Kabanata 1

1.5K 37 2
                                    

Alas kwatro pa lang ng umaga ay gising na kami ni Ate. Nandito kami ngayon sa sala at umiinom pa ng kape. Tiningnan ko ang kapatid ko na nagsusuot ng itim na rubber shoes. Nakasuot siya ng white sport bra at itim na leggings. Linggo ngayon kaya naman magjo-jogging kami.

Kinuha ko ang tasa at uminom doon. 

"Pupuntahan ko lang si Grandma para magpaalam tapos aalis na tayo. Are you ready?" Tanong niya at tumayo na. 

Bumaba ang tingin niya sa suot ko. I'm wearing a black sport bra and black short. 

Tumango ako. "Ikaw na lang ang hinihintay ko." Sabi ko at uminom ulit ng kape.

"Okay." Sabi niya at pumunta na sa kwarto ni Grandma para makapag paalam.

Mahigit isang buwan na ako rito at ganito ang palagi naming ginagawa ng kapatid ko t'wing Linggo. Maaga kaming gumigising para makapag jogging dito sa Tumana. Excited ako t'wing linggo dahil maiikot ulit namin ng kapatid ko ang Tumana. I'm a morning person, that's why it's not very hard for me to wake up early. Gusto ko nga iyon para nakikita ko ang mga malalaki at matataas na puno. Presko pa ang malalanghap na hangin kaya naman mas lalong nakakagana.

Ilang sandali pa ay lumabas na kami ng mansion. Madilim pa ang kalangitan at kaunting liwanag pa lang pero sapat na para makita ang kalsada at paligid. Si Mang Repil ay nasa garahe at may kung anong inaayos. Nang makita kami ay tumigil siya at ngumiti. Bago pa siya makalapit sa gate ay pinigilan ko na.

"Ituloy niyo na lang po 'yang ginagawa mo at kami na po ang magbubukas ng gate." 

Tumango si Ate sa sinabi ko at bahagya pang natawa. "Oo nga po Mang Repil. We can do it naman po." 

Nagkamot sa ulo ang matanda at napailing na lang sa'min ng kapatid ko. 

"Osige... Kayo talaga. Magiingat na lang kayo." 

Tumango kami ng kapatid ko at lumapit na sa gate. Binuksan namin ang malaking gate na halatang luma na pero matibay pa rin hanggang ngayon. Nang makalabas ay nagsimula na kaming tumakbo ni Ate patungong dulo ng Tumana at hindi palabas ng Tumana. At gaya ng dati, pareho na kaming may suot na earphone sa tainga para makinig ng music. Mas nag-eenjoy siyang tumakbo habang nakikinig ng music. Ganoon din naman ako, mas enjoy nga lang dahil dumagdag pa ang ganda ng kapaligiran. 

Habang tumatakbo ay pumasok sa aking isipan ang magiging eskwelahan ko. Enrolled naman na ako at wala nang dapat isipin. Ilang linggo pa naman bago magpasukan pero hindi maalis sa isip ko na mga bagong tao na talaga ang makakasalamuha ko. Inaamin kong naging mahirap 'to para sa'kin dahil may mga kaibigan din ako sa syudad na maiiwan. Malungkot sila sa naging desisyon ko pero alam naman nila ang sitwasyon kaya naman hindi sila nahirapan tanggapin.

At ngayong nandito na ako at ang maisip na ibang mga tao na talaga ang maaari kong makasama ay bigla kong namimiss ang mga tunay kong kaibigan sa syudad. Hindi naman ako naghahangad ng mga bagong kaibigan dito, hindi ko lang talaga mapigilang hindi ma-miss ang mga kaibigan ko na palagi kong kasama.

"Chandy are you okay?" 

Natigil ang pag-iisip ko at napatingin sa kapatid ko. Tinanggal niya ang isang earphone na nakasuksok sa kanang tainga niya. Napatingin ako sa paligid at napagtantong nakalayo na kami sa mansion dahil nakikita ko na ang malalawak na lupain at mga tanim na gulay. Maliwanag na rin ang kalangitan at unti-unti nang nagpapakita ang araw. 

Binalik ko ulit ang tingin sa kapatid ko. "Yeah! Don't worry, I'm okay. Iniisip ko lang ang nalalapit na pasukan." Pag-amin ko. 

Bahagya siyang tumango at ibinalik ulit ang isang earphone sa kaniyang tainga. Akala ko ay hindi na siya magsasalita at magpapatuloy na ulit. 

Immortality in the Woods (Completed)Where stories live. Discover now