jariah?

*****

"Hoy! Yung totoo? Kanina pa ko nagsasalita rito pero nakatulala ka lang diyan!" Nagbalik ako sa reyalidad ng magsalita si Sabbey sa akin.

"Sorry..."

"Ano bang iniisip mo? Don't tell me si Syd na naman ang laman ng utak mo?" tanong niya.

"Nope..."

"Eh kung hindi siya sino aber?" tanong niya ulit.

THE ACQUISITION (COMPLETED)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora