MSTA 23

1.6K 73 25
                                    

ERIN'S POV

Nakataas ang kilay ni Sab at Dash na nakatingin sa akin. Andito ako sa condo ko, kakadalaw lang nila.

"So tell me, anong nangyari kagabi?" seryosong sambit ni Dash sa akin.

Hindi ako kumibo dahil alam kong pagtutulungan nila akong dalawa.

"Seriously, Erin? Don't tell me, pumayag ka sa gusto ni Syd? My ghadd!" hindi makapaniwalang sambit ni sa Sab habang nagpapaypay ng kamay niya.

"So totoo nga? Pumayag ka sa gust niya? Akala ko ba titigil ka na? Hindi ba sabi mo titigilanmo na si Syd at Jariah? For good?" mataray na tanong ulit ni Dash sa akin.

"I give him a chance to prove it," sagot ko sa kanila.

"Kahit na! Dapat tumigil ka na! Di ba nag-usap na tayo? Tapos na ang palabas, Erin. Itigil mo na to," sabi ni Dash na halatang naiinis na.

"Ano bang pinagsasasabi mo, Dash? Seryoso ako at alam ko ang ginagawa ko," sambit ko. Ano ba ang tinutukoy nila?

"So na-attached ka na naman sa ex mo? Erin naman! Ang usapan natin gaganti ka lang sa kanila! Na kahit labag sa kalooban kong gamitin mo si Jariah, pumayag ako. Dahil nasaktan ka!" sabi niya na sobrang ikinagulat ko. Nakakagulat lang at ganito ang reaction niya.

Oo nga pala, naalala ko yung una kong plano na kailangan mapalapit sa akin si Jariah para makuha si Syd.

"Is that true, Tita Erin?"

Nanlaki ang mata ko ng marinig ko ang boses ni Jariah sa likod ko. Agad akong lumingon at nakita ko doon si Syd kasama si Jariah.

Seryosong nakatigin si Syd sa akin. Agad akong lumapit sa kanila. Kinakabahan ako habang nakatingin sa kanila.

"Is taht true?" seryosong tanong ni Syd sa akin.

"Syd, magpapaliwanag ako-"

"So totoo nga?" sabi ni Syd at tumango-tango pa.

Hindi ako nagsalita at tinitigan ko lang siya. Hindi ko alam ang sasabihin ko.

"Akala ko, you are my new mom. But you like my mom too, I hate you!" sigaw ni Jariah at lumabas ng bahay.

"Jariah!" sabi ko pero agad akong pinigilan ni Syd.

"Ako na ang bahala sa anak ko, Erin..." sabi niya at tinitigan ako sa mata.

Agad ko naman siyang hinawakan sa kamay pero tinitigan niya ang kamay ko na para bang nandidiri siya.

"Syd, please... Im so sorry, hayaan mo akong mag-explain," sabi ko sa kaniya pero tinitigan lang niya ako at lumabas na ng bahay para habulin si Jariah.

Napaiyak ako ng makita kong itapon niya ang bulaklak na dala niya sa basurahan. Agad silang pumasok ni Jariah sa kotse at umalis.

Huminga ako ng malalim bago lumakad papasok.

"Sorry, hindi ko alam na andito sila-"

"It's fine... Excuse me," sabi ko at umakyat na sa taas.

Bakit ba nasaktan ako ng gawin iyon ni Syd? Bakit ba hindi niya ako kayang pakinggan muna? Bakit lagi nalang niya akong binibigo? Kung kailan kaya ko na siyang tanggapin ulit ganito pa ang mangyayari.

Pero inisip ko si Jariah. Nasaktan siya sa nalaman niya. Kaya naman bigla akong na-guilty. Mali talaga ang ginawa ko. Pero hindi naman iyon ang intensyon ko ng makilala ko si Jariah. Labas siya sa galit ko kay Nadia at Syd. Kaya naman sobra akong nagi-guilty.

Kailangan kong bumawi sa kaniya. Kailangan kong ibalik ang tiwala niya sa akin. Kung kailangan ay lumuhod ako sa harap niya gagawin ko.
*****
Ilang oras ang aras ang magdesisyon akong pumunta sa south ridge. Kailangan kong suyuin si Jariah. Hindi ako titigil hangga't hindi ko siya nakakausap at di niya ako napapatawad.

Sa labas pa lang nakita ko na si Jariah na hinahabol ang bola na gumulong sa labas ng bahay nila. Sa di kalayuan nakita ko ang yaya niya na hinahabol naman siya.

For sure naglalaro sila. Kaya naman dahan-dahan akong lumapit sa kaniya. Gumulong sa akin papalapit ang bola kaya agad ko iyong pinulot.

Natigil naman siya at napatingin sa akin. Nakita ko na nagulat siya ng makita ako. Agad akong lumapit sa kaniya.

"Thank you," sabi niya matapos kong abutin ang bola. Akmang aalis na siya nang hawakan ko siya sa braso.

"Jariah, baby... Im so sorry, let me explain, please?" sabi ko sa kaniya.

"Im not your baby, dont call me like that," sabi niya bago muling lumakad palayo.

"Jariah, wait! Please baby, hayaan mo akong magpaliwanag sayo," sabi ko sa kaniya.

"Please po, umalis ka na po," sabi niya pa pero hawak ko pa rin ang braso niya.

"She said, umalis ka na. Hindi ka ba makaintindi, Erin?" sabi ni Nadia na kalalabas lang ng bahay nila.

"Tigilan mo ang anak at asawa ko, Erin. Hinding-hindi na sila magpapaloko pa sayo," sabi ni Nadia na habang seryosong nakatingin sa akin.

"Jariah, wait. Magpapaliwanag ako-"

"Sabing umalis ka na!" sabi ni Nadia at hinila ako palayo kay Jariah.

"Pwede ba, Nadia? Manahimik ka! Hindi ikaw ang pinunta ko rito. Wala akong pake sayo," sabi ko sa kaniya at pilit na hinahabol si Jariah.

"Wala palang pakialam ha?" sabi niya at agad na hinila ang buhok ko.

Sa sobrang inis ko, sinabunutan ko rin siya.Nagsabunutan kami sa kalsada ng south ridge. Hindi ako pwede magpatalo sa babaeng to. Si Jariah ang kailangan ko hindi siya!

Agad naman kaming inawat ng mga guard.

"Ilayo niyo ang babaeng to sa pamamahay namin!" sabi ni Nadia habang inaayos ang buhok.

"Bahay mo? That's my house. At kahit na anong gawin mo. Ako ang nagmamay-ari ng lupang to! kaya tigilan mo ko, Nadia," sabi ko sa kaniya. Walang nagawa ang guard dahil alam kong alam niya na sa akin pa rin nakapangalan ang bahay na ito.

"Kaya kitang palayasin kung gugustihin ko," galit na sabi ko sa kaniya.

"Anong nangyayari rito?" tanong ni Syd na kararating lang.

"Babe! Sinaktan ako ni Erin!" sabi ni Nadia at yumakap pa kay Syd.
Napa-rolled eyes na lang ako sa sinabi niya. Bago ako pumasok ng kotse.

"Erin, wait!" sabi ni Syd pero hindi ko na siya pinansin pa at nag-drive na ako pauwi.

Next time ko na lang kakausapin si Jariah kapag wala na yung epal niyang ina.

THE ACQUISITION (COMPLETED)Where stories live. Discover now