Kabanata 31

433 12 0
                                    

Lutang na lutang ang isip ko nang bumalik sa eskwelahan. Pinilit ko lang ang sarili ko para maturuan nang maayos ang mga bata. Hindi pa rin kasi natatapos ang kabang nararamdaman ko dahil sa nangyari kanina. At nang matapos ang klase ay inayos ko agad ang mga upuan.

"Bye, Ma'am Chandria!" Nakangiting paalam sa akin ni Rose.

"Bye..." Tanging nasabi ko at saktong pumasok si Cindy sa room.

Pinagmasdan niya si Rose at napangiwi nang tumingin sa akin. Lumapit siya sa akin at tinulungan ako sa pag-aayos ng mga upuan.

"Siya ba 'yong tinutukoy mo?" 

Tumango lang ako kay Cindy.

"Oo nga! Kawawa. Gusot-gusot ang uniporme." Komento ni Cindy.

Hindi ko siya pinansin at napatulala habang nag-aayos. Huminga ako nang malalim at kinuha na ang bag at mga gamit ko. 

"Uwi na tayo." Sambit ko.

Tumango si Cindy. Isinarado ko na ang pinto at naglakad na kami patungong sasakyan. Nararamdaman ko ang pag vibrate ng cellphone ko at sinasadya kong huwag pansinin iyon. Sigurado akong si Forrest iyon. 

"Oh si Forrest oh!" Tinuro ni Cindy ang lugar kung nasaan si Forrest.

Nakaparada ang sasakyan niya sa tabi ng sasakyan namin. Nang makalapit ay kinuha niya agad ang mga gamit ko at ang bag ko. Siya na rin ang kumuha ng susi ng sasakyan at inilagay niya sa back seat ang mga gamit ko. 

Hindi ko siya tinitingnan at halos manginig ako nang mabilis niya akong hinalikan sa labi. Hindi iyon nakita ni Cindy kaya wala siyang reaksyon.

"Okay ka lang?" Tanong niya.

Tumango lang ako nang hindi siya tinitingnan. Madalas siyang tumingin sa akin kaya naman pilit kong huwag siyang tingnan. Tumatakbo pa rin sa isip ko ang sinabi ni Lazaro kanina.

"Umuwi na tayo." Malamig kong sinabi.

Nagpaalam na ako kay Cindy bago pumasok sa front seat. Saka ko lang siya tiningnan nang makasakay ako. Nakadirekta sa'kin ang seryoso at madilim niyang mata kaya naman mabilis akong nag-iwas ng tingin. Nakasunod ang kaniyang sasakyan hanggang sa makarating kami sa mansion. 

Pumikit ako nang mariin nang maalala ang nangyari. Hindi ako pwedeng magkamali. Nakita ko iyon! 

"Chandria..." Malamig na tawag ni Forrest.

Binaba niya ang mga gamit ko sa lamesa. Nasa terasa na kami ngayon. Nilingon ko siya pero hindi ko siya tiningnan sa mga mata. Pakiramdam ko, lahat ng sasabihin at gagawin niya ay nakakapang duda. 

"Anong nangyari?" Lumapit siya sa akin at hinawakan niya ang magkabila kong pisngi.

Hindi ko siya tiningnan kahit na nararamdaman kong gusto niyang tingnan ko siya.

"Chandria..." 

Nanginig ako nang marinig ang malamig at malambing niyang boses. Mahal ko siya kahit na sa totoo lang, hindi ko pa siya lubusang kilala. 

"Pwede bang... sabihin m-mo sa'kin... 'yong totoong i-ikaw?" Nanginginig ang labi ko nang sambitin iyon.

Hindi siya nakapagsalita kaya naman tiningnan ko siya. Kitang-kita ko ang takot sa kaniyang mukha. Palipat-lipat ang tingin niya na para bang may binabasa kaya naman mabilis akong nag-iwas ng tingin. Lumayo rin ako sa kaniya. Ngayon... punong-puno na ng takot ang kaniyang mukha.

"Bakit?" Tanong niya.

Napalunok ako.

"Gusto ko..." Matigas kong sinabi. "Kaya sabihin mo..." Nanginig na ang boses ko dahil pakiramdam ko, tama ako sa naiisip ko.

Immortality in the Woods (Completed)Where stories live. Discover now