MSTA 28

1.7K 69 4
                                    

SABBEY POV

"Cut!" sigaw ng isang lalaki.

"Good job, Sabbey!" nakangitinf sambit ni Madame Lita. Ang owner ng clothig brand na ito.

Nakabusangot na nakatingin si Dash sa akin bago ako pumumta sa kaniya.

"Anong binu-busangot mo diyan?" sabi ko sa kaniya at umupo. Kanina ko pa gustong umupo. Nakakapagod rin pala mag-model. Hindi ko expectef na ganito ang effort na gagawin mo.

"Wala, trip ko lang," sabi niya at sinenyasan ang isang makeup artist na ayusan ako.

Kahit naman papano may pinagsamahan kami ni Dash. Kaya mas pinili ko pa rin ang offer niya sa akin kaysa doon sa poging manager.

"Miss Co, may naghahanap po sa inyo," sabi ng isang staff na kararating lang. Agad akong napatingin sa kaniya. Napataas ang kilay ko sa sinabi niya.

Nagkatinginan pa kami ni Dash. Imposibleng si Erin ang dumalaw sa akin. Masyado siyang busy sa life niya. Isa pa hindi yon pupunta rito. Kaya sino naman ang dadalaw sa akin?

Agad akong lumabas para tignan kung sino iyon. Kapwa kami nagulat ni Dash ng makita kung sino ang nasa gate.

"Eron?" takang tanong ko. Naka-formal siya na suot at may dalang flowers.

Pumasok siya at lumapit sa akin. Kaya naman nagtataka akong tumingin sa kaniya. Especially sa dala niya.

"What's that?" tanong ko sa kaniya.

"Flowers," pilosopong sagot naman niya.

"Alam kong bulaklak yan, Eron. Wag mo ko pinipilosopo. Anong ginagawa mo rito at may dala kang bulaklak? Wala namang patay!" sabi ko sa kaniya at nag-cross arm sa harap niya.

Nakita ko naman na nagkatinginan pa sila ni Dash.

"Para sayo ito malamang!' sabi niya pa.

"Bakit mo ko binibigyan ng bulaklak? Hindi pa ako patay. Hindi ko rin birthday para magbigay ka ng ganiyan. Birthday ni Dr. Jose Rizal ngayon, siya ang bigyan mo hindi ako," mataray na sabi ko.

Nakita kog napahilamos naman siya sa mukha niya.

"Ayaw mo ba? Itatapon ko na lang to," sabi niya at akmang aalis. Agad ko siyang pinigilan.

"Sandali!" sigaw ko at agad na kinuha ang flowers sa kaniya.

"Sayang, alam kong sa shop ko ito," sabi ko at inamoy pa.

"Ako, Eron. Wag mo kami pinagt-tripan. Alam ba yan ng ate mo?" sabi ni Dash habanag nakataas ang kilay.

"Bakit kailangan niya pang malaman yan?" tanong naman ni Eron sa kaniya.

"Of course! Dapat alam niya na nililigawan mo ang bestfriend niya," sabi ni Dash kaya naman natigilan ako. Napatingin ako sa kaniya.

"Nanliligaw?" nagtatakang tanong ko.

"Gaga? Hindi ba obvious? Si Eron magbibigay sayo ng bulaklak dajil sa wala lang?" tanong niya kaya naman napatingin ako kay Eron.

"Nanliligaw ka sa akin?" tanong ko sa kaniya. Napakamot naman siya sa ulo.

"I told you, nanliligaw siya sayo. Choosy ka pa ba? Dugong Vidales yan?" taas noong sabi ni Dash sa akin.

Agad ko naman siyang tinarayan.

"Anong palabas yan at nililigawan mo ko? Pingt-tripan mo ba ko? Huwag mo nang ituloy, mabibigo ko lang," sabi ko at inihagis kay Eron ang bulaklak bago ako pumasok sa loob.

"Ganda ka, Te? May pa-walk out ka pang nalalaman!" rinig kong sabi ni Dash pero hindi ko siya pinansin at nagpatuloy lang sa paglalakad papasok.

Sa totoo lang ayoko naman talagang ligawan ni Eron, hindi dahil sa hindi ko gusto. Ayoko lang masira ang relation namin as a friend.

"Hoy! Anong drama yan?" bungad sa akin ni Dash habang papalapit sa akin.

"Hindi ako nagda-drama, noh!" sabi ko sa kaniya.

"So bakit kanag-walk out? Ayaw mo ba sa pinsan ko? Gwapo naman siya," sabi niya at umupo sa harap ko.

Hindi ako kumibo. Dahil tama siya. Gwapo nga si Eron. Nasa dugo na nga ata nila iyon.

"Tell me, bakit ayaw mo?" tanong niya ulit.

Kaya naman inamin ko na sa kaniya. Alam kong hindi siya titigil hangga't hindi niya nalalaman ang dahilan. Kukulitin niya ako ng kukulitin hanggang sa malaman niya.

Kaya naman sinabi ko na habang maaga pa.

"Seriously? Ayaw mo ba non? Magiging mas malapit kayo ni Eron? Isa pa magiging sister in law mo si Erin," sabi ni Dash.

"Agad-agad? Ano kasal agad. Di na magbe-break?" tanong ko sa kaniya.

"So bakit nga?" tanong na naman niya. Paulit-ulit. Ang sarap niyang hampasin.

"Natatakot ako na masaktan. Hindi pa ako handa sa ganito," sabi ko sa kaniya

"At kailan ka magiging handa? Kapag umabot ka na ng kwarenta?" pilosopong sabi niya.

"The hell, Sabbey Co! Ang tanda mo na! Hindi ka na bata para sa ganito. Kapag nagmahal ka asahan mong masasaktan ka. That's life! Hindi ka nagmamahal kung hindi ka nasasaktan, ganon yon!" sabi niya pa na akala mo stress sa buhay.

Wala akong nasabi. She's right. Matanda na ako. Hindi na ako bata para matakot sa love. Pero ayoko lang matulad kay Erin ang nangyari sa akin. Hindi naman siguro mauulit iyon sa akin?

Hindi rin naman siguro masama kung bibigyan ko ng chance si Eron para maipakita niyang totoo ang sinasabi niya.

Ayoko lang talaga masaktan. Isa pa hindi ko expected na liligawan niya ako. Na seryoso siya sinasabi niya na nanliligaw nga siya. Malay ko bang pinagt-tripan lang ako ng lalaking yon.

Sabagay, si Dash at Erin ang makakalaban niya kung sakaling pinaglololoko niya lang ako. Ipapa-hunting ko talaga siya kung ginagago niya ako.

"Hayst ano pa nga ba?" sabi ko at lumakad na ulit palabas.

Nakita ko namang nasa initan siya habang naghihintay sa labas. Napataas ang kilay ko.

"Talagang pinaghintay mo ko sa initan?" sabi niya pa sa akin na mas lalong nagpataas ng kilay ko

"Bakit sinabi ko bang magpainit ka diyan? Wala pang summer para magbilad ka," mataray na sabi ko sa kaniya at muling kinuha ang flowers na nasa sahig. Aba! Sayang!

Agad niya akong pinigilan na ipinagtaka ko.

"Bibilhan na lamg kita ulit," sabi niya pa at kinuha ang flower.

Mabilis ko namang kinuha iyon sa kamay niya.

"Wag ka magsayang ng pera!" sabi ko sa kaniya at pumasok kami sa loob dahil mainit. Ayoko masunog ang balat ko. Duh!

THE ACQUISITION (COMPLETED)Where stories live. Discover now