Kabanata 51

522 16 1
                                    

Ibinaba ko ang cellphone nang matapos ang usapan namin ni Ate Celine. Inilagay ko ang cellphone sa side table at kunot-noo ko siyang nilingon. Yakap-yakap ko pa rin ang kumot para matakpan ang dibdib ko. 

Mabilis na pinulot ni Forrest ang crop top at bra ko. Muling nag-init ang pisngi ko. 

"Magluluto lang ako..." Marahan niyang sinabi habang inaabot ang damit at bra ko.

Marahas ko iyong kinuha. Narinig ko naman ang tawa niya kaya matalim ko siyang tiningnan. Itinukod niya ang magkabila niyang kamay sa kama at yumuko. 

"Bakit?" Tanong niya pagkatapos ay ngumisi. 

Inirapan ko siya. Nagtatanong pa siya talaga! Akala mo naman hindi niya alam ang dahilan. 

"Bitin ka ba?" 

Nagulat at nahiya ako sa kaniyang sinabi. 

"Anong bitin? Baka ikaw!" 

Hinampas ko ang isa niyang braso pero parang wala lang sa kaniya iyon. Kitang-kita ko ang mga ugat niya mula sa braso hanggang sa kamay niya. Napalunok ako at nag-iwas na lang ng tingin sa kaniya. Tumawa siya lalo habang masayang tinitingnan ako. Muli ko siyang tiningnan at inirapan. 

"Magluto ka na nga!" Iritado kong sinabi sa kaniya. 

Bukod sa naiinis ako sa kaniya dahil inaasar niya ako, nakakaramdam na rin ako ng hiya. Syempre, siguro dahil tama naman siya. Nabitin talaga ako sa ginagawa namin kanina. Nakakahiya tuloy.

"Okay..." Natatawa niya sinabi. 

Ngumuso ako. Hinawi ko ang buhok ko at lumayo sa kaniya. Maliligo na lang siguro ako para naman matanggal nang tuluyan ang init na kanina ko pa lang naramdaman. Muli kong inayos ang kumot at nagulat ako nang biglang hatakin ni Forrest ang binti ko. Napahawak ako sa kaniyang braso at napatili.

"Ano ba!" Saway ko sa kaniya. 

Inayos ko ang kumot at napatingin sa aking kandungan. Nakasuot ako ng short kaya naman parang wala talaga akong suot na kahit anong saplot. Ibinaba ko ang kumot para matakpan ang binti ko. Natigil lang ako nang nagkatinginan kami ni Forrest. Halos umurong ako nang makita ang kaniyang mga mata na punong-puno ng pagnanasa. 

Nag-iwas ako ng tingin nang hindi ko na nakayanan ang titig niya. Aatras na sana ako nang dumiin ang kamay niya sa aking hita. 

"M-Magluto k-ka na..." Nauutal kong sinabi sa mahinang boses. 

Naalala ko tuloy ang ginawa niyang paghalik sa aking dibdib at mabilis kong naramdaman ang init sa aking pisngi. Hiyang-hiya ako kaya naman hindi na ako makatingin sa kaniya.

"I love you!" Bulong niya.

Mabilis na kumabog ang aking dibdib. 

"I love you, too..." Kinakabahan kong sinabi.

Unti-unti niyang inilapit ang kaniyang mukha sa akin. Naramdaman ko ang labi niya kaya naman mariin akong napapikit at sinuklian ang mga halik niya. Gustong-gusto ko talaga ang mga halik niya. Iba't-ibang emosyon ang nararamdaman ko sa tuwing hinahalikan niya ako. Tumigil siya sa paghalik kaya naman napadilat ako. Nagkatinginan kami. 

"Nabitin din ako pero magpipigil ako, Chandria. Gusto kong gawin iyon kapag kasal na tayo." Ngumiti siya sa akin. 

Kinagat ko ang labi ko at tumango. Yumuko ako at halos mangisay sa nararamdaman. Paano ba magpigil? Nakakahiya naman sa parte ko dahil hindi ko man lang naisip iyon. Alam ko namang siya lang ang mamahalin ko pero sa aming dalawa, ako pa talaga ang gustong-gustong gawin iyon samantalang siya ay magpipigil. Nakakahiya ka, Chandria.

Immortality in the Woods (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon