Kabanata 60

666 18 0
                                    

Pagkatapos ng ilang araw, umalis na ang pinuno kasama ang mga tauhan niya. Nanatili pa kami ng isang araw sa bahay upang makasiguro. At nang maayos na ang lahat, masaya akong bumalik kay Chandria ngunit pansamantalang saya lang ang naramdaman ko nang makita ko ang kalagayan niya. 

Nanlalaki ang mga mata ko habang nakatitig sa kaniya. Napalunok ako nang makita ang malaki niyang tiyan. Imposible! Hindi ko akalaing, mabubuntis ko siya. Ang mga braso niya ay ibang-iba sa braso niya noong nakaraan. Sobrang payat na ng katawan ni Chandria at tila hirap na hirap siya base sa kaniyang mukha. 

Nakapikit siya at malalim ang tulog. Napapikit ako at naisip kung gaano kadelikado ang sitwasyon niya ngayon.

"Mabilis mabuo ang bata kaya ganiyan na kalaki ang tiyan niya." Sabi ni Thunder na nakatayo sa gilid ng kama.

"Iniwan mo siyang buntis?" Galit na sigaw ni Cindy sa akin.

Mabilis naman siyang hinawakan ni Carlos. Hindi ako nagsalita at nakatitig lang kay Chandria. Noong umalis ako, hindi ko alam na may nabuo na at hindi ko alam na ganito ang mangyayari sa kaniya. Isa pa, hindi ko akalain na makakabuo kami kahit isang beses pa lang namin iyon ginawa. Hindi ito nabanggit sa akin ni ama.

"Hindi niya alam na buntis si Chandria nang umalis siya..." Nilingon ni Thunder si Cindy.

Suminghap naman si Cindy. Ang mga pinsan ko ay nakatingin lang kay Chandria. Tila hindi rin sila makapaniwala sa nakikita.

"Delikado ang sitwasyon niya." Seryosong sinabi ni Dalton.

Muli akong napapikit at natataranta na ako sa aking kaloob-looban. Hindi ko alam ang gagawin ko. Hindi ko alam kung kanino ako manghihingi ng tulong. Hindi ko nga alam kung may mga nakatatandang kalahi namin ang may alam sa ganitong sitwasyon. At kung manghihingi nga ako ng tulong sa kanila, hindi ako sigurado kung mananahimik sila kapag nalaman nila ito.

Tumayo ako at nilingon si Arisse na bakas na bakas ang kalungkutan sa kaniyang mukha.

"Tawagan mo ang mga magulang natin. Baka may alam s-sila..." Habang sinasabi iyon ay nag-init ang gilid ng mga mata ko dahil sa luha.

Tiningnan ako ni Arisse. 

"Gawin mo ang sinabi ko." Matigas kong sinabi nang hindi siya gumalaw.

Tatalikod na sana si Arisse ngunit nagsalita ang kaniyang kapatid.

"Huwag mong sundin ang utos niya." Sabi ni Carlos sa kaniyang kapatid.

Umigting naman ang panga ko dahil alam ko ang dahilan. Huminga nang malalim si Carlos bago ako tingnan.

"Mapapahamak ang mga magulang natin at alam mong may nagbabantay rin sa kanila. Kapag sinabi natin ito sa kanila, siguradong pupunta agad sila rito at posibleng makarating sa pinuno ito." 

Nag-iwas ako ng tingin sa kaniya at marahas na pinunasan ang luha sa aking mga mata. Hindi ako nagsalita at muling nag-isip ng ibang paraan. Sa huli, tiningnan ko si Chandria. Muling nangilid ang luha sa aking mga mata. Ito lang yata ang hindi ko kayang bigyan nang maayos na solusyon. 

"Nasaan si Francisca?" Tanong ko nang maalala siya

Napatingin naman ako kay Rain nang siya ang sumagot sa tanong ko.

"Umalis siya para magtanong sa nakatatandang kalahi ninyo. Sigurado raw siya na may mga alam sila." Sabi niya at tiningnan ako.

Tumango naman ako kay Rain at muling lumuhod para maglapit ang mga mukha namin ni Chandria. Gusto kong ako ang una niyang makita kapag siya'y nagising na.

"Maghahanda lang ako ng pagkain niya. Siguradong gutom siya pagkagising." Sabi ni Thunder at lumabas na ng kwarto.

Hindi ako umalis sa tabi ni Chandria at ganoon din ang mga pinsan ko. Kahit malaki ang pinagbago ng itsura ni Chandria, hindi pa rin nakakasawang titigan ang maganda at perpekto niyang mukha. Mahal na mahal ko siya at gagawin ko ang lahat. Hindi ko alam kung bakit naging ganito ang kalagayan niya pero isa lang ang sigurado ako. Masama sa kaniya ang pagbubuntis at sigurado akong ilalagay siya nito sa kapahamakan kaya naman kailangan ko nang mag-isip ng paraan. Maraming paraan.

Immortality in the Woods (Completed)Where stories live. Discover now