Kabanata 59

546 15 4
                                    

Dahil sa takot sa sitwasyon, nagawa ko nang puntahan si Chandria. Matagal na akong nagpipigil pero sa tuwing naiisip ko ang mga negatibong bagay ay parang masisira ang aking ulo. Hindi ko na kayang pigilan ang aking sarili kaya naman nagpakita na ako sa kaniya nang magkaroon ako ng pagkakataon.

Halos magdiwang ako nang mayakap ko na si Chandria. Napangiti ako nang maramdaman na ayaw niyang matapos ang aming pagyayakapan. Basang-basa ko na mahal niya pa rin ako at masayang-masaya siya sa mga oras na ito. At ganoon din ang nararamdaman ko. 

Sa mundong ito, Si Chandria lang talaga ang kaya akong pasayahin nang sobra. Siya lang talaga.

"Chandria hindi ako magtatagal..." Sabi ko. 

Mabilis siyang kumalas at tiningnan niya ako. Nahabag ako sa kaniya nang makita ang luha sa kaniyang pisngi. Pinunasan ko ang kaniyang luha. 

"A-Alis ka agad?" Nanghihina niyang tanong.

Lumunok ako bago tumango. Sa pagkakataong ito, kailangan naming magpigil. 

"Tinakasan ko lang ang mga tauhan ni pinuno para makausap at makita ka. Gusto kong magtagal pero kapag ginawa ko iyon, mapapahamak kang muli kaya magpipigil ako... magpipigil tayong dalawa." Paliwanag ko sa marahang paraan.

Tumango siya at muli akong niyakap. Bahagya pa akong nagulat nang hinalikan niya ako kaya naman tumugon ako sa kaniyang halik. Tinikman kong mabuti ang kaniyang masarap na labi na matagal ko nang inaasam na muling mahalikan. 

"I miss you... so damn much, Chandria. Lahat ng gagawin ko ay para sa'yo at para sa atin. Para mabigyan kita ng payapa at masayang buhay." Sabi ko sa kaniya.

Pagkatapos ng gabing iyon, naging payapa ang loob ko at ang iniisip ako. Ako pa rin talaga ang mahal ni Chandria. Hindi nag-iba at nakuha ng iba ang kaniyang puso. Kaya naman masaya akong naglingkod sa ibang kalahi namin nang makabalik ako sa Poland. Nang matapos ako sa ginagawa ay ipinatawag ako ng pinuno. 

Pinagmasdan ako nang matagal ng pinuno. Nandito kami sa malaking bahay na gawa sa bato. Ang bawat tauhan niya ay nasa paligid ng malaking bahay. Ang bawat pinuno ay dito mananatili hanggang siya'y nasa trono. Isa iyon sa patakaran na maaari namang hindi sundin. 

"Saan ka nagpunta noong nakaraang araw?" Tagalog na salita ang ginamit ng pinuno.

Bahagya akong napayuko at inaasahan ko na na tatanungin niya ako tungkol dito.

"Sa New York, pinuno." Sinabi ko ang totoo.

Napatingin si Rocco kay pinuno. Nanatiling diretso naman ang tingin ko.

"Anong ginawa mo roon?" Muling tanong ng pinuno.

"Kinumusta ko lang ang iba nating kalahi roon." Sagot ko.

Nanliit ang mata ni pinuno bago tumango. Inangat niya ang kamay niya kaya naman yumuko ako bago tumalikod at umalis sa kanilang harapan. 

Alam kong magtataka sa akin ang pinuno. Lahat ng galaw ko, alam niya kaya naman nang pumunta ako sa New York, sinadya kong kumustahin talaga ang iba naming kalahi roon. At nang makahanap ako ng tiyempo na makatakas sa mga mata ng tauhan ng pinuno ay pinuntahan ko na si Chandria.

Simula nang malaman ni pinuno na nagmahal ako sa isang mortal, hindi na palaging buo ang tiwala niya pero alam kong mabubuo na rin ang tiwala niya lalo na't nag-iingat ako sa aking bawat galaw. Hindi ko siya binibigyan ng dahilan upang magtaka sa akin. Ang bawat galaw ko ay pinag-iisipan kong mabuti. Dahil maraming mga mata ang nakatingin sa akin. At marami nang naghihintay sa aking kamalian. 

"Gusto pa ring malaman ni pinuno ang babaeng minahal mo."

Napatingin ako kay Konrad. "Alam ko." Sabi ko sa kaniya.

Immortality in the Woods (Completed)Where stories live. Discover now