Kabanata 10

854 29 0
                                    

"Chandria!" Tawag ulit ni Thunder pero hindi ko siya nililingon.

"Oh, nandito na 'yong mahal mo..." Nakangising sinabi ni Cindy pagkatapos tumingin sa likuran.

Kapapasok lang namin ngayon at patungo na kami ngayon sa unang klase. Inirapan ko lang si Cindy at hindi na lang pinansin ang sinabi niya. Marami na agad estudyante kahit maaga pa naman. 

"Chandria! Huy!" Alam kong papalapit na siya pero hindi pa rin ako lumilingon.

Bahala siya. Nagpatuloy kami sa paglalakad ni Cindy hanggang sa naramdaman ko ang hawak niya sa braso ko at hinarap na ako. Mabilis kong nakita ang mukha ni Thunder na nakasimangot pero halatang mang-iinis na naman.

"Ano?" Maarte kong tanong sa kaniya.

"Ito naman si Chandria! Parang hindi mo ako namiss, ah!" Nakangisi na siya ngayon.

Inirapan ko na lang siya.

"Huwag ka kasing aabsent at nang hindi ka tinatarayan ng mahal mo." Sabi ni Cindy kay Thunder.

Pareho silang natawa kaya naman napailing ako. 

"Cindy!" Napatingin kami sa babaeng nakaupo sa isang bench. 

Tiningnan siya ni Cindy at mabilis siyang lumapit doon. Kakilala niya siguro. Naiwan kaming dalawa ni Thunder. Tumigil muna kami sa paglalakad.

"Nagsabi naman ako, ah!" 

Binalik ko ang tingin ko kay Thunder. Tiningnan ko ang mga mata niyang kahit madilim ay masayang tingnan. 

"Oo nga kaso gabi na." Sabi ko pa rin.

"Marami kasi akong ginawa. Nakalimutan ko na. Huwag ka nang magalit sa'kin." Panunuyo niya at nagawa pang hawakan ang kamay ko. 

Hinayaan ko siya at patuloy na tinarayan. 

Isang buwan. Isang buwan na ang lumipas simula noong una niya akong kausapin at simula noon, palagi na siyang sumasama sa amin ni Cindy.

Noong una ay naiinis ako sa kaniya kaya naman palagi ko siyang tinatarayan. Si Cindy lang ang matino niyang nakakausap kapag sabay-sabay kaming kumakain sa canteen. Pero dahil hindi siya sumuko sa pangungulit sa'kin, natanggap ko na rin na kausapin siya at ituring na isang kaibigan. Kaya ngayon ay palagi na kaming magkakasamang tatlo. 

"Bati na kayo ng mahal mo?" Bulong ni Cindy habang nagpapaliwanag ang prof namin sa isang topic.

Nasa unang klase na kami ni Cindy.

Ngumuso ako. "Hindi naman kami nag-away." Bulong ko rin.

"Sus! Pero naiinis ka kahapon dahil hindi pumasok." Pang huhuli niya.

"Hindi kasi nagpaalam. Malay ko ba kung anong nangyari sa kaniya."

"Ayie! Masyado kang concern sa mahal mo."

Hindi ko na lang pinatulan ang mga sinasabi niya. Simula kasi noong maging malapit kami, nasanay na ako na palaging nagsasabi si Thunder kung hindi siya makakapasok kaya nag-alala lang ako kahapon dahil wala siyang text sa'kin. Iyon lang naman. Kaya sinabi ko sa kaniya kanina na kung maulit iyon, magsabi siya agad. 

Nagpaalam na ang prof namin kaya naman inayos na namin ang mga gamit namin. Break time na namin kaya papunta na kami sa canteen. Habang nilalagay ko ang notebook sa bag ay narinig ko ang mga kaklase kong babae na tumitili. Nagkatingin na kami ni Cindy at nakangisi na siya. Ngumuso ako at alam ko na agad ang dahilan.

Pagkatayo ko ay nakita ko agad si Thunder sa pintuan at nakangising naghihintay. 

"Dapat doon ka na sa canteen naghintay." Sabi ko sa kaniya.

Immortality in the Woods (Completed)Where stories live. Discover now