Kabanata 24

663 23 0
                                    

Nang dumating ang Lunes ay maaga akong pumasok sa eskwelahan. Nag-text agad ako kay Forrest na nasa eskwelahan na ako. Binasa ko rin ang text ni Cindy.

Cindy:

Paalis na ako ng bahay. See yah!

Nag-reply naman agad ako kay Cindy.

Ako:

Ingat!

Ibinalik ko ang cellphone ko sa loob ng bulsa ng bag ko. Nakaupo ako ngayon sa isang bench at nasa harapan ko ang malawak na field ng eskwelahan. Alas sais pa lang naman ng umaga kaya naman kakaunti pa lang ang mga estudyante. Tinanaw ko ang gate habang iniisip kung papasok ba si Thunder ngayong araw. Simula noong nag-away kami, hindi na rin ako nakatanggap ng mensahe mula sa kaniya. Inisip ko rin kagabi na baka kaya ganoon lang siya noong nakaraan ay dahil kaibigan niya ako at baka iniisip niya na maaari lang akong masaktan kay Forrest. 

Hindi ko naman alam kung galit pa ba siya sa akin kaya hindi pa rin nagpaparamdam hanggang ngayon. Unang beses kasi iyon na nag-away kami kaya hindi ko rin alam kung gaano katagal maglaho ang galit ni Thunder. Itatanong ko na lang siguro kay Rain pero wala naman akong number ni Rain. Nahihiya kasi akong itanong kay Rain sa harap ng mga pinsan ni Forrest. 

Ilang minuto pa ang lumipas nang matanaw ko si Cindy. Hindi na ako nagulat nang makita si Carlos na nakasunod sa kaniya. Malaki ang ngiti niya nang makalapit sa akin at umupo sa tabi ko.

"Good morning!" Masayang bati sa akin ni Cindy.

Tiningnan ko ang zipper ng kaniyang bag at wala roon ang susi ng kaniyang kotse. Sinundo siguro siya ni Carlos dahil hindi naman kasama ni Carlos ang mga pinsan niya. Tiningnan ko si Carlos. Ngumiti ako sa kaniya at ganoon din ang ginawa niya. Tumango pa siya sa akin.

"Hi Carlos!" Bati ng mga babaeng dumaan.

Tiningnan lang sila ni Carlos pagkatapos ay tiningnan si Cindy na nakabusangot ang mukha sa mga babaeng nasanay na yata sa pagiging isnabero ni Carlos. 

Kahit nakalagpas na ang mga babae ay nanatili ang masamang tingin ni Cindy.

"Cindy..." Tawag ko sa kaniya kaya naman nilingon niya ako.

Inayos niya ang bangs niya.

"Nakakainis talaga ang mga babaeng 'yon..." Naiirita niyang sinabi pagkatapos ay masamang tiningnan si Carlos na wala namang ginawa.

Natawa naman ako at napailing. Lumapit sa kaniya si Carlos at umupo sa kaniyang tabi. Umusog naman si Cindy sa gitna para bigyan ng espasyo si Carlos kaya naman bahagya rin akong umusog. Nilagay ko ang bag ko sa aking kandungan. Kinuha ko na lang ang cellphone ko sa aking bag at mabuti na lang dahil may reply na si Forrest.

Saglit akong napatingin kay Carlos nang bumulong ito kay Cindy. Napangisi ako nang makitang nagbago ang ekspresyon ng mukha ni Cindy. Binasa ko na lang ang reply ni Forrest kaysa makinig sa pinag-uusapan ng dalawa. 

Forrest:

Mag-iingat ka riyan. Nasa school na rin ako.

Nasa kalagitnaan pa lang ako ng pag-reply ay tumawag na siya. Mabilis kong sinagot iyon. Ang dalawang katabi ko ay nagbubulungan lang sa isa't-isa. Hindi ko na lang sila tiningnan at tumingin na lang sa malawak na field.

"Nasa room ka na?" Tanong niya.

Pinakinggan ko muna ang paligid niya. Tahimik na naman.

"Nasa bench pa kami. Maaga pa naman kasi. Nasaan ka?" 

"Nasa loob pa ng sasakyan."

"Hindi mo kasabay ang kapatid mo?" Tanong ko naman.

Naririnig ko ang paghinga niya. Napangiti ako. Namimiss ko na siya agad at masaya ako dahil pupunta ulit siya sa mansion mamaya pagkatapos ng klase namin pareho. Kagustuhan niya iyon kaya naman pumayag na ako. Doon na lang ulit kami sa terasa para mas mahangin. 

Immortality in the Woods (Completed)Where stories live. Discover now